Sa katahimikan ng Daestre ay nagsisimula na ang delubyong gawa ng mga Kronos. Mula sa pamumuno nina Nomal at Yasa ay pinarating nila ang hudyat ng umpisa ng pinaka mahalagang misyon ng kanilang mga kasamahang Kronos na sina Juno at Trua. Tahimik ang gabi sa maliit na pamayanang tanaw ni Juno sa Silangan ng Daes. Walang kaalam alam ang mga mamamayang taimtim ang tulog sa delubyong paparating sa kanilang pamayanan. Nilundag ni Juno mataas na punong kinatatayuan patungo sa sentro ng bayan. Sa kanyang pagtawag sa kanyang kapangyarihang itim ay lumakad ang kanyang mga lubid sa bawat daan. Hindi nagtagal ay dumaloy ang apoy na naging dahilan ng pagsabog. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa mga maninipis na kahoy at tuyong dayami. Ang sigawan ng mga tao ay tila mus

