Hindi mawari ni Nia ang kanyang nararamdaman sapagkat bigla na lamang uminit ang kanang kalamnan nang walang nakikitang dahilan. Mag isa lamang si Nia sa rehas. Hindi niya ginalaw ang pagkain at tubig na dinala sa kanya ng dalagita. Nahihilo man sa paggalaw ng barko ay hindi sapat iyon na dahilan upang maramdaman niya ang pag iinit sa kanyang kalamnan. Hindi nagtagal ay umilaw ang kanyang dibdib. Nasasaktan man ay napangiti si Nia sa pag iisip na makakausap na niya si Basakara sa wakas. Na maaring ang sakit na kanyang nararamdaman ay nagmumula kay Basakara upang mailigtas siya. Ngunit muling nanghina ang liwanag. Sa tuluyang pagkawala ng kislap ng liwanag sa kanyang dibdib ay napasigaw si Nia sa tindig ng sakit na gumapang mula sa kanyang dibdib patungo sa kanyang mga ugat. Sa bawat pag

