Chapter 68

1692 Words

Muling bumukas ang pinto na kung saan lumabas hindi lamang si Rava kundi maging ang mga matatandang may gawa ng harang. Pinangunahan ng Tandang Basra ang mga ito na lumapit malapit sa kinaroroonan nina Nia at Vexx. "Magaling, Rava. Hindi ko inaaasahan na sa iyong pagbabalik ay kasama mo ang matagal na nating hinihintay." "Gusto ko pong humingi ng tawad dahil sinugod ko siya nang una ko siyang makita." Nakayukong sabi ni Rava. Bahagyang tumawa ang matanda. "Huwag kang mag alala. Hindi mo pa noon alam, sigurado ako." Nang marinig nina Nia at Vexx ang muling pagbukas ng pinto ay muli silang bumaling dito sa pag aakalang susugurin na naman sila ng mga galit na mamamayan. Ngunit nang makita nila ang isang matandang nakangiti sa kanila ay tuluyan silang lumabas mula sa pinagtataguang bato.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD