Mahahabang pagbugo ng hangin ang tangging nagawa ni Rava nang hilain siya ni Nia papunta sa likod ng mga kabahayan. Halos ma blangko ang kanyang isip ngunit tila ba may bugso sa kanyang damdamin na hindi niya maintindihan. Nakahinga lamang siya nang lamuwag nang tumigil si Nia matapos silipin ang nagaganap na kasiyahan. Patapos na sa preparasyon noon ang lahat. Nagsimula na ring dumating ang iba pang taga Orerah. Hiniling ni Nia na pahiramin siya ng kasuotang pandigma ng mga taga Orerah. Bagamat walang nakikitang babaeng bantay si Nia ay nagbakasali pa rin siyang magtanong kay Rava. Mabuti na lamang ay mayroong kasuotang pandigma ang mga taga Orerah ngunit nang dahil pinepreserba nila ang mga kababaihan na magpapatuloy ng kanilang lahi ay pinagbawalan muna silang magbantay at makipagla

