CHAPTER FOUR

2328 Words
BUSY'NG-busy ang Wellington Academy ngayon. Last day na kasi ng preperation para sa School Festival bukas. Nakaupo ako sa bench kasama sina Qwerty at Aljun. Kumakain kami ng banana cue na nabili namin kanina sa labas. Todo sa kwentuhan ang dalawa kong kasama habang ako ay abala sa pagsa-sight seeing kay Aldrich na abala sa pagdedecorate sa main stage. Medyo malayo sa stage ang kinaroroonan namin pero lumilinaw talaga ang mata ko pag dating kay Aldrich. Bigla akong kinalabit ni Qwerty. "Hoy, kasama ka ba namin o isa ka lang aparisyon?" "Ano ba, istorbo ka naman, eh!" "Oh, sige. Aalis na lang kami ni Aljun!" Akmang tatayo siya pero pinigilan ko. "Joke lang. Arte mo, bakla!" "Eh kasi naman, bakla. Kanina pa kami nagsasalita dito ni Aljun pero para kang timang na nakatitig lang sa kung saan! Ano bang tinitingnan mo?" sinundan ni Qwerty ng mata niya ang tinitingnan ko kanina at nakita niya si Aldrich. "Ayun naman pala. Kay Papa Aldrich na naman ang atensiyon ng isang babae!" "Hoy, hindi!" tanggi ko pero may kilig na halo ang boses ko. "Ano bang iniisip mo? May problema ka na naman ba, Ekang?" si Aljun. "Walang problema iyan, Aljun. Malamang sa alamang, minomolestiya na niya sa imagination niya si Papa Aldrich!" Hinampas ko ng kamay ko ang braso ni Qwerty. "Grabe ka talaga sa akin, bakla! That is not true." "Asus. Eh, kung hindi si Aldrich...don't tell me si Papa Alden ang iniisip mo?" sabay tawa. Tumayo ako nameywang. "Tumigil ka nga, Quadrado. Wag na wag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng damuhong iyon at nasisira ang araw ko!" umupo ulit ako at kumagat sa banana cue. Pinisil-pisil naman ni Aljun ang magkabila kong balikat. "Easy lang, Ekang. Hindi ka na nasanay diyan kay Qwerty." Tumawa ako. "Sanay na ako diyan. Ikaw naman, Aljun...masanay ka na rin sa amin ni Qwerty. Ganito lang talaga kami magmahalan bilang kaibigan. Mapanakit!" at binatukan ko si Qwerty na ikinatawa naming tatlo. "Aray ko naman! Parang totoo na 'yon, ha. Sayang, bibigyan pa naman sana kita ng raffle ticket sa The Price Is Slave!" at ginawang pamaypay ni Qwerty iyong raffle ticket. Nanlaki ang mga mata ko. "Libre mo ba iyan sa akin?" "Oo sana, pero---" Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya. Hinablot ko na agad kay Qwerty iyong ticket at binasa. Ang "The Price Is Slave" ay matagal ng isinasagawa tuwing School Festival dito sa Wellington. Nagpapa-raffle na ang premyo ay mga sikat na estudyante sa school namin. Tapos sa loob ng one month ay magiging "slave" mo siya. Not litetally slave. Siyempre, may mga limitations din naman ang mga pwedeng ipagawa. Dapat makatao pa rin. Kaya naman reasonable naman ang five-hundred pesos na presyo ng ticket na ito. Saka sa charity naman napupunta ang kinikita ng event na ito. "Sino nga pala ang grand prize this year?" tanong ko habang inilalagay ko sa bag iyong ticket. "Surprise daw, eh..." sagot ni Aljun. "Tara sa canteen. Libre ko pa kayo ng banana cue." Tinanggihan ko ang alok na iyon ni Aljun dahil mas gusto kong panoorin si Aldrich. Umalis na siya kasama si Qwerty. Mas makakapagconcentrate ako sa pagsa-sight-seeing kung ako lang mag-isa. Kahit sa malayo ay napakagwapo niya talaga. First year high school pa lang ay super crush ko na siya. Para kasing napaka-perfect niya. Gwapo, mabait, matalino at responsable pa lalong-lalo na sa mga responsibilities niya dito sa school. "Hoy, tinitingnan mo si Kuya Aldrich, 'no?" "Ay