Bakaluhod si Rava sa gitna ng malaking palasyo. Kaharap niya si Kyaka na nakaupo sa trono. Maganda ang anyo at desenyo ng palasyo ay ramdam ni Rava na gawa lamang iyon sa kapangyarihan ng Kronos. "A-anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako dinala rito?" Bahagyang itinaas ni Kyaka ang kanyang daliring nakapatong sa gilid ng trono. Lumabas ang mga letra na agad nagtungo sa tapat ni Rava. "Magtapata ka sa akin. Buhay pa ang una at siyang dapat maluklok sa pagiging prinsesa, tama ba?" Bahagyang nanigas ang katawan ni Rava. Alam niyang si Fuyo ang itinatanong ni Kyaka. Hindi sumagot si Rava kaya naman muling pinaigting ng Kronos ang kapangyarihan nitong nakaukit na sa leeg ng bituwin. Lalong nanghina si Rava at halos napahinga na sa sahig. "K-kasalan ninyo... Kasalanan ninyo ang lahat! Pin

