Chapter 93

2037 Words

Kapwa nagtinginan sina Leo at Torin nang may marinig silang tunog mula sa labas ng bahay. Nang bigla na lamang nabuwag ang isang banda ng bahay at nagliyab iyon. Mabilis na nakaiwas ang dalawa ngunit nagpatuloy ang pagkasunog ng kabuoan ng bahay. Sa labas ay naroon ang anino ni Leo. "Tapusin mo si Leo!" utos nito sa kanyang Karisma. Muling nagpakawala ng kapangyarihan ang anino na kanyang mulung ipinatama patungo sa dalawa. Dali daling lumabas ang dalawa mula sa bahay upang iwasan ang anino. Bagamat kaya pa ring labanan at paalisin ni Torin ang anino ay pinili niyang huwag gawin. Nais niya matuto si Leo na labanan ang kanyang anino. "Hindi ba talaga ako tatantanan ng impostor ko?" himihingal na tanong ni Leo. "Hindi iyon isang impostor. Iyon ang anino mo." Matulin ang takbo ni Torin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD