Chapter 48.5. Ynah's POV "Nakakagulat naman po yata 'yang anak niyo, Ate." Ngumingisi itong si Maricel. "Kahit ako nga rin eh. Hindi ko inaasahang magkakar'on siya ng alam tungkol sa ganun." Nakahawak lang ako sa baba ko habang iniisip ang mga pinag usapan pa namin ni Ziekke. Nakaalis na kasi siya ngayon papasok sa school. Tinanong ko rin naman siya kung may alam din ba tungkol dito si Zyril, pero buti naman at wala. At mukha naman daw hindi interesado si Zyril sa mga gan'tong bagay. Hindi ko naman in-open sa kanya na may problema kami ngayon ng Daddy nila. Ayun lang ang hindi ko ikinuwento sa kanya. Okay nang nagkar'on siya ng kahit kaunting kaalaman tungkol sa past ko, namin ni Zayn. "Kaya pala kahapon po nang pauwi tayo tanong siya nang tanong kay Sir tungkol sa inyo po pati kay Sir

