Sa paglapit ng Karisma ng nangangalagang Kusai sa lugar ng pagsasanay ay tumanbad kay Leo ang isang nilalang. Hindi isang tao ang Kusai kundi isang diyos ng kalikasan na may anyong unggoy. Nakatungtong ang Kusai sa kanyang Karisma na isang malaking armas na gawa sa bakal ngunit kahugis ng saging. "Binabati kita Kusai Leo. Nagtagumpay ka sa pakikipaglaban sa iyong sarili. Ibibigay ko ang kahilingan ng iyong puso." Umilaw ang Karisma ng diyos upang umpisahan ang pagtupad niya sa pangako ng lugar ng pagsasanay. Pumikit si Leo upang isapuso ang kanyang ninanais. Sa kanyang isip ay nais niyang maging malakas. Nais niyang maprotektahan si Nia sa lahat ng oras. Nais niyang makausap ang kanyang Karisma upang maintindihan ang layunin niyo sa pagpili sa kanya bilang kanyang tagapangalaga. Nabuh

