NAKAHIGA na ako sa aking kama pero iniisip ko pa rin ang pagkawala ng ticket ko. Jackpot na naging bokya pa! Imposibleng mawala kasi iyon sa bag ko. Tandang-tanda ko pa na doon ko iyon nilagay. Pero kung hindi iyon nawala is it possible na may nagnakaw noon? Pero sino? Si Aljun at Qwerty lang naman ang nakakaalam ng code ng locker ko. Sobrang imposible naman na isa sa kanila ang kumuha noon dahil wala silang inisip kundi ang kaligayahan ko. At alam nilang si Aldrich ay isa sa magpapasaya sa akin. Ang sakit naman sa ulong isipin. "HOY! Bakit laging out of coverage ang cellphone mo?!" bulyaw agad sa akin ni Alden nang magkasalubong kami sa hallway. Inirapan ko siya. "Wala na akong cellphone. Sumabog! Nag-overcharge!" "Palusot mo!" "Hindi ako nagpapalusot. Sumabog naman talaga, eh. Baki

