Chapter 47. Patrick's POV "Naiinis ako diyan sa kapatid mo ah." nang mabasa ko ang text ni Ate sa akin ngayon lang which is kanina pa pala niya 'to text, ngayon ko lang talaga nabasa, nag init agad ang mukha ko. Dapat talaga araw araw ko siyang kinakamusta sa mga nangyayari sa kanya at kung saan siya pumupunta eh. "Bakit?" tanong ni Shasha ko habang nakahiga lang siya dito sa kama at nanunuod ng E! Channel. Kardashian family na naman ang pinapanuod niya. "Galing pala sila ng Zambales. Ngayon niya lang nga sinabi sa akin kung kailan nakauwi na sila eh." "Ano naman bang magagawa mo kung sasabihin niya sa 'yo 'yun before pa lang sila aalis? Masusundan mo ba sila?" "Kung puwede nga lang eh." Kamot batok kong sabi. "Hayaan mo na 'yun, Patpat ko. Baka nagbabalik loob na 'yang si Zayn sa A

