CHAPTER TWO

2354 Words
UNTI-UNTI ay lumapit ako kay Alden. Tingnan ko lang kung hindi siya mapahamak sa akin. Malakas siyang bumahing nang malapit na ako sa kanya. Kinusot niya ang ilong niya "One meter boundary!" sigaw niya. "May allergy ako sa pangit. Lumayo ka sa akin!" "Ang arte mo!" "Talaga!" "Napakayabang mo talaga. Akala mo kung sino ka," sabi ko at nagtatakbo na ako palabas ng shower room habang sumisigaw ako ng: "Gusto akong reypin ni Alden Park!!!" Kailangan kong palabasin na gusto niya akong pagsamantalahan para mapaalis na agad siya dito sa school. Hindi niya kilala ang kinakalaban niya! Sino ba naman ang hindi maniniwala sa sinisigaw ko? Hitsura ko pa lang, very convincing na biktima ako ng attempted rape. Panty at bra lang ang suot ko. Tapos sasabihin ko pa na kaya nawalan ng garter ang panty ko ay dahil pinipilit hubarin iyon ni Alden. Haha! I'm so smart talaga. "Help me, please. Alden wants to rape me. Somebody get him!" pang-award na acting ko. Pero, bakit tila walang pumapansin sa akin? Tumakbo ako sa hallway at nagtumba-tumbahan. "T-tulong... Gagahasain ako ni Alden Park..." kunwari naman ay nahihirapan na acting ko. Hanggang sa tatlong estudyanteng babae ang lumapit sa akin. Lahat sila naka-crossed arms. "Anong sabi mo?" tanong nung mahaba ang buhok. Tumayo ako. Mukhang may naniniwala na sa akin. "Rereypin ako ni Alden." "Ambitious!" at isang malakas na sampal ang pinatikim sa akin ng babaeng nasa gitna. "Bakit mo ako sinampal?!" "Dahil napaka-ambisyosa mo. Ikaw, rereypin ni Alden? Eh, ang pangit mo naman! Kadiri ka." "Sino ba kayo? Kung maipagtanggol niyo ang mayabang na 'yon, wagas!" "Kami lang naman ang fan girls ni Alden Park!" chorus nilang tatlo. Grabe naman, wala pang isang araw ang lalaking iyon dito may fan base na agad? Siya na! Siya na ang ubod ng yabang. "Kung ako sa inyo, tigilan niyo na ang pagsuporta kay Alden dahil napakayabang niya!" sabay belat ko sa kanila. "Hindi kami naniniwala sa'yo, panget!" Napapikit na lang ako nang makita kong sasampalin nila. Lumipas ang ilang seconds pero walang palad na lumagapak sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita kong hawak ni Aldrich iyong kamay ng babaeng sasampal sana sa akin. OMG! Totoo ba ito? Kinusot ko ang mata ko. T-totoo nga! Si Aldrich...iniligtas niya ako sa mga fan girls ni Alden! Kilig vibes overload naman. Hihi... "Wala kayong karapatan na saktan ang babaeng iyan o kahit na sino dito sa school," maawtoridad na sabi ni Aldrich sa babaeng sasampal sa akin. Mas lalo naman akong nagka-crush sa ginawa niya. Feelingerang damsel in distress naman ako! "We hate you, Aldrich Delima!" sabay-sabay na sabi nung tatlong babae at nag-walk out na sila. Buti naman. "Okey ka lang?" tanong ni Aldrich pagkatapos. Marahan akong tumango. "Chenkyuuu..." parang naka-brace na pagpapasalamat ko. Doon naman biglang dumating sina Aljun at Qwerty. Pinagbihis na nila ako doon. Nakuha pala nila 'yong bag ko sa shower roon. Nagpaalam na rin si Aldrich. Tutol man ako na umalis siya ay wala na akong nagawa. "Totoo ba ang sinisigaw mo, Ekang? Rereypin ka ni Alden? Nasaan na ang mokong na iyon at bubugbugin ko!" galit na sabi sa akin ni Aljun. Sa lahat yata ng tao, si Aljun lang ang naniniwala sa mga sinasabi ko. "Actually, hindi totoo na rereypin niya ako," pilit akong ngumiti. "Gusto ko lang siyang mapaalis dito sa school kaya ko iyon sinabi." "Bakit mo naman gustong mapaalis agad dito si Papa Alden? Hindi ko pa nga siya nagiging jowa, tsutsugihin na agad siya ditey," ani Qwerty. "Muntik na niya akong sagasaan! Tapos hindi man lang siya nag-sorry." "Ano?! Gusto mo abangan natin sa labas si Alden! Ang yabang niya!" "Wag na, Aljun. Laban ko 'to!" mala-FPJ na sagot ko. Maya-maya ay isang teacher ang lumapit sa amin. "Francheska Hilton a.k.a. Ekang, pinapatawag ka sa guidance counselor. Now na!" Kinakabahan na nagkatinginan kaming tatlo. NAKAHIGA na ako at lahat sa kama ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mukha ni Aldrich. Grabe talaga, hindi ako maka-get over sa pagliligtas niya sa akin sa mga O.A. na fan girls ni Alden. Kahit na-guidance ako, keri lang, pinagsabihan lang naman ako doon at nangako lang ako na hindi ko na uulitin ang pagtakbo ng nakasuot ng no-gart panty. Hay... Oh, Aldrich. My love, my hero! Simula na ba ito ng pagkakatotoo ng mga pantasya ko sa iyo? Hi hi... Pero nakakainis talaga ang Alden na iyon! Akala niya tapos na ako sa kanya? No! Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti sa mga kamalasang binigay niya sa akin. Kung kinakailangan kong gumawa ng Plan A, Plan B, Plan C or kahit hanggang Plan Z pa iyan ay gagawin ko, just to get even with him! "EKANG! Ekang!" ang malalakas na pagkatok ni Madam Loisel sa pinto at pagtawag sa akin ng bongga ang gumising sa akin. Ano ba 'yan? Alas-tres pa lang ng umaga ayon sa wall clock ko, eh. Antok pa ako pero kailangan kong bumangon na dahil baka mag-shower na naman ako ng kurot. "Ano ba, Ekang! Bubuksan mo ba ito o gigibain ko itong pinto mo?!" "Gibain--- este andiyan na po!" sagot ko sabay bukas ng pintuan. "Ano po ba yun? Ang aga-aga pa po, eh..." inaantok at kakamot-kamot sa ulo na sambit ko. "Wala pa nga akong inuutos ay puro reklamo ka na. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng kaluluwa ng namayapa mong ama na si Fernan...na pinalaki kitang tamad at iresponsable?" inaabot na naman siya ng kadramahan. Resulta ng kapapanood ng soap opera! "Eh, ano nga po ang iuutos niyo, Madam Loisel?" "Nawalan kasi ng supply ng tubig kagabi kaya mag-igib ka sa poso ng kapitbahay. Punuin mo iyong tatlong drum sa banyo," utos niya. "Wala naman po tayong drum, diba?" "Bumili ako. Para may punuin ka. At isa pa pala, mag-init ka ng isang timbang tubig. Gusto ko ng hot bath mamaya!" tumalikod na siya paalis. Hindi man lang nagpasalamat! Sinarahan ko na ang pinto at humarap sa salamin. Teka, bakit nagkaroon ako ng eyebags? At nag-s*x na naman yata ang mga pimples ko kagabi at nanganak na naman sila. Lalo na akong pumanget nito! Kasalanan talaga ito ng Alden na iyon, eh. Napuyat ako kakaisip ng mga plano kung paano ako makakaganti sa kanya kaya ako nagkaroon ng eyebags at pimples. Humanda talaga siya sa akin! ANG sakit-sakit na ng braso ko dahil sa pagkakahila ni Qwerty habang tumatakbo kami. Nagulat na lang ako kasi nang matapos na ang last subject namin ay hinila na lamang niya ako. Ang sabi niya ay may ipapakita daw siya sa akin sa f******k. Lumabas kami ng school at pumunta sa isang internet shop na malapit lang. Nag-rent kami. Isang computer lang. "Ano bang ipapakita mo, bakla?" tanong ko habang hinihilot ang braso ko. "Wait ka lang diyan," aniya. Nag log-in siya sa kanyang f******k account at nagpunta sa profile ni Alden. May klinick siyang video link at tigalgal ako habang pinapanood ang naturang video. "Teka, ako ba iyan?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Ay, hindi! Ako iyan! Siyempre, ikaw iyan. Sinetch ba ang parang luka-lukang nagtatakbo kahapon ng naka-panty at bra?" aniya. Kinagat ko ang kuko ko. