Chapter 4. Clarisse’s POV “Baboy, nakapasok na ba ng school ang mga bata?” Tanong ko kay Renz habang hindi pa rin inaalis ang mga mata ko sa inaasikaso kong records na nakasulat sa notebook ko. “Yes Istick! Muntik pa ngang malimutan ng kambal ang baon nila. Kung hindi ko pa hinabol ang mga baon nila doon sa school nila. Tsk! Tinakbo ko pa kaya 'yun Istick.” Naka-pout na sabi ni Renz. Kahit naman kasi hindi ako nakatingin sa kanya ngayon ay ramdam ko kayang nakanguso siya sa kabila ng mga sinasabi niya diyan. Tama kayo sa inyong narinig. Kambal ang anak namin ni Renz. Si Alexis at Alexa. At tama na naman kayo sa pagkakarinig ng pangalan. Parehong babae ang anak namin. At tama rin kayo sa hinala ninyo dalawa pa rin ang anak namin hanggang ngayon at hindi na nasundan pa. Parehong 11 years

