CHAPTER THREE

1881 Words
MAKALAGLAG panga naman talaga sa laki ang mansion nina Alden. Kanina nga nang papasok na sa gate iyong kotse ay kusang bumukas iyon. Ayokong isipin na may multo sa bahay nila. Pagpasok namin sa loob ay mas namangha ako sa ganda ng pagkakaayos ng mga gamit nila. Mayamanin talaga! Ang dami pang maids na busy sa mga ginagawa nila. Isa-isang nagba-bow kay Alden ang mga maids na nakakasalubong namin. Napansin ko rin na ang cute ng uniforms ng mga maid nila. Kulay pink na blouse at palda na may blue na ruffles sa mga gilid. Parang mga anime characters. "Pwede bang mag-apply na maid niyo? Ang cute ng suot nila, eh!" untag ko kay Alden habang nakasunod ako sa kanya paakyat sa hagdan. "You are not qualified. Magaganda lang ang kinukuha naming maids. Isa pa, hindi bagay sa iyo ang uniform nila," sagot niya. Pumasok kami sa isang kwarto. Sobrang laki naman. Halos kasing laki na 'to ng floor area ng bahay namin, ah. "Kaninong kwarto ito?" I asked. Mabilis siyang sumagot. "Oo!" at umiwas siya ng tingin sa akin. "Sigurado ka?" hindi makapaniwala kong tanong. Ito ang kwarto ni Alden? Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Bakit puro pusa? I mean, puro pusa ang design! Pagdating sa wallpaper, bed sheet, unan, stuffed toys--- pusa. Kahit ang lamp shade, kurtina, alarm clock, slippers, sofa--- pusa pa rin. Pusa here and everywhere! Pusang-ina naman, oh! Oops! "Sigurado ka, Alden? Kwarto mo ito?" ulit kong tanong. Iritado siyang sumagot. "Sinabi ng oo, eh. Bakit ba ang kulit mo?! Masama ba sa lalaki ang mahilig sa pusa? May batas ba na nagsasabi na pambabae lang ang pusa, ha?!" Napangisi ako. "Ay, wala akong sinabi. Ikaw lang diyan...masyado kang defensive." "Sinong defensive?! Hindi ako defensive! Ano bang gusto mong palabasin?!" "Asus... Baka naman..." Feel ko siyang asarin! Sa ganitong paraan man lang ay makaganti ako sa kanya. "Baka naman ano?!" "Baka naman bakla ka!" sabay belat ko sa kanya. Umupo ako sa kama niya at kinuha ko iyong isang cute na kulay orange na stuffed toy na pusa at niyakap iyon. "Bitiwan mo nga si Bulungoy!" asik niya. Inagaw niya iyong pusang stuffed toys. Konti pa at talagang magiging to the highest level na ang pagkapikon nitong si Alden. Namumula na siya, eh. "Oh, tamo pati stuffed toys, pinapangalanan mo. Bading ka nga!" "Hindi totoo iyan!" "Eh, bakit ang hilig mo sa pusa? Umamin ka na kasi. Don't worry, I can keep a secret--- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hampasin niya ako ng unan sa mukha. Napahiga tuloy ako sa kama niya. Bigla siyang sumampa sa kama. Nasa ibabaw ko siya habang hawak niya ang dalawa kong kamay. "Bawiin mo ang sinabi mo!" pikon na talaga siya. "Ayoko nga!" nag-make face pa ako para lalo siyang asarin. Face to face na kami at ramdam ko sa mukha ko ang hininga niya. Infairness, mabango! Sumeryoso ang mukha ni Alden. "Ayaw mo? Okey. You'll pay for this! Ipapagawa ko na sa iyo ang una kong wish..." napalunok ako ng laway sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan the way he look at me. Titig na titig siya sa akin. "O-one meter boundary," paalala ko sa kanya. Mabilis siyang napatayo at humatsing siya ng sunod-sunod pero parang fake naman iyong pag-hatsing niya. Parang hindi na yata siya allergic sa akin. Hmmm... "Ano ba ang una mong wish, Master Alden?" Huminga muna siya ng malalim. "Gusto kong ayusin at linisin mo ang kwarto ko in one hour!" Oo nga, parang gubat na ang kwarto niya. Wala sa kaayusan ang mga bagay-bagay dito. Umupo naman ako sa mini sofa niya. "Ang dami mong maids, sa kanila mo na lang ipagawa ang paglilinis ng kwarto mo," pinandilatan niya ako. Tumayo ako at binigyan siya ng pekeng ngiti. "Okey po, Master Alden...masusunod!" yumukod pa ako. "Good. Aalis na ako. Ipapadala ko na lang sa maids ang mga kakailanganin mo sa paglilinis. Pagbalik ko dito at magulo pa rin it only means na that you failed!" aniya at lumabas na siya. Ilang minuto pa ay dalawang maid ang nagpasok ng mga kakailanganin ko sa paglilinis. Nakuuu... Kung hindi lang talaga doon sa videos ko, hindi ako magpapaalipin sa mokong na Alden na iyon! For sure, hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin ako ng mga taga-Wellington dahil sa video na iyon. Di bale, kapag natapos na ako sa pagiging "genie", paplanuhin ko na talaga ng maigi ang paghihiganti ko kay Alden. Napakagulo talaga ng kwarto niya. Parang sinadya niya talagang guluhin para mahirapan ako. Nagkalat ang mga pusa niya. Dinampot ko si Bulungoy at kinausap. "Napakasama talaga ng amo mo, Bulungoy. Kita mo na, binigyan ka niya ng napaka-bantot na pangalan. Sadista, diba? Wag kang mag-alala, tutal cute ka naman...isasama na lang kita pauwi. Ayos ba sa'yo yun?" Siyempre, hindi siya sumagot. Inilapag ko na sa sofa si Bulungoy. Mukhang mas gaganahan ako sa paglilinis kung may music. Binuhay ko ang CD player niya at nag-browse ng mga CD na nasa rack. Ah, 'eto, album ni Jason Mraz. Pirated ba 'to? Hindi naman siguro. Mukhang tulad ko ay favorite niya rin si Jason Mraz. Nakakainis naman kasi may something in common pala kami! Keber na lang. Isinalang ko na ang CD at nag-play na agad iyon. Wow! Favorite ko ang song. Geek in the Pink... Dododo dododo dodododo... Well, let the geek in the pink take a stab at it If you like the way I'm thinkin' then wink at it I may be skinny at times but I'm fat for the rhymes Pass me the mic and I'm a grab at it Maumpisahan na nga ang paglilinis at isang oras lang ang binigay sa aking oras ng Alden na iyon. Inuna kong walisan iyong kisame niya. Pinunasan ko lahat ng furnitures at inayos lahat ng mga displays. Medyo napapasayaw pa ako dahil sa music. Kung pinapayagan sana ako ni Madam Loisel na magpatugtog habang gumagawa ako ng gawaing-bahay, eh di sana mas ginaganahan ako. Kaso kontrabida talaga ang mag-iinang iyon. Gusto palagi akong nahihirapan! Nang nasa chorus na ang kanta ay sinabayan ko na iyon. Ginawa kong microphone ang hawak kong feather duster… I don't care what you might think about me You'll get by without me if you want Well, I could be the one to take you home Baby, we could rock the night alone If we never get down, it would'nt be a let down But sugar don't forgettin' what you already know Nang mapagod na ako ay napaupo ako sa kama. Isang picture ng babar na nasa maliit na frame ang nakita kong nakapatong sa side table. Ang ganda naman ng babaeng ito. Mestisa tapos singkit ang mga mata. Nakakatomboy. Sino kaya ito? Baka naman girlfriend ni Alden. "Kung girlfriend ka man niya, naku, napakamalas mo!" kausap ko sa litrato bago ko ulit iyon ipinatong sa mesa. HALOS hindi ko na mabuksan ang pintuan ng bahay namin. Kakauwi ko lang mula sa paglilinis ng kwarto ni Alden. Buti na lang at nagawa ko iyon sa loob ng isang oras. Hawak ko sa kaliwa kong kamay si Bulungoy. Kinuha ko ito pero hindi iyon alam ni Alden. Mabuti pang nasa akin si Bulungoy. Mas maaalagaan ko ang cute na cute na stuffed toy na pusang ito. Hindi pa man ako nakakaisang hakbang papasok ng bahay ay sumalubong na agad sa akin ang pagbubunganga ni Madam Loisel. "Aba, bakit ngayon ka lang na panget ka? Lampas ala-sais na!" isang mahinang ungol lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagod. Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy na akong bumaba sa basement. "Napakawalang-modo mo talaga!" sigaw pa niya. Hay, bahala kayong ngumawa ng ngumawa. Pagod ako, eh. "Kung ako sa'yo, mommy...sinampal ko ang Ekang na iyon. Tinatalikuran ka! Siguro lumandi iyon kaya ginabi," narinig kong sabi ni Tiara. Bahala kayo diyan, basta ako, tutulog ako... WEE! WEE! WEE! Huh? Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa ingay na iyon. Parang tunog ng ambulansiya. Grabe ha, kung kailan nakakapahinga na ako saka naman may mag-iingay ng ganun. Saan ba iyon nanggagaling? Naudlot ang pahikab ko nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sunod-sunod at malalakas. "Andiyan na! Wag excited!" Pagbukas ko ng pinto ay sobra akong nagulat nang sumalubong sa akin ang kumpol ng mga pulis, sundalo at SWAT. "A-anong ginagawa niyo dito?!" "You are under arrest!" at pinosasan ako ng isa sa mga pulis. Hinila na nila ako palabas ng bahay. "S-saan niyo ako dadalhin?! Wala akong ginagawang masama! I did not kill anybody!" mala-Nora Aunor na litanya ko. Natuliro na ako sa nangyayari. Ano ba talagang meron at may mga helicopter pa talaga na parang nagroronda sa itaas. World War III ba ito o baka naman Martial Law na naman? Or baka naman iniinvade na ni Kokey ang Earth? Nanlaki ang mata ko nang lapitan ako ni Alden. "Yes, you did not kill anybody but you kidnapped something!" "Ha? Anong kidnap pinagsasabi mo diyan?" hawak-hawak pa rin ako ng mga pulis. "Kinidnap mo si Bulungoy, Ekang. Ngayon, mabubulok ka na sa kulungan ng habangbuhay!" at malakas at mala-demonyo pa siyang tumawa. Umiling ako sabay sigaw ng: "Hindeee!!!" - - - HABOL ang hininga nang bigla akong mapabalikwad ng bangon mula sa aking pagkakatulog. Thanks God! Panaginip lang pala. Isang napakasamang panaginip. Napapitlag ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Unknown number. Sino kaya 'to? "Hello?" sagot ko. "Ibalik mo si Bulungoy! Alam kong nasa iyo siya!" Waaahhh! Si Alden. "Paano mo nalaman ang number ko?" "Wala ka na dun! Ibalik mo si Bulungoy! Clepto ka. Kinidnap mo siya!" "Pwede kumalma ka lang. Okey, nasa akin nga siya. Eh, kasi naman, pinapabayaan mo siya. Ang dumi-dumi na niya," pangangatwiran ko. Ganun ba kahalaga sa kanya si Bulungoy para kunin pa sa akin? Ang dami-dami naman niyang mga pusa sa kwarto niya, ah. "Wala akong pakialam, basta ibalik mo siya bukas sa school!" and he cutted the line. Bastos talaga! Kinuha ko si Bulungoy at niyakap. "Huwag kang mag-alala, Bulungoy. Hinding-hindi kita ibabalik sa amo mo. Dito ka na lang sa akin," sabi ko pa. Yakap-yakap ko siya hanggang sa makatulog ako ulit. KINABUKASAN, papasok pa lang ako sa gate ng Wellington Academy ay sinalubong na agad ako ni Alden. Nakabusangot ang mukha niya. "Nasaan na si Bulungoy? Akin na siya." Nag-peace sign ako sa kanya. "Sorry. Nakalimutan ko, eh." "What? Bumalik ka sa bahay niyo at kunin mo." "What din! Hindi pwede, male-late na ako sa first subject ko," at nilampasan ko na siya. Mabilis ang mga hakbang ko. "Ekang!" gigil na sigaw niya. Kumaway-kaway ako kay Alden. "Babush, Master Alden!" tuluyan na akong tumakbo. Hmp! Akala mo, ha. Hindi ko na sa iyo ibabalik si Bulungoy. Asa ka pa, Alden. Sa mga sumunod pang mga araw ay walang ginawa si Alden kundi ang kuhain sa akin si Bulungoy pero mas magaling ako sa kanya. Lahat na yata ng alibi ay nagawa ko na. Nandiyan ang sabihin ko kay Alden na nilabhan ko pa si Bulungoy at basa pa siya. Sinabi ko din na nag-eenjoy pa si Bulungoy sa bahay at etc. etc. etc. Sana ay makalimutan na ni Alden si Bulungoy. Sobrang cute niya kasi...si Bulungoy, ha. Hindi si Alden. Nagtataka talaga ako kung bakit tila napakaimportante ni Bulungoy sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD