Chapter 50. Zayn's POV On the way na ako sa ospital ngayon. Tinawagan kasi ako ni Danica. Sabi niya ay nasa ospital ngayon si Trisha. Tinatanong ko naman kung anong nangyari pero gusto niya ay papuntahin na lang ako d'on. Hindi ko sana ipagpapaliban ang trabaho ko pero sabi nila ay emergency raw. Sinusubukan ko nang paunti unting iwasan si Trisha pero gan'to naman ang mangyayari ngayon. Gusto ko nang magbagong buhay pero may mangyayari naman pala ngayong masama kay Trisha. Hindi ako nag aalala sa kanya. Kay Marie ako nag aalala ngayon, iniisip ko kasi ay paano kung makita niya ulit kami ni Trisha? Baka mapunta sa wala lahat ng mga pinaplano ko. Babalik kaagad ako sa opisina pagkakita na pagkakita ko lang din kay Trisha. Gusto ko na rin siyang kausapin ngayon para sa binabalak kong pagti