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na kahiya-hiya talaga ang ginawa ko. "At eto pa, napakadaming negative comments sa iyo, bakla!" Isa-isa kong binasa ang mga comments sa video ko habang tumatakbo ng naka-underwear lang. EWWW! ALDEN WILL RAPE HIM? AMBITIOUS! GROSS! DAPAT SA BABAENG YAN, I-SUSPEND! PA-LIKE NAMAN. "Bakla, anong gagawin ko? Nakakahiya!" "Ikaw naman kasi, wiz ka nag-iisip. Imbes na makapag-revenge ka kay Papa Alden ay ikaw pa ang napahamak. Ang gawin mo ay ipa-delete mo kay Papa Alden ang video na ito bago ka maging viral sa world wide web!" "So, sinasabi mo na makikiusap ako sa mayabang na 'yon?! No way!" tigas-tanggi ko. "You have to do it. Kahit na to the point na kailangan monhg halikan ang pwet niya!" nakataas na kilay na turan pa ni Qwerty. Pagtingin ko ulit ay may nag-comment bigla sa video... Alden Park: Hahaha! Just now. Umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. It means, online ang bruhong 'yon! Tumayo na ako. "Saan ka pupunta?" tanong ni Qwerty. "Sa impyerno!" galit na tugon ko. Bumalik ako sa loob ng school at pumunta ng library. May wifi doon kaya posible na naroon si Alden. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siyang nakaupong mag-isa, kaharap ang laptop niya at tumatawa. Hmp! At alam ko kung bakit siya nagtatawa. Malakas kong ibinagsak ang kamay ko sa table niya. He look at me na parang wala lang. "Hoy, bakit mo ako vinideo at pinost mo pa talaga sa f******k?!" "Because I want to." "Ganun lang? Alam mo bang pwede akong masipa dito sa Wellington dahil sa ginawa mo! I-delete mo ang video!" galit na utos ko. Bigla kaming sinitsitan ng librarian. "Quiet!" "Why should I delete that grossy videos? You deserve it, panget!" "Wag mo akong matawag-tawag na panget dahil may pangalan ako...Ekang! I-delete mo sabi!" "No!" sagot niya. Sinamsam niya lahat ng gamit niya at lumabas na ng library. Sinusundan ko pa rin siya hanggang sa humatsing na naman siya ng sunod-sunod. Tumigil siya sa paglalakad at inis na hinarap ako. "One meter boundary!" sigaw niya. Nakasimangot na nag-step back ako. "Please, Alden. Delete my videos..." Naisip ko lang, kung hindi ko siya masisindak ay baka makuha ko siya kung magpapakumbaba ako ng fake! He crossed his arms. "Wow! Now you're begging. Okey, baka sabihin mo naman na masama akong tao. Lets have a deal..." binitin niya ang sasabihin niya. Tila inaapuhap sa isip niya kung anong pangalan ko. "Ekang!" "Okey. Lets have a deal, Ekang. Ide-delete ko ang mga videos mo in one condition." Bigla akong kinabahan. "A-anong kondisyon naman?" Diyos ko! Huwag naman sanang ang puri ko ang hingin niyang kapalit. Bata pa ako at hindi pa ako handa na isuko ang Bataan! God! Please... Wag naman sana. "You will be my personal GENIE!" nakangisi niyang sabi. "Genie?!" mulagat na ulit ko. Tama ba ang narinig ko? Genie? Iyong genie in a bottle? Ipapasok ba niya ako sa bote at doon ikukulong. "Yes, genie!" "Pwede paki-explain?" "Gusto mo ba o ayaw mo?!" "Oo na. Gusto na!" para sa videos, inisip ko na lang. "Okey. At dahil genie nakita, meron akong five wishes sa'yo na dapat mong gawin. Kapag kahit isa lang ang hindi mo nagawa...sorry, but hindi ko na ide-delete ang videos mo," paliwanag ni Alden. "Ha? Bakit naman five wishes?! Ang dami!" reklamo ko. "Usually, ang mga genie ay three wishes lang. Iyong iba nga isa lang, eh!" "Eh di, wag na..." akmang aalis na siya nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa braso niya. Pumiksi siya. "One meter boundary!" sigaw na naman niya. Step back na naman ako. "Ikaw naman, hindi mabiro. Oo na, payag na," nag-smile pa ako pero fake. "Bukas, sumabay ka sa akin pag-uwi. Sasabihin ko ang unang wish ko," at tumalikod na siya pero hindi pa siya humahakbang. "And one more thing, you have to call me "master". Master Alden," dugtong pa niya bago siya tuluyang umalis. Mukamo Master Alden! Binelatan ko siya. Hay naku! Kung hindi lang dahil sa videos kong iyon, hindi ako magpapauto sa Alden na 'yon. Nakakaasar talaga! "BAKLA, hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Qwerty nang makita nila ako ni Aljun na nakatambay sa labas ng gate ng Wellington Academy. Umiling ako. "Mauna na kayo. May hinihintay pa ako, eh." "Okey..." "Ingat ka, Ekang!" pagpapaalam ni Aljun sa akin. Umangkas na si Qwerty sa motor ni Alden. Kumaway ako sa kanila hanggang sa maglaho sila sa paningin ko. Alam niyo naman siguro kung bakit ako nandito pa, diba? Nagpapahintay sa akin si Alden at ipapagawa na niya sa akin ang una niyang wish. Kinakabahan talaga ako, eh. Malakas ang kutob ko na ang puri ko ang first wish niya! "Hindi ka pa ba uuwi, Ekang?" Waaahhh!!! Si Aldrich! At alam na niya ang pangalan ko. Kinikilig akong sumagot. "Ah, eh...m-may hinihintay pa kasi ako. Pano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" "Narinig ko kasi doon sa mga kaibigan mo. Sige, bye, Ekang! Ingat ka." Ano ba iyan? Nabitin naman ako sa conversation namin. Hay, Aldrich ko... Para kang hangin na dinaraanan lang ako. Echos! Inaabot na naman ako ng pagka-poet ko. Hi hi... "Lets go!" "Ay kabayong nilabatiba!" gulat na sigaw ko nang biglang may magsalita from my back. Pagharap ko ay naroon si Alden. "Ano ka ba? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Magkaka-heart attack ako sa'yo, eh!" "Tara na," sinundan ko siya hanggang sa parking area. "Ano ba talagang ipapagawa mo sa akin?" "Sumakay ka na lang!" bulyaw niya at pumasok na siya sa kotse niya. Sa tabi niya ako umupo. Hindi man lang niya ako pinagbukas ng pinto. Napaka-ungentleman talaga niya! Hindi siya katulad ni Aldrich na mabait. Hmp! Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Ay, ewan! At malakas akong napasigaw nang mabilis niyang paandarin iyong kotse. "Pwede ba! Gusto ko pang mabuhay!" sigaw ko. "Just fasten your seatbelt!" aniya. Inapuhap ko iyong seatbelt sa gilid at isinuot iyon. Kahit papaano ay ligtas na ako nito. Kinuha ko iyong school ID niya na nasa dashboard at tiningnan iyon. Napakunot-noo ako. "Twenty-years old ka na pero fourth year high school ka pa lang?" "Ano bang pakialam mo?" asik niya. Bakit ba ang sungit niya? Tumahimik na lang ako. Siguro ay nag-stop siya ng pag-aaral niya noon dahil sa pag-aartista niya. Tinurn-on ko ang stereo niya at isang pamilyar na awitin ang nag-play doon... So I won't hesitate no more No more It cannot wait, I'm sure Sinabayan ko ng pag-hum ang kantang I'm Yours. Kung hindi niyo naitatanong, magaling akong kumanta. Hindi nga lang halata at walang naniniwala. There's no need to complicate Our time is short This is our fate, I'm yours... Nasa isang pang-mayaman na subdivision na kami, ah. Wala kaming imikan na dalawa hanggang sa ihinto na niya ang kanyang kotse sa harapan ng isang bahay. Ay, mali... Hindi isang bahay kundi isang mansion! Dito ba nakatira si Alden? Nakakalula naman sa laki ang mansion niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD