Chapter 91

1094 Words

Natalo man ang halimaw ay hindi pa rin natatahimik ang kalooban ni Nia. Muling siyang naglakad pababa sa mga tipak ng batong natira patungo sa walang buhay na katawan ni Elias. "Sana ay natupad ko ang kahilingan mo, Elias. Matulog ka na nang payapa." Sa pagkampante ni Nia ay siya na niyang naramdaman ang sakit ng kanyang katawan at mga sugat. Patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo mula sa kanya sugat. Agad na lumapit si Leo upang akayin siya nang tuluyan itong napaupo dahil sa sakit na nararamdaman. Isa isa ng lumapit pa ang iba upang tignan ang kanyang kalagayan. Nang tumingala si Nia ay nakita niya si Vexx. "Vexx, ipaliwanag mo sa akin. Sino ang mga Kusai ng Daigdig. Bakit kailangan nilang gawin ang ganitong bagay? Hindi bat magkakaisa kayo bilang lahat kayo ay nagsisilbi sa bayan?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD