Chapter 52. Clarisse's POV "Istick, tinawagan ako ni Zayn. Pupunta raw siya ngayon dito." Kakapasok lang ng bahay ni Renz ngayon. Si Best friend pala ang tumawag sa kanya. "Ngayon na raw ba?" "Oo. On the way na nga." "Hala, wala pa akong nalulutong pagkain para sa kanya." "Ubos na ba 'yung cake diyan?" "Inubos na ng mga bata kahapon." "Hayaan mo na. Hindi naman yata kakain dito 'yun." Loko talaga 'to, "Seryoso ang boses niya eh. Baka seryoso ang sasabihin sa atin." Dagdag pa niya. Ay ganun ba, hm, baka nga. "Baka tungkol sa kanila ng babae niya o kaya sa kanila ni Siz?" Baka." ** "Nandito na raw siya sa labas." Sabi ni Baboy habang hawak niya ang phone niya, "Oo pare, sasalubungin na kita diyan." Sumenyas siya sa akin na saglit lang. Tumango naman ako at inayos ko na lang ang m

