Chapter 53. Patrick's POV "Shasha, dito ka lang. Gusto kong makausap ang Ate, nabalitaan ko kasing bukas na pala pupunta dito sila Kuya Paulo. Isosorpresa pa nga raw sana ako pero kailangan ko talagang makausap muna si Ate Ynah." Umupo siya na para bang pinipilit niyang tumayo, "Sasama na ako sa 'yo, Patpat." "Hindi, diyan ka lang. Magpahinga ka lang diyan, saka bibisitahin ko rin sila Ate Faye. Kakapanganak lang niya, hindi ko pa nakikita ang baby niya eh." "Gusto ko ring makita ang baby niya." Nakanguso niyang sabi. "Ay nako, dito ka nga lang." ibinalik ko ulit siya sa pagkakahiga niya. Takot ko na lang kung anong mangyari sa asawa ko kung sakaling isasama ko siya. Medyo kinakabahan na rin ako dahil malapit na nga raw lumabas ang baby girl namin. Lalo na nang mabalitaan ko pa ang