kabayo ka!" gulat na sigaw ko nang biglang may babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Nilingon ko siya. "Sino ka ba?" "Ako si Chelsea. First year high school student at kapatid ako ni Kuya Aldrich," nakangiti niyang pagpapakilala. Malalaman mo ngang magkapatid sila dahil medyo magkahawig sila ni Aldrich. Pinaupo ko siya sa tabi ko. "Talaga? Kapatid ka niya? Ako si Ekang. You can call me...Ate Ekang. Gusto mo ba ilibre kita ng burger?" Nagpapalakas lang. Hehe... Umiling siya. "Busog pa ako. Crush mo si kuya, ano!" "Hindi, ah." "Kung hindi mo siya crush...mahal mo siya!" "Oo, mahal--- Ay, hindi! Bata-bata mo pa, dami mo nang alam." "Hindi na ako bata. Nireregla na nga ako, eh!" bigla siyang tumayo. "Sasabihin ko kay kuya na may crush ka sa kanya," at tumakbo ito sa kinaroroonan ni Aldrich. Dali-dali akong nagtago sa likod ng isang malaking puno. Grabe, ang kulit pala ng kapatid ni Aldrich. Ano kaya kung kaibiganin ko si Chelsea para may chance na maging close din ako kay Aldrich. Hmmm, why not? "CLASS, sino sa inyo ang gustong mag represent ng section natin para sa Wellington Got Talent bukas sa School Festival?" tanong ng adviser namin after ng kanyang discussion. Walang nagsalita. Wala yatang may talent sa section namin. "Teacher, si Ekang po. Super galing niyang kumanta. Talbog niya si Ate Reg!" ani Qwerty na katabi ko lang. Kinurot ko siya sa braso. "Ano ba, ayoko," pabulong na sabi ko sa kanya. Kahit kailan talaga, pahamak ang baklang ito! "Totoo ba iyon, Miss Hilton?" "Ah, Teacher. Kasi po---" "Okey, it's settled. Kakanta ka bukas sa Wellington Got Talent. Class dismissed!" at lumabas na si Teacher. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Pinandilatan ko si Qwerty. "Bakit mo naman ginawa iyon, bakla?! Nakakaasar ka." "Ayaw mo nun...it's your time to shine!" "Weh! Ewan ko sa'yo!" singhal ko kay Qwerty. "MOMMY, alam mo ba ang latest kay Ekang? Sasali siya bukas sa Wellington Got Talent!" Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang sinabing iyon ni Ciara. Nasa salas sila at mukhang ako na naman ang topic nila. Itinigil ko sandali ang paghihiwa ng carrots para mas mapakinggan ko sila. "So, ano naman kung sasali sa Got Talent na iyon ang panget na 'yun?" "Hindi siya pwedeng sumali doon, Mommy. Paano kung manalo siya, eh di natalbugan niya kami sa school! Diba, ate?" Sumagot naman si Tiara. "Tama po si Ciara. Do something, Mommy!" Inabot na naman ng pagka-insecure ang mga ito! "Ganoon ba? Don't worry, my beautiful daughters... Ako ang bahala!" Mukhang magkakaroon pa ako ng problema bukas. ALA-SIYETE pa lamang ng umaga ay nakapagready na ako para pumunta sa school. Mamayang ten o'clock pa naman ang contest pero kinakabahan na ako. Actually, hindi ako masyadong kinakabahan sa contest kundi sa gagawin ni Madam Loisel. Alam kong gagawa ito ng paraan para hindi ako makasali sa contest. Ah, bahala na nga. Eksaktong paglabas ko ng basement nang tawagin ako ni Madam Loisel. Mukhang talagang inaabangan niya ang paglabas ko. "Ekang, gusto kong mag general cleaning ka ngayon. Darating kasi ang mga amiga ko mamaya!" utos niya kaagad. "Pwede po bang bukas na lang kasi po---" "Aba, Ekang! Sumusuway ka na ba sa mga utos ko?! Iyan pa ba ang igaganti mo sa akin sa pagpapaaral ko sa iyo?!" aniya. Kung hindi ko pa alam, ang ginagastos naman ni Madam Loisel sa pag-aaral ko ay ang educational plan na iniwan sa akin ni Papa. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. "S-sige po..." ALAS-NUEVE ng umaga nang tawagan ako sa cellphone ni Qwerty. "Hello, Ekang. Nasaan ka na ba? One hour na lang at magsisimula na ang Wellington Got Talent!" "Nandito ako sa bubong," sagot ko. "Bubong? Anong ginagawa mo sa bubong?" "Pinag-general cleaning kasi ako ni Madam Loisel. Nung matapos na ako pati bubong ng bahay pinapalinis sa akin!" "Hay naku, inapi ka na naman ng madrasta mo. Bumaba ka na diyan at susunduin ka namin ni Aljun, okey?" at in-end na niya ang phone niya. Bumaba na ako sa bubong at nagbihis ulit ng uniform ko. Sakto, mukhang lumabas ng bahay si Madam Loisel kasi wala siya sa loob ng bahay. Ilang minuto pa nga ay nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at kinawayan ako nina Qwerty at Aljun. Sakay sila ng motor ng huli. Nagmamadali akong lumabas at umangkas na sa motor. "Thank you at pinuntahan niyo ako dito!" "Alangan naman na pabayaan ka namin. Lets go?" ani Aljun. "Gorabels!" sigaw ni Qwerty. Pinatakbo na agad ni Aljun ang motor. Mabuti na lamang at may mga totoo akong kaibigan sa katauhan nina Qwerty at Aljun. Halos limang minuto pa lang kaming nagbabiyahe nang biglang huminto sa pagtakbo iyong motor ni Aljun. "A-anong nangyari?" kinakabahang tanong ko. "Naubusan tayo ng gas, eh," kita ko ang tila paghingi ni Aljun ng paumanhin sa akin. Bigla naman akong hinila ni Qwerty sa aking kamay. "Tara na, Ekang. Takbuhin na lang natin ang school," umiling ako. "Para saan naman ang iling na iyan? Don't tell me hindi ka na sasali sa contest." "Oo, hindi na nga ako sasali," napatingin silang dalawa sa akin. "Siguro, hindi talaga para sa akin ang contest na ito. Simula pa lang naman ay ayaw ko ng sumali, eh. Isa pa, if ever na manalo man ako diyan, masasaktan na naman ako nina Madam Loisel. Pero atleast, dahil sa contest na iyon, napatunayan kong tunay ko kayong mga kaibigan dahil talagang sinundo niyo pa ako sa bahay," litanya ko. "Bakit, duda ka pa ba sa amin ni Aljun?" biro ni Qwerty. Nakangiting inakbayan ni Aljun si Qwerty saka ako. "Hay, ang maganda siguro ay mag-videoke na lang tayo sa mall!" suhestiyon niya na agad naman naming sinang-ayunan. HILA-HILA na naman ako ni Qwerty sa aking braso habang mabilis kaming tumatakbo. Last day na ng School Festival at papunta kami sa covered court. "Ano ba, bakla! Grabe ka naman makahila. Sasama naman ako, hindi mo na ako kailangang hilahin!" "Ang bagal mo kasing maglakad! Magsisimula na ang raffle The Price is Slave! Baka manalo akez!" Talagang umaasa pa si Qwerty na mananalo siya, ha. Sa dami ba naman ng bumili ng tickets tapos iyong iba higit pa sa isa ang binili. Isang porsiyento lang ang chance namin na manalo. Pagdating namin sa court ay nakita namin si Aljun sa may bandang unahan. Napakaraming tao at ayos na rin ang decoration ng stage. Any minute ay magsisimula na siguro ang raffle. Nagsimula na nga after a few minutes. Lumabas na mula sa backstage iyong lalaking host. "Good evening everyone! Excited na ba kayo?!" Isang malakas na YES ang isinagot ng crowd. "Okey. Sisimulan na natin ang pa-raffle para sa tatlong slaves natin this year!" "Qwerty, kilala mo na ba kung sino ang first prize?" tanong ko. "Wititit pa, eh. Wiz ni-ispluk sa aketchi kung da who." Nakakaintriga naman kung sino ang grand prize. Kung hindi ako nagkakamali, laging pasabog kung sino ang grand prize sa The Price is Slave. Muling nagsalita ang host nang ilabas na ang box na may laman na mga numbers ng raffle tickets. "Lets start the raffle. Our third price is a third year HRM student. Miss Andrea Rosary!!!" Palakpakan ang lahat nang rumampa na sa stage ang maganda at sexy na si Andrea na tube at shorts ang suot. Agad din naman na bumunot sa box ang host. "Our winning ticket is number 0565!" Isang lalaki ang umakyat sa stage. Tuwang-tuwa nitong ipinakita ang ticket nito sa host. "Well, Miss Andrea, meet your master." Palakpakan ulit ang mga tao. Sino naman kaya ang susunod? "One down, two more to go," pagpapatuloy ng host. "Our second prize is a second year MasCom student. Mister Brent Snooker!" isang nakakabinging sigawan na naman nang naglakad na sa stage ang half-Canadian at half-Pinoy na si Brent. Pati si Qwerty halos panawan na ng ulirat. Medyo nabobored na ako. Antok na rin kasi medyo late na. "Our winning ticket is number 1789!" Lahat ay napatawa nang isang bading ang nanalo. Malas naman nung Brent sa master niya. "And now, heto na ang pinakahihintay nating lahat. Makikilala na natin kung sino ang ating first prize for this year's The Price is Slave. Lets meet our grand prize... He is a fourth year Business Management student. Please welcome... Mister Aldrich Delima!!!" Halos magiba ang buong court sa lakas ng sigawan. Nagwala sa sobrang kilig lahat ng babae at mga bading nang naglakad na sa stage si Aldrich na nakasuot lang ng maong pants at walang pang-itaas. "S-si Aldrich?" hindi talaga ako makapaniwala. Never na pumasok sa isip ko na siya ang grand prize. Nang mag sink in na sa utak ko ang lahat ng nangyayari ay bigla akong nagtitili habang sinasabunutan si Qwerty. "Si Aldrich ang grand prize!!!" Kinalas ni Qwerty ang pagkakasabunot ko sa kanya. "Aray ko naman, bakla! Tumahimik ka muna at sasabihin na ang winning ticket!" Tumahimik naman ako. Grabe, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Sana, sana ako ang mabunot... "And our winning ticket is number 0666!" anunsiyo ng host. Natahimik ang lahat. Wala ring pumanhik sa stage para i-claim si Aldrich. "Anyone? Number 0666?" Teka...ako 'yon. Hinding-hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang number ng ticket ko. Excited na niyugyog ko si Qwerty. "Qwerty, aking number iyon! Nanalo ako!" parang luka-lukang sabi ko. "Talaga?!" at nagyakapan kami. "Ang lucky mo naman, bakla! Gora ka na sa kanya. I-claim mo na siya, bilis!" "Iyong ticket...n-naiwan ko sa locker ko." "Shungaerz ka talaga! Tara, kunin na natin!" Muling nagsalita ang host. "Wala pa rin bang magke-claim kay Mr. Aldrich? Okey, kapag hanggang two days ay wala pa ring nagclaim...bubunot ulit tayo ng another winning ticket. This is over. Susunod na ang disco party!" Halos takbuhin namin ni Qwerty ang locker room. "Teka, nasaan si Aljun?" tanong ni Qwerty. "Hindi ko alam. Bigla na lang siyang nawala kanina sa covered court, eh." Finally, narating na namin ang locker room. "Dream come true ito para sa'yo, Ekang! Pahiramin mo naman sa akin si Papa Aldrich kahit isang gabi lang," humagikhik pa sa kilig si Qwerty. Binuksan ko na iyong locker ko at inilabas ang bag ko doon. Hinanap ko na ang ticket. Bigla akong kinabahan nang wala sa pinaglagyan ko ang ticket. Itinaktak ko lahat ng laman ng bag ko pero wala akong nakitang ticket. Kinakabahan akong tumingin kay Qwerty. "N-nawawala iyong ticket!" "Ano?! Sigurado ka ba na diyan mo nilagay iyon?" "Sigurado ako," naiiyak kong sagot. Kapag minamalas ka nga naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD