Still into You [3]

2561 Words
Chapter 3. Ynah’s POV “Buti naman bhez at nagka-bonding ulit tayo ngayon. Grabe talaga, sa sobrang ka-busy-han na ng bawat isa sa atin halos twice a month na nga lang uli tayo nagkakakita kita. Pero mabuti naman ngayon at kahit dalawa lang tayo ay nakahanap pa rin tayo ng oras na magkasama tayo!” Excited na pagkakasabi ni Faye na kulang na lang ay tumalon at gumulong gulong sa sobrang tuwa at galak. “Hahahaha. Hanggang ngayon ikaw pa rin talaga ang bhez na nakilala ko nung elementary days pa lang. Grabe ka, hindi ka pa rin talaga nagbabago Bhez!” “Siyempre naman! Ako pa? Asus. Malabo! Baka hanggang sa pagtanda natin ay ganito pa rin ako eh. Whehehe!” Sabay pambanat pa ni Faye ng nakakaloko niyang tawa. Loko talaga nito kahit kailan. Nandito kami ni Faye ngayon sa isang ice cream parlor. Ngayon na lang talaga uli kami nagkasama ng bruhang ito. Kahit kasi sila Clarisse ay siguro last month pa nung huli naming magkasama. Ang iba kasing barkada ay nagbabakasyon sa ibang bansa. Sila Patrick at Ate Shaina lang talaga ang nag-migrate sa ibang bansa para magstay na talaga doon. Okay na rin naman dahil may sarili na rin naman silang bahay doon. Sa katunayan ay sobra talaga naming namiss ang isa’t isa. Kanina nga nung makita ako niyan nagtatatalon 'yan habang nakayakap sa akin pero sinaway ko nga. Buntis kaya siya at halos tatlong buwan na pero ganyan pa rin siya ka-hyper. Grabe nga eh. Natutuwa talaga kami diyan kila Faye at James. After nung nagkaroon sila ng apat na anak hindi na agad nasundan pa 'yun. Ayaw pa raw muna uli kasi ni Faye, pero who knows... Baka si James gusto pa! Charot. Kaya ayun, ngayon pa lang ulit masusundan ang panglimang anak nila. Okay lang naman sa kanilang maganak nang marami. Maykaya rin kaya ang mga Dela Cruz (Iyang sila Faye at James family). Kahit kami hindi rin talaga kami makapaniwalang makakaabot pala ng limang anak ang Dela Cruz na 'yan. Lalo na si Faye? Ang amazona sa barkada. At si James? Ang misteryoso at sobrang tahimik sa barkada ay makakaabot sa limang anak? Pambihira nga naman! All things are possible nga naman. Kaya maraming naga-admire couple nila eh. Lalo na sikat sila sa Realubit University, naku po! Parang dati lang, sinabi sa akin dati ni Faye nung 1st year college pa lang yata kami na hindi talaga siya magaanak dahil malolosyang daw siya at masakit daw umire. Pero ngayon… Maglilima na ang mga baby Faye at baby James! “'Wag kang masiyadong hyper diyan bhez at baka makunan ka ng wala sa oras diyan!” “Hahaha. Shunga, hindi naman! Na-excite lang naman uli kasi ako sa pagkikita at pagsasama natin. Haay. Dapat bhez ikaw uli ang kasama ko sa room pag iiire ko na 'tong si Feya pag babae o Jhay pag lalaki ah!” Natatawa tuloy ako dito kay Faye. Ang aga talaga niya magisip ng pangalan para diyan sa anak niya na halos tatlong buwan pa lang namang nasa tiyan niya. Halatang excited na excited siya eh. At saka oo, ako kasi ang kasama sa room ni Faye kapag iiire na niya ang bata. Dalawang beses niya lang nakasama si James noon nung buntis siya sa una at pangalawang anak niya. The rest, sa akin na siya lagi nagpapasama dahil medyo nahihiya raw siyang umiire pag nandoon daw si James. Lagi pa naman siyang normal kaya talagang laging namumula ang buong kamay ko pag manganganak 'yan. Minsan nga ay nagkakapasa pa dahil sa tindi ng pagkakakapit niya sa akin. Talagang ako lang ang gusto niyang makasama pag manganganak na siya at wala nang iba. “Oo naman bhez. Alam mo naman na kahit gaano pa ako ka-busy sa mga araw na nanganak ka, pinagpaliban ko muna kaya 'yun para lang masamahan ka!” “Okay nga 'yun bhez eh. Whahaha!” Loka loka talaga ang babaeng 'to. Parang hindi siya buntis kung makatawa naman siya diyan. Wala nga talaga siyang pinagbago. “'Wag kang tatawa tawa diyan at baka biglang may tumulo na dugo sa pagitan ng legs mo!” Pangaasar ko pa sa kanya. Lokaret nga kasi itong bhez ko. Buntis na nga, parang wala pang kaala alaga sa sarili. Feeling dalaga pa ang bruha! Pero kahit ganyan pa kaloka loka 'yan, mahal ko pa rin siya. Pati siyempre ang mga anak niya na sobra ko talagang ka-close at laging nakakalaro nila Zyril. “Ang O.A mo rin pa talaga hanggang ngayon Bhez! Hindi naman 'no! Kamusta naman kayo ni Pareng Zayn? Nagkakaroon naman ba kayo ng oras para sa isa’t isa? You know... Hihihi!" Talagang 'yun pa ang binungad na tanong sa akin ni Faye ah. At take note, bumanat pa siya ng nakakalokong ngiti sa huling line na sinabi niya! Baliw talaga 'tong buntis na 'to. “Ano ba bhez! Hahahahaha!” Matawa tawa kong sabi. “Oh bakit? 'Wag mo sabihing naa-awkward ka diyan sa tanong ko sa 'yo? Aba 'te! Natural na lang naman itong mga tanungan ko sa 'yo, hindi mo pa rin masagot sagot? Kilala mo naman ako, every time naman na magkikita tayo isa 'yun sa mga tanong ko sa 'yo na hindi nawawala! Malalaki na tayo kaya okay lang 'yan! Sagutin mo na lang!" Tumatalsik talsik pa ang laway niya habang pinapaliwanag pa niya sa akin ang side niya. Kundi lang talaga 'to buntis baka kanina ko pa 'to sinikmuraan. Joke! Takot ko nalang kay James. Pero kahit na 'no! Eh kung sa... n-naa-awkward pa rin a-ako pag tungkol sa ganyang topic ang tinatanong sa akin ni Faye? Hm. “O-okay naman kami e-eh..."=” Alanganin kong sagot. “Alam kong okay kayo. What I mean is, 'yung s*x life ninyo! Kamusta naman?---UHMMMP! Bhez naman eh! BAKIT MO GINAWA 'YUN?” Tinakpan ko kasi bigla ang bibig ni Faye dahil dun sa sinabi niya! Straight to the point ba naman akong tanungin tapos sobrang lakas pa ng boses niya? Ay nako! Kahit best friend ko ang babaitang 'to nahihiya tuloy akong kasama siya. “Bhez naman eh! Ang lakas ng boses mo!” Pabulong ko na pasigaw. Alam niyo na naman siguro 'yun diba? “Hahahaha. Ano na naman bang ginawa ko? Sanay ka na naman sa akin diba na ganito kalakas ang boses ko kahit malapit lang naman ang kausap ko. Hahaha!” Pangaasar pa niya sa akin. Tinatawanan ba naman ako deretso sa mukha ko eh. Mapangasar talaga ang babaeng 'to. Kung hindi lang uli siya buntis nasampal ko na 'to. Joke! “Eeeh! Pag ganyang mga usapan naman kasi... L-lower the volume of your v-voice!” “Hahaha. Tss. Hay nako bhez. Hindi ka na nasanay sa akin. Dapat nga maging proud ka pa dahil pogi naman ang napangasawa mo ah! Hindi naman mukhang chararat diba? Hahahaha!” Hay nako. Si Faye talaga. “Alam ko naman 'yun!” “Oh. 'Yun naman pala eh. Hoy bhez, 'wag mo nga akong pinapaikot ikot dito at baka mahilo ako. Talagang susukahan kita diyan. Ano na? Kamusta nga kasi 'yung---“ “OKAY LANG!” Pagputol ko sa sinasabi ni Faye. Alam niyo na naman siguro ang mean niya dun diba. Kung kasama niyo lang siya ngayon talagang ipangangalandakan niya ang mga pinaguusapan niyo. Buntis lang ulit ang daldal at ang ingay na naman niya. Hindi naman siya ganyan nung hindi pa siya nagbubuntis eh. “Hahahahaha! Paanong okay lang?” Kita niyo nga oh, pati tungkol sa ganyan ko curious na curious! Buti na lang talaga at nakakatagal naman sa kanya si Pareng James! “BASTA OKAY LANG!” “Ipaliwanag mo kasi sa akin Bhez.” Sabi ni Faye habang nagpa-pout pa siya. Aminado akong parang bata pa rin ang itsura at asta niya. Maganda at cute pa rin siya, walang halong biro! Kahit na best friend niya ako ay kahit na siya pa ang madalas lumait nang lumait sa akin maganda naman si Bhez. “Ano bang gusto mong paliwanag ang gawin ko? Alam mo na naman 'yun bhez!” “Hindi ko alam 'yun.” Nakapout pa rin niyang sabi. “Hindi mo alam diyan, eh panglimang anak mo na nga 'yan nagpapakainosente ka pa sa mga ganyang bagay!” “Hahaha! Nakakainis ka!” Sabi niya with matching palo pa sa balikat ko, “Curious lang naman ako sa s*x life niyo ni Pareng Zayn eh. May bago ba?” Dagdag pa niya. Anong ibig sabihin niyang bago? “What do you mean?” Sabi ko at saka humigop ako ng hot chocolate dito sa cup ko na lumamig na yata dahil sa kadaldalan ni Faye. Nakigaya rin si Faye. Uminom din siya doon sa cup niya. Milk nga lang ang sa kanya, "Bagong s*x positions." *cough cough* Nasamid ako sa iniinum kong kape. Hindi ko alam kung dahil ba sa natuloy tuloy ko na 'yung tinagay kaya ako nabulunan o dahil nakaramdam pa pala ako ng init sa hot chocolate na 'yun o kaya naman dahil diyan sa sinabi ni Faye. s*x POSITIONS DAW BA? Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya eh! “Bhez naman eh! Hahahaha!” Pagsita ko kay Faye pero nasabayan na ng pagtawa ko. Amp. “Anong nakakatawa dun? Okay naman ang tanong ko eh. Pero seryoso, may bagong s*x position ba kayong ginagawa ni Zayn?” Biglang natigil ako sa pagtawa ko dito at napaayos naman ako ng pagkakaupo ko dito at inayos ko ang sarili ko. Mukhang seryoso nga talaga si Bhez! Bakit kasi pati 'yun gusto niyang malaman? Ay nako! “B-bhez naman. 'Wag mo na kasing a-alamin!” “Best friend mo naman ako diba? May karapatan naman akong alamin ang tungkol diyan, bhez!” *cough cough* At for the second time naman nasamid na naman ako. Magkakaubo na ba ako o ano? Hindi na naman ako umiinom ng inumin ko nun nang naubo ako ngayon. Sa sariling laway ko nga yata ako nasamid! “Bhez naman! Sarili ng privacy 'yun ng best friend mo!” “Hindi mo ba mapagbibigyan ang buntis?” Naka-pout niyang sabi. Bakit ba interesadong interesado talaga siya tungkol dun? Faye talaga! “Eh ano naman ba kasi ang gagawin mo pag nalaman mo 'yun?” Poker face ang mood ng mukha ko ngayon. “Edi... Puwede rin naming gayahin ni J-james? Alam mo namang idol kita bhez!” What the. Hahaha! Grabe. Ibang klase talaga 'tong si Faye at wala na akong masabi kung bakit pa. Hahahaha. s**t lang! “Ay nako bhez! Mag-download ka na lang ng application sa phone mo na s*x Positions!” Suggest ko sa kanya. Kung akala niyong nagsisigawan kami siyempre medyo mahina hina naman ang boses namin at estimated namin kung gaano 'yun kalakas na kung maririnig ba nung mga katabi naming table ang usapan namin. Nagulat ako nung nagbigay ng isang masamang tingin sa akin si Faye. Saka ko lang naalala, GALITIN MO NA ANG LASING AT BAGONG GISING, 'WAG LANG ANG BUNTIS! “B-bakit hindi niyo subukan sa loob ng k-kotse?” Dagdag ko pero pautal utal ang pagkakasabi ko niyan dahil din sa kahihiyan. Natry na kasi namin ni Zayn 'yan... O-once. *kamot ulo* WAAAAH! Heto na nga ba ang sinasabi ko eh! Nalalaman niyo talaga ang lahat eh. Faye kasi eh! Kung hindi lang 'to mukhang galit na hindi ko naman talaga sasabihin sa kanya. Hindi man lang siya nag-react sa sinuggest ko sa kanya. Ganun pa rin ang itsura niya. Para bang pinapahirapan na niya ako sa mga tingin niya at eto ang ayaw ko, namin, at paniguradong si James din na side ni Faye! Waaaah! “W-wala ka bang m-masasabi?” Dagdag ko pa pero kinakabahan na rin ako sa kanya kaya pautal utal pa ako dito. “Kung hindi pa ako magagalit sa 'yo, hindi mo pa sasabihin sa akin? Para namang hindi mo ako best friend Ynah eh.” Napadilat ang mata ko sa pagkakatawag niya sa akin. Opo! TINAWAG NA NIYA AKO SA PANGALAN KO! Dalawang tao lang naman ang kinatatakutan ko pag tinatawag na ako sa pangalang, Ynah eh. Si Zayn, dahil simula’t sa una pa lang talaga hanggang ngayon ay Marie pa rin ang tawag niya sa akin. At ang pangalawa ay 'yang si Faye nga. Dahil simula’t sa una pa nga lang din, Bhez na talaga ang tawag niya sa akin. Alam kong seryoso na siya pag tinatawag na niya ako sa pangalan o kaya naman 'yung buong pangalan ko na! “S-sorry na Bhez oh. S-sasabihin ko naman kasi---“ “HINDI! HINDI MO NGA KASI SASABIHIN HANGGA’T HINDI AKO NAGAGALIT SA 'YO ANG GANITO!” Nagulat hindi lang ako pati ang mga tao sa paligid namin dahil sa bigla-biglang pagsigaw ni Faye. Grabe! Sumigaw na talaga siya ngayon. Humingi ako ng tawad gamit ang pagsenyas ko sa mga napatingin sa aming mga customers. Hinawakan ko ang balikat ni Faye, “Bhez, 'wag ka namang g-ganyan dito oh.” “AT BAKIT? NATATAKOT KA SA AKIN?” Pinandilatan niya ako ng mata, "KAYO? NATATAKOT DIN BA KAYO SA AKIN?” At sabay baling naman niya ng galit niya dun sa mga customers na nandito sa ice cream parlor na 'to. Pati nga yata ang mga nagtatrabaho sa coffee shop na 'to ay nakatingin na sa amin. Waaah! Nakakahiya naman. “Please naman bhez oh. 'Wag ka nang m-magalit. Ngayon na nga lang u...uli tayo nagkasama eh. Please naman bhez.” Teary eyed ko nang pagkakasabi at medyo nagca-c***k na ang boses ko dala na rin ng takot dito kay Bhez. Tiningnan niya lang ako ng masama, at alam niyong matatakot din kayo kung kayo ang nasa lagay ko. Tumayo siya bigla, “Aalis na lang ako. Thanks for your time.” Tipid at seryosong sagot ni Faye. Hala. Iiwan nalang niya ako biglaan dito? Nagalit siya nang dahil lang sa hindi ko nasabi sa kanya ang mga bagong s*x positions na ginagawa namin ni Zayn? Mabilis na ba talagang magalit ngayon ang mga nagbubuntis? Panigurado namang wala siyang regla ngayon, alam ko 'yun! “A-aray!” Nagulat ako dahil humiyaw bigla sa sakit itong si Faye at nakita kong napahawak siya sa tiyan niya. Hala! MANGANGANAK YATA SI FAYE NANG WALA SA ORAS DAHIL SA AKIN! Lumapit agad ako sa kanya at inalalayan siya, “LUMAYO KA SA AKIN! ARAAAY!” Pumapalag pa siya pero nasasaktan pa rin siya. “Pa-dial naman po ang number ng Santos's Hospital!” Utos ko sa kanila. Tama, kila Erick at Margarette na ospital naman 'yun. Kaagad namang rumispende ang mga customers dito. Hala! Ano bang gagawin ko sa 'yo Faye! ** After 5 minutes, nandito na van galing sa Santos’s hospital kaya naman ipinasok na si Faye sa loob. Sasama ako siyempre, pero bago 'yan ay tinawagan ko muna si James. Medyo natagalan pa ngang sagutin ni James ang tawag. “James! Pumunta ka ngayon di sa ospital nila Maggie! Dadalhin pa lang si Faye dun sa ospital!” Sabi ko. *toot toot* 'Yan lang ang tanging narinig ko sa kabilang linya. Pinatay na pala niya ang tawag at hindi na nagabalang sumagot o magtanong man lang sa binalita ko sa kanya. Mukhang yari ako dito kay James! Lesson for today: 'WAG MONG GAGALITIN ANG BUNTIS!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD