Chapter 96

2532 Words

Sa pagtanggap ni Nia sa nakalahad na kamay ng diyos ay napunta sila sa maliwanag na kawalan. Sa lugar na iyon ay isang higate ang diyos. Nakatungtong si Nia kanyang palad. "Nararamdaman ko ang pag aalinlangan mo. Hindi ka ba nagtitiwala sa lakas ng Karisma mo?" "Hindi sa ganon. Hindi ako magaling sa pakikipaglaban. Malakas ang kapangyarihan mo, pero hindi ko magagamit iyon dahil ako mismo ang mahina." "Hindi ako sang ayon diyan. Nasaksihan ko ang naging pakikipaglaban mo kay Trua. Masasabi kong na sa 'yo ang kakayahan na magpapalabas sa tunay kong kapangyarihan." Lumipad ang Karisma ni Nia na nagmula sa kanyang likod. Ito ay nasa orihinal nitong anyo na isang pana at palaso. Panaka naka itong lilipat sa anyo nitong espada at maging ang anyo ng Karisma ni Ruel na isang tungkod na kahoy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD