Chapter 3.5.
Ynah's POV
“Bakit ganyan pa rin ang itsura mo? 'Wag ka nang mag-panic pa diyan nasa loob na naman ng room si Paeng eh.” Sabi sa akin ni Zayn habang hinimas himas niya ang likod ko.
Nandito na kasi kami ngayon sa ospital. Ospital nila Margarette. Isa kasi ang ospital nila Margarette sa mga sikat na hospitals dito sa buong Pilipinas. Noong tinayo pa lang nila 'to 10 years ago pa, biglang nag-click din naman agad ito at hindi nagpatalo. At hanggang ngayon dayuhin pa rin ang ospital na 'to. Kaso mga maykaya nga lang ang karamihan sa mga pasiyente dito. Hindi rin naman kasi ito public hospital.
Sinabi ko agad kay Zayn ang nangyari at pinaderetso ko muna siya kahit saglit lang dito sa ospital. Siya lang muna ang napagsabihan ko bukod kay James pati sa mga magulang nito.
“Galit yata kasi sa akin si James.” Nakatulala kong sabi kay Zayn. Kanina pa ako lutang dito sa kakaisip kung galit ba sa akin si James. Simula pa lang nung binabaan niya ako ng tawag at nung makarating siya dito ay hindi man lang niya ako pinansin at nagpatuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Si James pa naman ang ayaw na ayaw kong makitang magagalit sa buong barkada namin. May malakas lang na loob ang magagawang pagalitin 'yang si James. Baka nga si Faye lang ang kayang pagalitin 'yang si James. Thankful na rin ako at hindi ganun kamisteryoso si Zayn. Dahil lahat, alam ko na rin sa kanya.
Tumawa siya. Pero 'yung banayad lang. Patagal yata nang patagal ay napapansin kong lumalalim na ang mga pinagsasabi ko. “Bakit ka naman matatakot dun? Sanay na naman tayo na sa sobrang misteryoso niya ay asahan na rin natin ang pagiging masungit niya.”
“A-alam ko naman 'yun. Pero kasi... Alam mo rin naman na kapag ang asawa na niya ang usapin dito kahit ano naman yata kaya niyang gawin para kay Bhez eh.” Nagaalala pa rin ako siyempre. Kaya nga ako nagkakaganito eh.
Niyakap niya ako, “Hindi lang naman siya siguro ang lalaking magkakaganyan para sa asawa niya. Natural lang na kaming mga lalaki ay magkaganun para rin sa mga asawa namin. Kayo kasi eh iniisip niyong wala ng lalaking magpapakabastardo pa para sa babaeng mahal niya eh.”
Napangiti ako sa sinabi ng asawa ko. The fact na asawa ko na talaga siya plus na may mga anak na ako sa kanya. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang relasiyon namin sa iba. Na kahit magasawa na kami parang mga dalaga’t binata pa rin kaming nagsisiligawan.
“Hayaan na lang muna natin 'yang si pare ngayon. Magiging okay din 'yan pagkagising na pagkagising ni Paeng. Nagalala lang naman ng sobra 'yan kaya hindi niya pa tayo nakakausap. Kinausap na rin naman niya ang mga magulang ni Paeng. Saka diba sabi naman ng doktor wala namang nangyaring masama kay Faye. Dala lang ng emosyon ang nangyari kanina.” Dagdag pa niya. Oo nga naman 'no. Hindi ko naman pala kailangang bigyan ng ganung malalim na pagiisip ang tungkol sa mga nangyari kanina. Iintindihin ko na lang.
Tumingin ako sa kanya, “Thanks Ddy. Medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko.” At saka ko siya ningitian.
“Wala 'yon, mmy. Basta sasamahan kita buong araw ngayon dito...”
“Pero---“ Naputol ang sinasabi ko dahil, “Sa ayaw at sa gusto mo.” Oh diba, ganyan talaga ako kamahal ng asawa ko eh. Siyempre gusto ko rin namang nandito siya ngayon, kasama ko.
“Ano nga palang nangyari kanina? I mean, bakit nangyari kay Faye 'yan?” Pagiiba ni Zayn ng tanong kaya naman bigla akong napaayos ng upo.
“A-ah? Pasaway lang kasi si F-faye kanina... Kaya nangyari 'y-yan.” Utal utal kong sabi. 'Wag lang sana niya mahalata 'yan. Kasi naman eh, feeling ko eh nagba-blush na lang ako every time na maaalala ko ang mga nangyari kanina. Kasi naman 'tong best friend ko eh, kung anu ano ang mga pinagtatatanong!
Tiningnan niya ako na para bang chineck niya kung may mali sa akin, “Okay ka lang ba? Bakit nauutal ka?” Tanong niya sa akin.
“Ah! Oo naman Ddy! Bakit naman ba ako mauutal? Talaga? Hehe. Hindi ah!” Sagot ko agad sa kanya with matching iling ng hard.
Tiningnan niya lang ako, “Ano nga 'yun? Hindi naman ako magagalit kung may nasabi ka mang masama sa kanya eh. Natural lang sa buntis ang maging O.A.”
Alam ko nga. Pero kasi... Sa kung tungkol sa s*x life ba naman ang topic namin kanina? Tapos... 'yun pa ang pinagtalunan namin kaya siya nasugod ngayon dito sa ospital dahil sa sobrang inis yata sa akin at gusto nang ilabas ang batang dinadala niya? Waaah! Nakakahiya kaya. Sariling best friend pa ang nangganito sa kanya.
“Ayun nga. N-nagalit lang siya siguro sa akin. Kaya... siya nadala dito? Eh diba natural lang din naman sa buntis ang bilis ng pagkagalit agad?”
“Oo naman. Ano naman niya ang kinagalitan niya sa 'yo? May ginawa ka ba sa kanya?” Mahahalata mo sa tono ng pagsasalita niya na curious pa rin siya kung ano pa rin ang nangyari sa amin kanina ni Faye.
“W-wala?” Hindi ko rin naman maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Tinatabunan ba naman ako ng kaba. Sinusubukan ko na nga maging normal magkikikilos dito eh! Pero ewan, tinatalo talaga ako ng kaba, nakakainis.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, “May ginawa ka eh. O may sinabi ka naman yatang kakaiba. Ano nga 'yun?” Deretso niyang tanong sa akin. Hindi ako makatingin ngayon nang deretso sa kanya dahil dumadagdag lang lalo ang kabang nararamdaman ko.
“W-wala nga...” Pagiiwas ko pa ng tingin.
“Kaya mo nang maglihim sa akin ng ganyan? Akala ko ba asawa mo ako? At wala nang lihiman pang magaganap sa ating dalawa? Pero bakit ngayon ganyan ka?” Nahalata ko na sa tono ng boses niya ang sobrang pagkalamig. Natatakot na ako sa mga inaasta niya ngayon at kung anu ano na ang pinagsasabi niya.
Ano ka ba naman kasi, Ynah! Bakit mo kasi hahayaang umabot sa ganyan ang pakikitungo sa 'yo ni Zayn, eh tungkol lang naman sa paguusap niyo ni Faye diyan sa s*x life ninyo ang naging problema? Haay.
Tiningnan ko siya. Desidido na akong sabihin sa kanya kahit nahihiya pa rin ako. Ayoko nang ganito sa akin si Zayn. At saka sabi ko nga sa inyo na parang dalaga’t binata pa rin kami kung magturingan. Kaya nga nahihiya ako sa kanyang sabihin o ikuwento man lang ang tungkol sa pangungulit ni Faye tungkol diyan sa kung anong bagong s*x position ang ginagawa namin ngayon eh. Hay! Paano kung sagutin ko 'yun? Ano naman kayang susunod niyang ikukulit sa akin? Kung kailan ang huli naming ganun? Hay nako. Kilala ko kaya 'yang si Faye. Basta pagdating sa mga ganyang usapin hindi 'yan nagpapatalo hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya! Noong mga dalaga pa lang kami kung naalala niyo naman kung paano niya pilit makuha si Zayn diba? Ganyan si Faye eh. Amazonang babae na hindi titigil hangga’t hindi napapasakanya ang inaasam niya.
