Unang bumaling si Rava sa tinititigang direksyon ni Konad. Kamay pa lamang ang nakikita niya ngunit alam niyang si Nia iyon. Mabilis na tumakbo si Rava at hinablot ang damit na pampalit niya sana na hawak pa ni Inna. Niladlad niya ito at ibinalot sa halos hubad ng katawan ng dalaga. Sa gulat ay hindi nakagalaw si Nia. Kabog ng kanyang dibdib ang kanyang narinig at ang nainit na hininga ni Rava na dumadami sa kanyang pisngi. Nanlaki ang mga mata ni Leo nang bumaling na siya sa kanyang likuran. Halos nakayakap na si Rava kay Nia na nagpa init ng kanyang ulo. "Anong ginagawa mo?!" sigaw nito habang papalapit sa dalawa. "Huwag, Leo!" bulalas ni Nia. "A-Ayos lang ako." "Ayos lang? Nakapalupot sa 'yo si Rava!" giit ni Leo. "Huwag kang lumapit!" Nahihiya si Nia na makita siya ni Leo na gano

