Chapter 51. Zayn's POV **FLASHBACK** "Nasa'n na ba 'yang mommy niyo. Bakit ba kasi niya iniwan 'yung phone niya." Hindi ako mapakali. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa sala habang iniisip kung nasa'n siya ngayon. Kailangan naming mag usap ngayon. Hindi ko hahayaang maglayas siya ngayon dahil lang d'on, ipapaliwanag ko na sa kanya ang lahat. "Pagkauwi rin po kasi namin, hindi naman po namin siya nadatnan." Sagot ni Zyril, "Nandiyan lang siguro si Mommy, 'wag kayong masiyadong mag alala Dad." Dagdag pa niya. Naiinis ako dahil iniwan pa niya ang phone niya. Sinadya niya yata 'yun dahil alam niyang hahanapin ko siya. "Pumasok muna kayo sa mga kuwarto ninyo." Sabi ko sa mga bata at pinuntahan ko kaagad si Maricel."Maricel." Tawag ko sa kanya. Kaagad naman niya akong sinalubong. "S-si

