Hindi man buo ang loob ni Nia na manatili sa Ranar ay wala siyang magawa kundi ang maghintay. Sinabihan na siya ni Rava na maaaring may alam si Tandang Basra sa mga marka sa kanyang mga kamay. Ngunit nang dahil sa kalusugan niya ay hindi pa rin ito lumalabas sa kanyang silid tatlong araw na simula nang makarating ang grupo roon. Nanatiling iwas si Nia kay Fuyo. Bagamat napagaan na ni Rava ang kanyang loob ay may galit itong nararamdaman kay Fuyo sa hindi pagtanggap sa banal na pagsasalin. May kalakihan ang ginawang tahanan sa loob ng bundok ng Ranar. Gawa sa binutas na parte ng mga bundok ang mga silid at sa gitna niyon ang malawak na espasyo kung saan nagtitipon ang mga mamamayan para magpa araw. Doon na rin nila ginagawa ang mga araw araw na gawain. Tanaw ni Nia mula sa kanyang silid