“Nagtanong kasi siya... kung...” I paused for a moment and I sighed, “K-kung ano na raw ang bagong s*x position na ginagawa n-natin...” Nakayuko na ako dito at napatunayan ko na rin sa sarili ko na hindi ko pala talaga kayang tumingin sa kanya deretso sa mga mata niya habang sinasabi ko ang mga 'yon.
Silence. Katahimikan ang namayani sa paligid namin. At dagdag na rin sa sobrang tahimik ng ospital na 'to, nararamdaman at naririnig ko na yata ang malalakas na kabog ng dibdib ko.
“Pfffft.” Nagulat ako sa narinig ko. Pagpipigil kaya ng tawa sa akin ni Zayn 'yun! Oo, eexpect ko na na matatawa talaga siya. Pero diba kasi kanina seryoso na siya? Dun kaya ako natakot sa kanya kanina! At dahil nga rin sa nahihiya ako ngayon. At isha-share ko lang din sa inyo 'to ah, habang nagaano kami minsan ni Zayn, hindi ako maka-moan nang maayos dahil nakatingin lang siya sa akin! Woah. Spell awkward? S-E-X W-H-I-L-E H-E-'S S-T-A-R-I-N-G A-T Y-O-U! Oh diba. Oh ako lang naman yata ang nakakaramdam nun?
“HAHAHAHAHAHA,” Ayan na nga, tumawa na nga po siya. Hiya tuloy ang nararamdaman ko ngayon! “Teka, hahahaha, Bakit hindi ka makatingin sa akin ngayon? Hahahaha.” Dagdag pa niya. Sabi na nga ba eh. Manggaganyan na naman 'yan eh!
“W-wala! Ano ka na diyan? Tatawan mo n-na lang ba ako ngayon? Tss!” Sabi ko naman sa kanya. Kakainis kasi eh. Hmp.
“Hahahaha. Nagtatampo ka na niyan? Hahahahaha---Teka, teka! Bakit ka lumayo sa akin? Dito ka nga. Tsk. Hahaha.” Lumayo kasi ako sa kanya. Maraming dumadaan dito mapagkamalan pang may baliw akong guwapong kasamang asawa ko.
May baliw akong GUWAPONG kasamang asawa ko...
Guwapong kasamang asawa ko...
Guwapo...
Waaaah! Dumikit na lang uli ako sa kanya. Wrong move pala ang ginawa ko kanina. Bakit nga pala ako lumayo sa kanya? Dami pa namang mga nars na nagdadaan dito! Mahirap na!
“Hahahaha. Himala, bumalik ka agad dito sa tabi ko ah. Hahahaha.” Tawa pa rin siya nang tawa habang inaasar pa rin niya ako. Sa halip na pansinin ko siya, idinikit ko na lang nang husto ang sarili ko sa kanya lalo na’t 'yung bawat nars na dumadaan dito ay napapatingin sa kanya? Tss! Subukan lang talaga nila. Huh! Bahala na, basta nagtatampo pa rin ako dito kay Zayn ha? Umaayos lang ako ng blocking ko sa kanya. Hmp.
“Tss. Whatever.”
“Nagsusungit ang asawa ko oh. Payakap nga.” Walang anu ano’y niyakap na niya ako. Take note the sobrang higpit na part there ah.
“Ganyan nga.” Bulong ko. Nagulat ako nang niyakap pa niya ako nang sobra pang higpit!
“Ganito ba?” Tanong niya sa akin habang nakangiti lang siya. Nakalabas pa ang ngipin niya! Sira talaga 'to. Kundi lang dahil sa mga nars na 'yun eh.
Hindi ko nalang siya pinansin. Kasi naman eh! Dapat malayo ako sa kanya ngayon, kundi lang kasi... Ugh... KUNDI LANG SIYA POGI EH! TSS. KUNDI LANG GUWAPO ANG ASAWA KO!
“Bakit nakasimangot ka pa rin? Hahahahaha. Niyayakap na nga kita, gaya ng gusto mo ah. Hahahaha.” Mahahalata mo pa rin sa tono ng pananalita niya ang pangaasar. Tss!
“Ako lang ba may gusto? Tss.” Sabi ko sa kanya pero naka-crossed arms pa rin ako sa kanya habang naka-back hug na siya sa akin ngayon.
“Siyempre ako gustong gusto ko. Payakap pa nga nang sobrang higpit.” Pagkasabi niya nun ay niyakap na niya nga ako nang sobrang higpit. Sakto namang kumpulan ng mga nars ang dadaan sa harap namin.
Tiningnan lang nila kami habang nagbubulungan. 'Yung isa nakangiti lang sa amin habang 'yung tatlong nagbubulong bulungan at mukhang may masamang intensiyon sa asawa ko!
Napakayap tuloy ako pabalik dito kay Zayn. Tsk! Mahirap na eh! MAHIRAP NA TALAGA.
Buti na lang at nakaalis na agad ang mga nars na 'yun, kundi pa masama ang mga tingin ko sa kanila baka nagbagal bagalan pa silang naglakad para lang makasilay dito sa asawa ko! Tss.
Saktong pagkaalis na pagkaalis nila, “Ano pa nga ba ang mga bagong... Hahahaha. Ehem. s*x position na ginagawa pa natin?” WHAT THE...?!
Napaalis ako sa pagkakayakap niya sa akin. Paano ba naman, tanungin ba naman ako tungkol dun s-sa... ano... 'YON! Eh kasi naman! Tapos pabulong pa siyang nagtanong? Ewan kung nangse-seduce ba o ano. 'Yung boses niya kasi medyo husky iyon!
N-nangse-seduce? Teka, nasabi ko ba 'yun sa loob ng isip ko?
ERASE! ERASE! Kasi eh! Si Zayn kasi eh! Kasalanan lahat 'to ni Zayn eh!
“HAHAHAHAHAHAHA!” Tawa lang nang tawa si Zayn habang nakahawak pa rin siya sa tiyan niya. Bakas naman talaga sa mukha niya na nasisiyahan siya sa pangaasar niya sa akin ngayon eh. Dapat talaga hindi ko 'to sinabi sa kanya eh!
“Tumigil ka nga diyan! Kakainis 'to!”
“Hahahahaha. Para namang hindi mabiro ang asawa ko. Hahaha. Tatanung lang naman eh. Hahahahaha!” Tawa pa rin siya nang tawa. Sana mabulunan 'tong nognog na 'to. Kakainis!
“Nyenyenyenye.” Sabi ko habang tinatakpan ko nalang ang tainga ko para hindi na marinig pa ang pangaasar niya!
Salita lang siya nang salita habang tumatawa pero hindi ko na napapakinggan 'yun dahil nakatakip lang naman ang dalawang kamay ko sa magkabilang tainga ko eh. Bahala siya diyan! Kahit si Faye ang binabantayan namin ngayon at kahit na ang ingay na namin dito. Ay nako, asarin ba naman ako nang ganun eh? Bahala siya diyan! Nyanya! Wala akong naririnig! NYANYAAAA!
Napansin kong biglang tumahimik...
Nakapikit lang kasi ako dito habang nakatakip pa rin ang magkabilang kamay ko sa tainga...
“Nyaaa... nyaaaa...” Tuloy tuloy ko pa ring sabi habang ang tahimik pa rin talaga! Feeling ko nga, ay parang wala na sa tabi ko si Zayn eh. Parang ako na lang ngayon ang nandito...
Dinilat ko na ang mga mata ko at kasabay nun ay ang pagtanggal ng dalawang kamay sa tainga ko.
Lumingon ako kung nasaan si Zayn...
*CHUUUUP!*
ASDFGHJKL!
“I love you...” Sabi niya sa akin nang hiniwalay niya saglit ang mga labi namin at sinabi niya ang mga katagang ito.
Pagkaharap na pagkaharap ko kasi sa kanya ay sinalubong niya agad ako ng halik. Nakakagulat pero masaya. Masaya ako sa kanya. Maraming dahilan kung bakit ako masaya kay Zayn sa kabila ng mga pangaasar niya sa akin mas dumadagdag pa ang pagmamahal ko sa kanya.