Sa pagpasok ni Leo sa lagusan ay malawak na lugar ang bumungad sa kanya. May matataas na mga bundok, malalabong mga halaman. Maririnig ang lagasgas ng tubig mula sa talon. Napaka payapa. Hindi makapaniwala si Leo na ang lugar na iyon ay lugar ng pagsasanay. Ang umukit sa kanyang isipan ay lugar na walang buhay. Lugar na kung saan susugurin siya ng napaka raming halimaw. Nagpasya si Leo na magpatuloy sa paglalakad. Sa kanyang isipan ay maaaring nasa bungad pa lamang ito kaya naman wala pang mga halimaw. Bata pa lamang ay may alam na si Leo sa lugar ng pagsasanay. Madalas niyang marinig na upang magkasilbi siya sa kanilang bayan ay ipapadala siya roon upang magsanay. Dumating ang punto na siya mismo ay nais ng magpunta roon ngunit nang marinig niya na nais lamang siyang dalhin doon para hi

