Nilundag ni Zarlo ang rehas na kung saan namamalipit pa rin sa sakit si Nia. Bahagya mang naianggat ni Nia ang kanyang ulo ay agad rin itong yumuko nang muling tumibok ang sakit sa kanyang katawan. Pinagmamasdan ni Zarlo ang dalaga. Ang kanyang katawan ay naninigas. Kitang kita ang mga ugat na namamaga sa buong katawan ng dalaga. Bahagyang itinulak ni Zarlo ang balikat ni Nia sa pamamagitang ng kanyang Karisma. "Huwag mong sabihing mamamatay ka na." Sinubukan ni Nia ang sumagot ngunit sa paglunok pa lang niya ay bumulwak ang dugong may bahid ng lason mula sa kanyang bibig. Napailing si Zarlo sa kahinaang ipinapakita ng kanyang kalaban. Itinaas niya ang kanyang kamay upang paliparin ang Karisma ni Nia na nasa kabilang dulo ng kulungan. Pagkahawak pa lang niya rito ay kumabog ang kanyang d

