Bilang pasasalamat kay Nia at Leo sa pagligtas kay Jev ay hinanda ng mga mamamayan ang bukal na bago lamang nilang nadiskubre sa loob ng bundok. Magkakasama ang mga lalaki at si Nia ay nasa kabilang banda na kanila lamang binigyan ng harang na gawa sa kahoy. Walang saplot na lumusong si Konad na unang beses pa lamang makakaligo sa bukal. Sinundan siya ni Zenon at ni Vexx. Habang si Leo ay nagtatanggal pa lang ng kanyang damit. "Ah! Napakasarap namang maligo sa mainit na bukal!" Humiga pa sa mainit na tubig si Konad hindi alintana na wala siyang suot na kahit na ano. "Sana magtagal pa tayo rito!" "Hanggang kailan nga pala tayo magtatagal dito?" ani Zenon"Wala namang problema sa akin kahit dumito muna tayo. Ang daming magagandang babae e." "Si Nia lang ang makakasagot niya. Siya naman a

