Chapter 30. Ynah's POV 6 AM na nang tumunog ang alarm clock ko. Nagising naman kaagad ako dahil hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi. Halos madaling araw na rin naman ako nakatulog kagabi sa kakahantay sa pagpasok niya sa kuwarto ko ngunit bigo. Hindi man lang niya ako sinuyo kagabi o pumasok man lang sa kuwarto ko hanggang sa marinig ko na lang na inilabas niya ang kotse sa garahe at lumabas siya. Tulog na ang mga bata nung lumabas ako nang magaala una na nang umaga. Tinry ko rin naman siyang kontakin pero nakapatay lang naman ang phone niya. Tinanong ko kila Maricel kung nagsabi sa kanila kung saan pupunta, hindi rin naman pala nagsabi. Basta na lang daw kinuha ang susi at saka umalis na lang. Siyempre hinantay ko muna siya nun, hanggang sa 3 AM na wala pa rin siya ay nakatulog

