Chapter 49. Niall's POV "Kakausapin mo na ba siya?" "Ayoko." "Hahantayin mo na lang siya umuwi? Ano namang sasabihin mo sa kanya?" "Ewan." Hinahayaan ko lang siyang uminom nang uminom diyan. Hindi na nga ako nagi-Ingles dahil alam ko kung ano ang nararamdaman niya. Ngayon ko nararamdaman ang simoy ng isang Yrie, hetong babaeng kausap ko ngayon ang Yrie na naman. Parang kada tumitingin ako sa mga mata niya ay na¬raramdaman ko na talaga siya. Kinontak niya kaagad ako kanina. Mag usap at magliwaliw raw kami. Hindi ko na tinanong pa sa kanya kung bakit at kung anong mga nangyari. Nag ayos na lang kaagad ako at pinuntahan ko na siya. Nang dumating naman ako sa kanila. Nadatnan kong hindi pa siya nakaayos. Nakaupo lang siya sa sofa n'on habang ginagamot naman ni Maricela ng mga sugat niya

