Chapter 2.
Ynah’s POV
Pagkahiga na pagkahiga namin dito sa kama, bigla niya akong hinalikan nang ilang beses at niyakap nang sobrang higpit, “Namiss kita Mmy. Kamusta naman ang Marie ko?” Tanong sa akin ni Zayn habang nakayakap pa rin siya sa akin.
“Hmp.” Sabi ko at saka tinalikuran ko siya. Alam niyo naman siguro kung bakit ako nagtatampo ngayon diba?
“Oh bakit nagtatampo ang mahal ko?”
“Alamin mo.” Pagsusungit ko.
“Harap ka muna sa akin.”
“Hmp. Ayoko nga.” Pagmamatigas ko pa at mas lalo pa akong tumalikod sa kanya.
“Isa.” Pagsimula niya ng bilang sa akin kaya naman humarap na ako sa kanya. Ang daya naman nito. Dapat sinusuyo niya ako ngayon, eh tinatakot niya ako diyan sa pagbibilang niya eh. Alam niya kasing takot ako sa kanya kapag nagbibilang na siya dahil seryoso na kaya siya nun. Kaya naman sumusunod nalang agad ako. Simula nga nung maging magasawa kami niyan, siya pa nga talaga ang mas naging istrikto sa aming dalawa eh. At nadadayaan talaga ako sa kanya. Pero ano nga bang magagawa ko? Kung alam ko namang nasa lugar at tama naman ang ginagawa niya... Wala namang mali siguro.
“Ayan. Hmp.” Humarap na ako sa kanya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Bahala talaga siya diyan!
“Tumingin ka sa akin.” Utos niya na may halong awtoridad naman sa boses niya. Kaya no choice, napatingin na lang ako sa kanya gaya ng sabi niya.
Ngumiti siya sa akin, “Nahihiya ka yatang tumingin sa akin eh. Bakit nahihiya ang Marie ko?” Malambing pa niyang pagkakatanong.
“Hindi naman. Tss.” Pagsusungit ko pa rin.
“Ay nako. Sabi ng tumingin sa akin eh.” Tumingin na lang muli ako sa kanya. Buti na lang talaga at lamp shade na lang ang bukas ngayon kundi baka mahalata pa niyang namumula ang buong mukha ko ngayon, “Sabihin mo sa akin. Bakit ka nagtatampo? Huh?”
Bumuntong hininga ako, “Wala.”
“Wala pero nagsusungit sa akin ang pinakamamahal at pinakamaganda kong asawa?” Tss! Akala niya siguro madadaan niya ako sa ganyan niya ah.
“Hmp!”
Imbis na sumagot siya eh mas lalo pa niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko naman matatangging hindi masakit, masarap nga eh. Waaah! Ano ba naman ang mga pinagiiisip mo Ynah!
Pero kunsabagay magasawa na naman kami ni Zayn. Pero sa totoo lang hanggang ngayon feeling ko ay parang naninibago pa rin talaga ako sa feeling at sa katotohanang magkasama na nga kami sa iisang bubong ng dating boyfriend ko lang, tabi na kami sa kama matulog pati na rin may mga anak na kaming pinapaaral at binubuhay. Masaya pala ang ganitong feeling. Na kahit sa kabila ng pagod ko sa mga kakulitan ng mga anak ko eh nandiyan naman ang asawa ko para iparamdam na parang dalaga pa rin ako at espesyal sa lahat ng oras.
“Alam ko na, nagseselos ka 'no?” Dagdag pa niya kaya naman napaalis ako sa pagkakayakap niya sa akin.
“H-HA? HOY! H-HINDI AH!” Pagdepensa ko pero hindi naman ako makatingin sa kanya nang deretso.
Ako? Nagseselos? Paano niya... NALAMAN 'YUN? Halata ba sa akin na pinagseselosan ko ang bagong katulong na 'yun? Hindi naman halata diba? Hay nako! Kasi naman eh hahanap na lang ng katulong... 'Yung mas bata pa sa amin, sa akin. Puwede naman 'yung mas matanda na lang sa amin eh. Ayan tuloy, nagseselos ako ng wala sa lugar.
“Oh. Bakit parang gulat na gulat ka naman sa sinabi ko? Halata ka na oh.” Nakangiti niyang sabi. Ay nako! Naiinis talaga ako pag ngumingiti siya ng ganyan! Para bang nangaasar pa siya lalo eh!
“H-halata bang nagseselos ako sa bago nating katulong na 'yun?” Inosente kong tanong. Kasi ano pa nga bang magagawa ko? Alam na niya! At ang pinagtataka ko ay kung paano niya nalaman 'yun. Hay. Hassle naman oh.
“Hahahahaha.” Tumawa lang nang tumawa itong si Zayn.
“Hoy. M-may nakakatawa ba sa s-sinabi ko?” Utal utal kong tanong. Kakainis kaya! Bakit bigla bigla na lang 'tong tumatawa?
“Wala naman. Pfft. Natatawa lang ako sa 'yo. Hahahaha.” Pagpapatuloy pa rin niya sa pagtawa niya. Aba! NANADYA TALAGA ANG LALAKING 'TO AH?
Tinulak ko nga siya, “Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ah. Hindi pa tayo tapos!”
“Aray ko naman. Tsk. Hahahaha. Ang kyot mo kasing tignan. Hahaha. Edi inamin mo rin na doon ka sa bagong katulong natin ikaw nagseselos at hindi na dun sa katrabaho ko? Hahahaha.” Lokong ito ah! Oo nga 'no! Bakit ngayon ko nga lang pala naisip na bakit nagbanggit ako ng pangalan? AISH! BANTANGA MO RIN KASI YNAH! EDI INAMIN KO NA RIN PALA NA SA KATULONG NAMIN AKO NAGSESELOS! TCH! KAKAINIS NAMAN OH!
At pinaalala na naman niya ang katrabaho niyang 'yon na si Christina. Alam niyo ba kung gaano talaga ako kaimbyerna sa babaeng 'yun? Na every time na pupunta ako sa opisina ni Zayn at nakikita ko siya at the same time ay nakikita niya rin ako... Siya ang unang titingin sa akin. 'Yung tingin niya na para bang maco-conscious ka talaga nang sobra kahit hindi ka nakatingin sa kanya. Makikita mo kasi sa peripheral vision mo na pinagmamasdan ka niya from head to toe! At akala niya siguro hahayaan ko lang siya na tunawin niya ako sa tingin niya ah... Siyempre binanatan ko rin siya.
Tiningnan ko siya pabalik at saka nagcrossed arms ako while raising my left eyebrow. After 2 seconds, tinalikuran ko siya sabay wave naman ng buhok ko. Kung malapit nga lang ako sa kanya naihampas ko sa pagmumukha niya ang buhok kong hindi pa napapahot oil kaya magiging malas sana siya dahil masasampal sa mukha niya ang split ends ng buhok ko. *insert evil laugh here*
Pero dahil angkan na ako ng mga Realubit hindi naman ako ang magdadala ng pagpapahiya ng lahi ni Zayn sa kanuno nunoan pa lang niya. At saka kilala na naman ako nang karamihan sa kumpanya na 'to na AKO LANG NAMAN ANG NAGIISA LANG NA ASAWA NG CEO DITO. Hindi sa pagmamayabang, pinagmamalaki ko lang na sa akin na ang guwapo nilang CEO dito kaya 'wag na silang mangarap pa na magugustuhan sila ng asawa ko kahit gaano pa sila kaganda, kakinis at kasexy, dahil ako at ako pa rin naman ang hahanap hanapin ng asawa ko 'no! Tatak nila sa mga kokote nila 'yan.
Ayun nga. Kaya imbyerna ako sa katrabaho ni Zayn dun. Akala mo naman kasi kung sinong maganda eh matangkad lang naman siya. Saka never siyang magugustuhan ni Zayn!
Kaya nga... Hindi ko pa rin alam kung bakit nagseselos pa rin ako sa kabayong 'yun eh.
“Anong iniisip ng baby ko? Nakatulala ka lang diyan. 'Yung si Christina ba pati si Maricel ang iniisip mo? Hahahaha.” Parang bumalik bigla ang buong pagkatao ko sa pagkarinig ko ng boses ni Zayn. Saka ko lang pala naalalang kausap at katabi ko pa pala siya ngayon. Masiyado kasi akong nadala sa mga kababaihan niya eh! Tss.
“Tss. Dun ka na lang sa kanila. Bahala ka diyan, matutulog na ako.” Pagkasabi ko ay saka ako nagtaklob ng kumot. Medyo hinatak ko pa nang kaunti sa kanya para kahit sa ganung paraan lang ay mahalata niyang nagdadabog ako. Hmp.
Biglang binaba ni Zayn ang kumot na nakataklob sa mukha ko sabay sabing, “Hindi ka pa puwedeng matulog.”
“At bakit aber?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya nang nakakaloko at saka niya muli ako hinalikan, “May gagawin pa kaya tayo.” at bumanat na naman siya ng MAS NAKAKALOKONG NGITI PA NGAYON! Hay nako. 'Yan na naman po siya. Hahaha. Hmp.
