Skye Alvarez's POV:
"Oh my, nabalitaan ko na may bagong Professor na tayo. Yung papalit kay Mr. Kevin."
"I hope he's hot not like Mr. Kevin na maliit at malaki ang tyan."
"You're so judgmental Kiera!"
Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang usapan ng mga classmates ko pagkapasok ko sa classroom. Dumiretso ako sa upuan ko at nakita sila Rika at Cassie na mabilis na lumapit sa akin. Nakangiti pa ang mga ito na mukhang may sasabihin sa akin.
"Hey, guess what?" Simula ni Cassie.
"What?" Clueless kong tanong habang inaayos ang pagkakalapag ng bag sa gilid ng upuan.
"We have a new professor!" Masayang tuloy ni Rika.
"So?" Tanong ko sa kanila sabay kinuha ang art books ko. Malapit na ang exam pero mukhang excited na excited silang dalawa. Baka gwapo ang bagong professor kaya ganito sila.
"Don't so-so me, Skye." Umirap si Rika.
"He's no ordinary Professor." Napatingin ako kay Cassie dahil sa sinabi n'ya.
"What do you mean?" Napataas ang kilay ko.
"Cassie and I saw him already earlier and I'm pretty sure na makakawawa lang s'ya dito," nakanguso na sagot ni Rika.
"Makakawawa?" Naguguluhan kong tanong.
"Anyways, okay na ba kayo ni Ash?" Pag-iba nila sa topic.
"Yep kaso he looked disappointed kagabi nung umalis na ako." Napabuntong hininga ako muli nang maalala ang mukha ni Ash kagabi.
Saglit lang kasi ang oras na nabigay ko sa kan'ya dahil kinailangan kong makausap sila Ate Floryn at Kuya Dominic. Mukhang galit nga s'ya noong umalis ako. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang Art exhibit next week.
"Kaya pala.." mahinang sambit ni Rika.
"What do you mean?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.
"Parating na ang bagong Professor natin! Everyone please go back to your seats!" Announcement ni Jodd na hinihingal at kakapasok lang sa classroom. Tambay s'ya sa hallway palagi at s'ya ang tagabantay sa mga professors namin.
"Ayan na," nakangiting sambit ng dalawa kong kaibigan at nagsibalikan na rin sa upuan nila. Sa kabilang row kasi sila nakaupo at magkabi habang ako ay stuck sa katabi ko na si Kleiv Ramos. Ang Class president namin at kaagaw ko sa first place sa class.
Nang magkatitigan kami ni Kleiv ay napairap ako habang s'ya ay ngumiwi. "Tsk." Mas lalong nasira ang araw ko. Kaninang pagkagising ko pa tinatawagan si Ash pero hindi na naman ako sinasagot ng isang iyon. Sabayan pa ng mukha ni Kleiv ngayon.
Napansin kong natahimik ang lahat kaya naman napatingin ako sa mga classmates ko. Nakita kong nakatingin sila sa pinto kaya naman marahan na napunta din doon ang tingin ko. Napakurap pa ako nang makitang may pumasok na isang lalaki hanggang sa huminto s'ya sa Professor's table at humarap sa amin.
"Good morning, class 4-A. I am Zyro Herman," mahina ang boses n'ya pero seryoso ang tono nito.
Napakurap ako ulit nang makilala ito. Katulad kahapon ay may suot itong makapal at itim na salamin. Nakababa din ang mahaba n'yang buhok na halos natatakpan na ang mata n'ya. Pati ang damit nito ay baduy.
"Starting today, I will be you're new Professor in Art."
Nang makitang napatingin si Sir Zyro sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at napabuklat ng libro. Patago akong napangiwi dahil nararamdaman ko pa rin ang titig n'ya sa akin. May kakaiba talaga sa kan'ya. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito dahil isa lang naman s'yang nerd na paglalaruan ng mga classmates ko pero ewan ko ba.
"Ayan na yung bagong professor natin?"
"Halos wala namang pinagkaiba kay Sir Kevin bukod sa height."
"Oo nga. Isang nerd na baduy!"
Nagtawanan pa ng mahihina ang mga classmates ko na nag-uusap. Kahit mahina ang boses nila ay rinig naman sila dahil tahimik lang dito sa loob ng classroom. Paniguradong narinig sila ni Sir Zyro.
