Chapter 46. Zayn's POV "Anong mga sinabi sa inyo nung lalaking 'yun?" tinanong ko agad ang mga bata habang nagmamaneho ako. Tulog na naman kasi si Ynah at gising pa ang mga bata pati si Maricel. Pauwi na kami ngayon at sa katunayan, parang hindi talaga ako nag enjoy dito sa outing namin. After kasi ng mangyari sa amin 'yun, ang mga bata na lang ang naligo nang naligo. Hindi na rin naman ako pinapansin pa ni Ynah. Ni hindi nga siya nagtanong kung anong mga pinag usapan namin ni Niall nang makita niyang nagsusuntukan kami. Kaya kinabukasan din nun nang tanghali, nagbiyahe na kami pauwi. Hindi na rin naman sila nagreklamo pa. Siguro nga'y gusto na rin umuwi ni Ynah, parang hindi na nga rin siya nag eenjoy eh. Hetong mga bata na lang talaga. "Dumeretso na ako sa beach nun Daddy eh." Tiningn

