Gamit ang dalawang kamay ay pinilit ni Zarlo na mabunot ang nakahukay na Karisma ni Demelos sa mga butong dikit dikit sa paligid nito. Maitim na usok ang lumabas hindi lamang sa paligid ng Karisma kundi maging mga butong nakapaligid rito. Ngumisi si Trua na tanging naiisip ay kung magtatagumpay nga ba si Zarlo o matutulad lamang ito sa mga nauna ng sumubok. Sa palidaan ng mga segundo ay hindi na lamang maitim na usok ang pumalibot sa buong lugar. Nabalot na rin ang hangin ng masangsang na amoy na nagpahapdi sa kanilang mga mata. Sa paggapang ng maitim na usok sa mga kamay no Zarlo ay siyang pagbasa nito sa nilalaman ng kanyang hangarin. Maingat si Demelos sa pagpili ng kanyang tagapangalaga. Kailangan niya ng isang taong may kaparehong hangarin at iyon ay ang maging pinakamalakas. Sa p