Hindi na bago ang ganitong pangyayari. Halos araw-araw ko naririnig ang mga kapwa estudyante ko na nanglalait ng Professors. Dalawa lang ang ginagawa ng mga professors namin.
Tinignan ko si Sir Zyro. "Let's see what you will do," mahina kong sambit sa sarili.
Ito ay ang magalit o di kaya ay mag-walk out.
"Kung may mga katanungan kayo tungkol sa akin o sa subject natin, huwag kayo mahiya." Kinuha n'ya ang puting folder at binuklat iyon.
Napakunot ang noo ko dahil wala sa dalawang choices ang naging respond n'ya.
"I will check the attendance now." Nilipat n'ya ang pahina sa folder na hawak. "Skye Alvarez," tawag n'ya sa pangalan ko at marahan na tumingin sa'kin.
Medyo napakunot ang noo ko dahil mukhang kilalang kilala n'ya na ang itsura ko. Sabagay, nagkabunggo pala kami kahapon sa hallway. "Present." Pagkarinig n'ya ng boses ko ay tumango lang s'ya.
Ako ang laging unang natatawag dahil nagsisimula sa A ang apelyido ko. Kahit sa mga recitation ay palaging ako ang una kaya nasanay akong advance nag-aaral at handa sa lahat.
Matapos ang ilang minuto ng attendance ay natapos na rin ito. Twenty kaming magkakaklase sa iisang section.
"That's all. Twenty in total." Sinara na ni Sir Zyro ang folder tapos ay kinuha ang makapal na libro na dala. "Today, we will learn how to associate three dimensional shapes and objects to make an art piece. We will also learn how to shape anything that is even more useful than its present form."
Sculpture.
Pagkalipat n'ya ng pahina ng libro ay may mga iilang papel ang nalaglag at nagkalat sa sahig. Narinig kong napangisi ang iilang kaklase ko. Mabilis namang dinampot iyon ni Sir Zyro.
"So clumsy."
"Nakakahiya naman s'ya."
"First day na first day pa naman magturo."
Kung ano-ano pa ang komento ng mga classmates ko pero hindi ito ulit pinansin ni Sir Zyro. Mukhang magbibingibingihan s'ya sa amin buong school year para maka-survive. How pathetic.
"Get your books and open it to page 103," utos n'ya nang matapos n'yang kuhain ang mga papel na nagkalat.
Napabuntong hininga na lang ako at nilipat ang pahina ng libro ko.
Another boring day.
~
"Finally! Uwian na!" Masayang sambit ni Rika at Cassie na papunta sa akin.
"Let's grab some ice cream!" Alok ni Rika.
"Wala ka bang date ngayon?" Tanong ko sa kan'ya habang sinusuot ang bag.
"One week straight na s'yang may date at iba't ibang lalaki pa iyon. Rest day n'ya ngayon," singit ni Cassie.
Napatingin na lang ako kay Rika sabay napailing habang s'ya ay ngumiti lang. ""Sorry guys, kailangan kong puntahan si Ash."
"Oh right," tumango sila nang maalalang hindi pa rin kami nagkakaayos.
"Goodluck dealing with his friends," nakangising sambit ni Cassie.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang maglakad papalabas ng classroom.
"Hey Pauline!" Nakita kong lumapit sila Cassie kay Pauline at inakbayan iyon. "Did you bring your wallet? Treat us some ice cream. Bonding na din."
Nakikipagplastikan na naman sila at gagamitin ang human wallet ng Class 4-A. Ewan ko din ba kay Pauline at hindi s'ya tumatanggi. Hindi ko alam kung gusto n'ya rin bang nagpapagamit s'ya. Umiwas na lang ako ng tingin at nag-focus sa paglalakad.
Nang nasa tapat na ako ng classroom ni Ash ay nakita kong naglalabasan na ang mga kaklse n'ya. Mukhang konti na lang din ang nasa loob.
Mabilis akong sumilip sa bintana at napakunot ang noo nang makitang wala dito si Ash pati ang mga kaibigan n'ya. Nasaan sila?
