Chapter 30.5. Niall's POV 2 PM na at hanggang ngayon ay naghahantay pa rin ako sa kanya. Anong oras na kami makakarating nito kila Ate Shaina. Ang tagal naman kasi niyang kumilos, nalimutan pala niya ang tungkol sa lakad namin ngayon. Tsk, hindi bale na. Kaninang 12 PM na rin naman ako nagpunta dito kaya halos dalawang oras na akong nandito at medyo nabuburyo na ako ngayon. Hindi ko na rin naman nakakasama ang barkada ko noon pero si Steven na lang ang tanging nakakasama ko ngayon. Simula kasi nung nagkar'on na kami ng mga trabaho, nagkahiwa-hiwalay na kami ng mga landas. Dalawa sa barkada namin ang nangibang bansa, lately na lang ako nag out of the country nun, pero itong sila Steven ay may mga permanente na rin naman kasing trabaho dito sa Pilipinas. Mayroon na rin naman siyang asawa.