“Hoy lalaki ka. Kung akala mong madadaan mo ako sa ganyan ganyan mo, puwes nagkakamali ka. Akala mo siguro ganun ganun nalang 'yun ha!” Kilala ko na 'yang si Zayn. Alam kong pag nagagalit o nagtatampo ako sa kanya ay dinadaan niya ako sa mga ganyang-ganyang style niya. Minsan nanlalandi pa, amp.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. He sealed my lips with a kiss. Hindi na ako nakapalag pa dahil sa nakayakap na rin naman siya sa akin nang sobrang higpit. Alam ko sa sarili kong gusto ko rin naman 'to kaya hindi na ako pumalag pa.
Niyakap niya lang ako nang sobrang higpit while he’s still kissing me passionately. Can’t deny the fact na namiss ko talaga itong lalaking kahalikan ko ngayon, lalaking kayakap ko ngayon, lalaking kausap ko lang kanina, at lalaking inaaway away ko lang kanina. Ang saya pala talaga sa feeling kapag nagsama na talaga kayo ng dating boyfriend mo lang sa iisang bahay. Hindi naman sa live in kami pero marami na ang saksi sa pagmamahalan naming dalawa simula pa lang nung nanumpa na kami sa harap ng altar.
Huminto siya, “Edi inamin mo ring hindi lang si Christina ang pinagseselosan mo kundi pati na rin ang bago nating katulong,” Nakangiting sabi niya sa akin, “Bakit mo pinagseselosan ang mga babaeng hindi mo naman kalevel at kahit kailanman hindi humigit pa sa 'yo? Ah, kasi mahal mo nga pala ako. At napakasuwerte ko ngayon dito sa asawa ko dahil may asawa akong sobrang selosa. 'Wag kang magalala, hindi ako tulad ng ibang mga lalaki diyan na nasasakal pa pag pinagseselosan sila ng mga mahal nila. Mas nagugustuhan ko pa nga 'yang ginagawa mo at kung ano ka sa akin ah,” He paused for a while and he sighed, “Hindi kita masisisi kung nagseselos ka sa kanya... sa kanila... Dahil hindi ko rin naman masisisi kung gaano mo ako kamahal diba? Mas lalo pa nga akong nai-in love sa 'yo kapag ganyan ka eh. Sana ganyan ka lang palagi sa akin Mmy. You know how much I really love you to the point na kahit nasasaktan na ako, nasasakal at kung anu ano na ako sa iyo ay hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa 'yo kundi nadadagdagan lang.” At saka hinalikan niya uli ako nang sobrang tagal.
Nakabukas lang ang mga mata ko at first time ko lang makita ang hitsura niya habang hinahalikan niya ako. Nakapikit lang siya, 'yun lang 'yon pero ramdam ko na doon kung gaano niya ako kamahal. Pinikit ko na rin ang mga mata ko at mas lalo ko pang dinama ang halik niya sa akin. Ang halik niya na kahit kailanman 'yan lang ang sobrang naging matamis sa lahat ng mga natikman ko.
Niyakap ko siya nang sobrang higpit, “Thank you ddy---“
“Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayokong nagte-thank you ka? Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa rin tayo nagkakalinawan dito?” Ay, oo nga pala. Sabi ko nga po.
“Sorry na Ddy. Kay God na nga ako magte-thank you oh. Thankful na ako nang sobra sa kanya kasi hindi niya binigo ang mga pangarap ko. Na magkaroon ako ng isang masayang pamilya at mapagmahal na asawa. Ikaw ang ginamit niyang kasagutan sa lahat ng mga hiling ko sa kanya. I love you so much Ddy.” Sinasabi ko sa kanya ang lahat nang 'to habang nakatingin ako nang deretso sa mga mata niya.
Ningitian niya ako. 'Yung labas ngipin na pero alam kong hindi iyon peke, “And I love you more Mmy. I love you so much and I will love you more for the rest of our lives. Magpapasalamat naman ako ni Lord, dahil binigyan pa Niya tayo ng dalawang biyaya pa. Sila Zyril at Ziekke...” Nakangiti pa rin niyang sabi.
Hindi ko talaga makakaila na masaya na talaga ako sa kung anong mayroon ako ngayon. At alam ko rin na ang iba naming mga barkada ay masaya na rin sa kung anong mayroon buhay sila ngayon.
Hindi talaga ako nagkamali sa pinili kong lalaki na simula sa una pa lang ay marami nang naging hadlang sa amin at marami na agad pagsubok na dumating sa amin... Pero hanggang ngayon kaming dalawa pa rin ni Zayn Louis Realubit ang magkasama sa huli.