"Hey!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Jerome na kakalabas lang ng classroom. S'ya na ata ang pinakamatinong kaklase ni Ash.
"Hey," bati ko sa kan'ya. "Alam mo ba kung nasaan sila Ash?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diniretso ko na s'ya.
"Oh, right." Nakita kong napangiwi s'ya kaya naman napakunot ang noo ko. "Narinig ko kaninang break time na pupunta sila sa bahay ni Ash at mag-iinom."
"What?" Napakunot ang noo ko dahil sa narinig.
"But don't worry. Silang apat lang naman ata."
"Thank you, Jerome." Hindi ko na s'ya hinintay na magsalita pa at mabilis na akong naglakad papunta sa parking area.
"Biwist," mahina kong sabi sa sarili.
Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Ash na mag-iinom sila? Buti sana kung lalaki lang sila lahat. Sigurado akong kasama si Lira! Or worst, baka may mga babae pa silang sinama.
Nang marating ko ang parking area ay mabilis kong kinuha ang susi sa bulsa ng skinny jeans ko at dumiretso sa kotse ko. Malakas kong sinara ang pinto. Sinubukan ko ring tawagan si Ash kahit na hindi ako sinasagot nito.
"Tang*na, Ash," hindi ko mapigilan ang sarili sa pagmumura.
Last time na nag-inom s'ya ay may babaeng lumalandi sa kan'ya at pinabayaan n'ya lang iyon. Kasama ang mga kaibigan n'ya non at alam kong kunsintidor ang mga iyon. Nagsisimula na tuloy akong maiyak at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
"Calm down, Skye," mahinahon kong sambit sa sarili.
Nang magsimula na akong mag-drive ay nanlaki ang mata ko nang makitang may kotse ang paandar sa harap ko kaya naman mabilis akong pumreno at napapikit. Hinihintay kong tumama ang sasakyan ko pero mukhang naagapan agad. Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at tinignan ang sasakyan na muntik ko nang mabangga.
Binuksan ko ang bintana at tumango ako bilang paghingi ng tawad tapos ay mabilis na rin akong nag-drive. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan ito. Muntik pa akong maaksidente.
Matapos ang ilang minutong pagda-drive ay narating ko rin ang bahay ni Ash. Pinapasok ako ng guard at pagka-park ko ng kotse ay mabilis akong pumasok sa loob. Napakunot ang noo ko nang makitang may mga plastic bottles ang nagkalat sa sahig.
Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa sala. Natigilan ako nang makitang may isang lalaki at babaeng naghahalikan sa couch habang ang mga bote ng alak ay nagkalat sa lamesa at ilalim nito. Lumapit ako dito at nakitang si Timothy ito.
Nang mapansin n'ya ako ay napatigil s'ya at napatingin sa akin. Umalis sa pagkakakandong ang babae sa kan'ya kaya naman nakita ko ang mukha nito. Pamilyar s'ya sa akin at sa tingin ko ay sa Eastview din ito nag-aaral.
"Hi, Skye," nakangiting bati nito sa akin.
Hindi ko s'ya pinansin. Ginala ko ang paningin dito sa baba at nalamang wala si Ash dito. Napalingon ako sa kitchen nang may lumabas dito. Si Ethan ito habang may hawak ng bote ng alak at mga pulutan.
"Oh, Skye! You're here!" Halatang lasing na ito dahil sa boses at sa paglalakad.
"Where's Ash?" Seryoso kong tanong sabay tinignan silang tatlo na matalim.
Natigilan sila at nagkatitigan. Dahil sa inakto nila ay bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba. Napalunok din ako at napayuko.
"He's outside. May binili lang," sagot ni Timothy sabay tumayo at lalapit sana sa akin pero tinulak ko ito.
"Fcking liars!" Sigaw ko sa kanila habang napakagat na lang sa labi ko at pinipigilan ang luha ko.
Tumingala ako sa hagdan at sa bungad na pinto kung nasaan ang kwarto ni Ash. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Natatakot ako. Natatakot ako na kung ano ang masaksihan ko pagpasok ko doon sa loob.
"Listen, Skye. Ash is drunk. He's sleeping. Sabi n'ya huwag natin s'ya istorbohin. He's hurt and he just want to sleep," mabilis na paliwanag ni Timothy.
"And you expect me to believe that, Timothy?" Matigas kong tanong sa kan'ya at hinarap s'ya. "Ikaw na kunsintidor sa boyfriend ko!"
"Skye, lower your voice," saway ni Ethan.
"He's sleeping?" Tanong ko sa kanila at tumawa ng mahina. "More like sleeping with someone else?"
Nakita kong natigilan sila at napalunok. Napapikit ako at naiyukom ko ng madiin ang palad ko. "Fck." Nanginginig ang tuhod ko. Halo-halong emosyon ang gumugulo sa akin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin. "Is is Lira?" Nang makaipon ako ng lakas ay dumilat ako at tinignan sila ng seryoso. Kailangan kong maging matapang. Ayokong ipakita sa kanila na iiyak ako dahil alam kong iyon ang gusto nila.
Hindi sila sumagot at naging tahimik ang paligid. Huminga ng malalim at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan.
"Skye!" Saway nila sa akin at hinawakan ako sa braso pero tinabig ko ang kamay nila. "Don't touch me. Nakakadiri kayo. Dinamay n'yo pa ang boyfriend ko." Seryoso ko silang tinignan at mabilis akong umakyat.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ash. Nakaawang ng konti ang pinto at naririnig ko ang paboritong kanta namin ni Ash. Hinawakan ko ang door knob at bubuksan sana ito pero nang makarinig ako ng ungol ng babae ay agad rin akong natigilan.
Dumoble ang bigat sa dibdib ko. Nanginig ang buong katawan ko at nanghina ang tuhod ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayokong makita si Ash na may kasamang ibang babae sa kama. Hindi ko kakayanin iyon.
"Fck, love." Rinig kong ungol ni Ash.
Gusto kong tumakbo. Gusto kong magkulong sa kwarto at umiyak. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Ash ngayon. Paano n'ya to nagawa sa'kin?
Malakas kong binuksan ang pinto at nakita si Lira na nakapatong habang sarap na sarap sa boyfriend ko. Nang makita ko ang mga katawan nila na walang saplot ay mas lalong tumulo ang luha ko at napailing ako.
"How.." mahinang sambit ko. Alam kong mas masakit na makita ko sila pero kailangan ko itong gawin. Kailangan ko silang harapin.
Nakita kong napatingin si Ash sa akin at bakas ang gulat sa mukha n'ya. Napatingin s'ya kay Lira at malakas itong tinulak. Kumuha s'ya ng kumot at binalot ang ibabang parte ng katawan n'ya.
"Skye.." nang maglakad pa ito papalapit sa akin ay napaatras ako.
"You.." napailing ako habang tumutulo ang luha.
Tumayo si Lira habang nakangisi at tumabi kay Ash na mukhang naguguluhan at gulat.
"Nakakadiri kayo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.
Pagkatalikod ko ay nakita ko sila Timothy at Ethan na pinapanood ang reaksyon ko.
"Masaya na kayo?" Tanong ko sa kanila sabay pinunasan ang luha ko. "Magsama-sama kayo!" Mabilis na akong bumaba at tumakbo papalabas ng bahay ni Ash.
"Skye! Talk to me!" Rinig kong sigaw ni Ash habang sinusundan ako.
"Don't fcking come near me!" Babala ko sa kan'ya sabay huminto sa kotse ko at binuksan ito.
"Skye! Please!" Humarang s'ya sa pinto kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili na sampalin s'ya ng malakas sa pisngi.
"I trusted you," seryoso kong sambit sa kan'ya. "You broke my heart, Ash."
"S-Skye.. please.." pilit n'yang hinahawakan ang kamay ko pero tinatabig ko s'ya.
"We're done." Tinulak ko s'ya at mabilis nang pumasok sa loob ng kotse.
"Skye!" Sigaw n'ya habang kumakatok sa bintana. "Please! Let me explain!"
Hindi ko na s'ya pinansin pa. Mabilis na akong nag-drive papalabas ng garahe n'ya. Nang mawala na s'ya sa paningin ko at nakalayo-layo na ako ay hininto ko sa tabing kalsada ang kotse ko.
Napahawak ako sa bandang puso ko at hindi na napigilan na umiyak nang malakas.