CHAPTER FIVE

2097 Words
Skye Alvarez's POV: Matapos kong alaahanin ang mga nangyari ay marahan kong ginalaw ang mga mata ko papunta sa katabi ko. Nakita kong nakatulala s'ya at mukhang may malalim na iniisip. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ng maigi ang detalye ng mukha n'ya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na s'ya at si Professor Zyro ay iisa. I just can't believe it! Sobrang layo. Nang makitang mapatingin s'ya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumayo. Kinuha ko ang phone ko at pinatong ito sa tainga. "Hello?" Pagkukunwari kong may kausap ako sa kabilang linya kahit ang totoo ay wala dahil gusto ko nang umalis dito ngayon na din. "Ano?! Papunta na ako d'yan!" Nilakihan ko pa ang mata ko at umakto na para bang nagulat. Sana ay hindi halatang nagpepeke ako na may kausap. Ano ba naman kasi itong pinasok ko?! Bakit ang tnga tnga mo, Skye?! Argh! Mabilis kong kinuha ang jeans at cropped top ko. Maglalakad na rin sana ako papalabas ng kwarto nang magsalita si Professor Zyro. "Hindi mo ba ibabalik sa'kin ang white polo ko?" Natigilan ako bago pa buksan ang pinto. Right. Suot ko nga pala ang white polo n'ya. Huhubarin ko na sana ito pero naalala kong wala nga pala akong suot na bra! Nasaan na yung bra ko?! "Are you looking for this?" Nanlaki ang mata ko nang makitang itaas ni Professor Zyro ang itim kong bra. Ngumiti lang s'ya sa akin at nakita kong lumabas ang dimple nito na para pang nang-aasar. Agad kong inagaw sa kan'ya ang bra ko. Kahit ngumiti pa s'ya ngayon, wala ng epekto ito sa akin dahil hindi na ako lasing at aware akong Professor ko s'ya sa arts! Tumalikod ako sa kan'ya at sinuot sa loob ng puting polo ang bra ko tapos ay hinagis sa kan'ya ang polo n'ya. Mabilis ko ring sinuot ang cropped top at jeans ko. Nakita kong bumaba ang puting kumot sa tyan n'ya nang gumalaw s'ya kaya naman nakita ko ang abs nito. Napangiwi ako at binuksan na ang pinto. Kailangan ko na talagang umalis dito! Lagot na lagot ako sa parents ko. "Thanks for the last night, Ms. Alavez!" Rinig kong sigaw ni Professor Zyro sa loob ng hotel room pagkasara ko ng pinto. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito at napapikit nang makitang tinatawagan na ako ni Mommy. "Sht, Skye," mahinang saad ko sa sarili sabay sinagot ang tawag at nag-isip ng irarason ko sa kan'ya. * "Girl, where have you been?" Bungad na tanong ni Cassie sa akin pagkapasok ko sa classroom at naglakad papunta sa upuan ko. "Don't worry, we saved your ass," sambit pa ni Rika na nakasunod rin sa akin. Pagkalapag ko ng bag sa table ay tinignan ko silang dalawa. "I heard from my Mom. Thanks guys." Ngumiti ako sa kanila. Mabuti na lang ay sinabihan nila si Mommy na nag-sleepover kami kila Rika. "Anyways, Nakita mo na ba yung video regarding kagabi?" Tanong ni Cassie. "It was insane!" Masaya at excited nitong sabi tapos ay lumingon kay Rika. "Show her." Bago pa ako magsalita at sabihing nakita ko na ang video kaninang paggising ko ay nalabas na ni Rika ang phone n'ya at pinanood sa akin ang video ko na binuhusan ng red wine si Ash. Mabilis akong napalingon sa paligid at nakita ang mga classmates ko na nakatingin sa akin habang ang iba sa kanila ay nagbubulung-bulungan. Great. "Damn," mahinang sambit ko sabay umupo at nginudngud ang mukha sa lamesa. "Anyways, where have you been nga pala?" Kumuha ng upuan si Rika at tinabi ito sa akin habang si Cassie naman ay pinaalis ang nakaupo sa harap ko para doon pumwesto. "Are you keeping secrets from us now? That's not fair." Ngumuso si Rika kaya naman napailing ako. Anong sasabihin ko sa kanila? Nakipag-s*x ako sa Art Professor namin at nalaman kong hindi naman pala talaga s'ya nerd? Na niloloko n'ya lang kaming lahat? Cassie gasped at tinignan ako ng deretso sa mga mata. "Don't tell me may naka-one night stand ka from the club?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig n'ya habang si Rika naman ay tumatawa. Kung puwede ko lang lagyan ng tape ang bibig nito ni Cassie ay ginawa ko na. Paano kung may makarinig sa kan'ya? Katapusan na 'to ng magandang image ko sa University. "Good morning, Class! Everyone sit down on your own chair." Nang pumasok si Ms. Dawn ay mabilis na nagbalikan ang mga classmates ko sa upuan nila kabilang na din sila Rika at Cassie. "Here's your books ma'am." Napataas ang kilay ko nang makita si Kleiv na nakasunod kay Ms. Dawn sabay nilapag sa Professor's table ang tatlong piraso ng libro. "Thank you, Kleiv. Puwede kana maupo." Ngumiti si Ms. Dawn sa kan'ya tapos ay naglakad na si Kleiv papunta sa tabi ko. Nang magtama ang mga tingin namin ay umirap ako. Sigurado akong sumisipsip na naman ito kay Ms. Dawn para tumaas ang grades pero kahit anong gawin n'ya, hindi n'ya ako matatalo! "You looked scared," komento n'ya pagkaupo sa tabi ko. "Looks like hindi ka pa handa sa exam para bukas." Mabilis na napakunot ang noo ko sa narinig. Sht! Oo nga pala. Exam na nga pala namin bukas. How could I forget this? The very important moment in my life. Tsk. "Why don't you just focus para matalo mo naman ako?" Tanong ko sa kan'ya sabay ngumiti. Nakita kong sumimangot lang s'ya kaya napangisi na lang ako at binalik na ang tuon kay Ms. Dawn. "So class, tomorrow we have an exam. I am hoping that every one of you will get a higher grades this semester." Sumandal s'ya sa table at tinignan kami isa-isa. "Take Ms. Skye Alvarez as your inspiration." Tinuro ako ni Ms. Dawn sabay ngumiti ito. Dahil napatingin ang lahat sa akin ay wala na rin akong choice kung hindi ang ngumiti at tumango sa kanila. "I will not discuss today. I will give my time para makapag-aral pa kayo but you have to be quite as I am doing something important." "Thank you, Ms. Dawn!" Pasasalamat ng nga classmates ko. Tumango lang si Ms. Dawn at umupo na tapos ay nagbuklat ng libro at laptop. Isa si Ms. Dawn sa mga professors na sinusunod ng mga estudyante. S'ya nga lang ata ang hindi pinagti-tripan ng sobra ng mga classmates ko. Hindi dahil mabait s'ya, kung hindi dahil strict s'ya at pagnagalit ito ay talaga namang matatakot ka. Kung isang guro ka dito na mabait at mapagbigay, talo ka. Paglalaruan ka lang ng mga estudyante ng Eastview University. Mabilis ko nang kinuha ang libro ko para magbasa. Kailangan kong bumawi. Hindi pa naman ako nakapag-aral kagabi. * Break time namin ngayon at bitbit namin nila Cassie ang tray ng mga pagkain namin. Kanina pa kami naghahanap ng empty na table pero mukhang mamaya pa matatapos ang mga kumakain. Nag-cr pa kasi sila kaya naman na-late kami ngayon sa cafeteria. "There's no available table," sambit ko sa kanilang dalawa. "Don't worry, we will have one," nakangising saad ni Cassie tapos ay mabilis na lumapit sa pabilog na table at may tatlong upuan. Napakunot ang noo ko dahil may nakapuwesto na ditong isang estudyante habang kumakain. Dalawang upuan na lang rin ang available. Saan kami kukuha ng isa pang upuan? "Hey there," nang kausapin ni Cassie ang tahimik na nakaupo ay lumapit kami ni Rika sa kan'ya. "Are you done eating? Kailangan kasi namin ng table." Napatingin kaming tatlo sa pinggan ng babae at nakitang madami pa itong pagkain. "Hindi pa ako tapos-" hindi natapos ng babae ang sasabihin nang kuhain ni Cassie ang hot chocolate nito at itinapon sa rice meal n'ya. "Looks like tapos kana." Nginitian pa s'ya ni Cassie kaya naman wala nang nagawa ang babae. Nakita kong napakagat s'ya sa labi. Mukhang pinipigilan n'ya ang sarili na magsalita. Kinuha n'ya na lang ang tray at bago pa s'ya umalis ay napatingin s'ya sa akin. Nag-iwas lang ako ng tingin at pilit na sinusubukang hindi pansinin ang nangyari. "Yay! Thanks, Cassie. We have table and chairs now," pasasalamat ni Rika tapos ay umupo na silang dalawa. "what are you waiting for, Skye?" Nakakunot noong tanong ni Rika. "Tatayo kana lang ba d'yan hanggang sa matapos ang break time?" Dahil sa sinabi ni Cassie ay mabilis naman akong umupo at umiling. Nilapag ko ang tray na bitbit ko at kinuha rito ang beef broccoli na binili ko. Nag-uusap at nagtatawanan si Cassie at Rika habang ako ay sinusubukang kumain. Medyo nawalan kasi ako ng gana dahil sa ginawa ni Cassie. Pagkasubo ko ng broccoli ay naramdaman kong may nakatingin sa akin sa di kalayuan kaya naman mabilis kong tinignan kung sino iyon. Natigilan ako nang makitang si Professor Zyro ito. Nakababa na ulit ang itim at mahaba n'yang buhok. Baduy na ulit ang porma n'ya at bukod sa lahat ay suot-suot n'ya na ang makapal na salamin. May dala s'yang plastic bottle na mukhang binili dito sa cafeteria. Inayos n'ya ang suot na salamin tapos ay tumalikod na at lumabas. Napakunot ang noo ko dahil seryoso ang tingin n'ya sa akin kanina pati na rin sa mga kaibigan ko. Nakita n'ya kaya ang ginawa ni Cassie? Teka, Why am I even thinking kung ano ang nasa isip n'ya? Ang kailangan kong isipin ay kung ano ang gagawin ko sa art class mamaya. Gusto ko sanang magsakitsakitan at mag-stay sa clinic pero hindi naman puwede dahil baka mamaya ay may ipagawa ang Professor namin. "Skye! Look!" Napatingin ako kila Cassie nang tawagin nila ako at ituro ang entrance ng cafeteria gamit ang nguso. Agad kong nakita si Ash kasama si Timothy at Ethan na papasok. Nagsisimula na tuloy mapatingin rin sa akin ang mga estudyante at magbulungan. Paniguradong pag-uusapan na naman nila ang pagtapon ko ng wine kay Ash kagabi. Kilala at alam ng lahat na may relasyon kami ni Ash for 6 years. Kami pa nga ata ang Eastview couple na sinasabi ng karamihan dito. Sigurado akong magugulat sila once na malaman nilang hiwalay na kami ni Ash at kung ano ang rason nito. Mabilis kong kinuha ang tray at tinakpan ang mukha ko. "Sht, nakita n'ya ba ako?" Mahinang tanong ko kila Cassie. "You know what, Skye? Kahit magtago ka, basta nandito kami, matic na malalaman n'yang nandito ka rin," nakabusangot na sagot ni Cassie. "I think he's looking at you," dugtong pa ni Rika kaya naman napangiwi na lang ako. "And now he's going here." Napakagat ako sa labi at napapikit ng madiin. Sht. Sht. Sht. Anong gagawin ko? Ayoko pang makita at makausap si Ash! Matapos ang nakita kong kababuyan n'ya at ni Lira, Ayoko na s'yang kausapin at makita pa kahit kailan. "Skye." Binaba ko ang tray na hawak at tumingala kay Ash. Nakita kong malumay ang mga mata nito na para bang hindi s'ya nakakatulog ng maayos. "See you in class," sabay na sambit ni Rika at Cassie sabay tumayo habang bitbit ang tray ng pagkain nila at umalis. Mabilis na umupo si Ash sa tabi ko. "Skye, let's talk." "Wala na tayong pag-uusapan pa, Ash," madiin kong sagot habang nililigpit ang pagkain ko kahit nakakailang subo pa lamang ako. "I will explain everything. Please give me a minute." Tumayo ako at bubuhatin sana ang tray ng ibaba n'ya ito dahilan para tignan ko s'ya ng masama sa mga mata. "Explain everything?" Tanong ko sa kan'ya. "Or just going to make excuses para sa pagyaya mo sa mga friends mo na mag-inom ng hindi ko alam? And for f**k's sake! May babae?" I lost it. Hindi ko na na-control ang sarili ko at napalakas na ang boses ko kaya ngayon ay pinagtitinginan at pinag-uusapan na talaga kami ng mga estudyante sa paligid. Great. "You don't need to explain because we're fcking done, Ash!" Sigaw ko sa kan'ya sabay kinuha ang broccoli sa pinggan ko at binato ito sa mukha n'ya. Narinig kong nagulat ang iba dahil sa ginawa ko habang ang iilan ay tumatawa but I don't care about what they think. All I want is Ash to be gone! "What's happening here?!" Lahat kami ay napalingon sa entrance nang marinig ang pamilyar na boses. "Mr. Ash Flores?" Tanong nito habang naglalakad at nakatingin kay Ash na may nakadikit na broccoli sa blazer n'ya at nakasakto pa ito sa logo ng Eastview University. "And.. Ms. Skye Alvarez?" Napakunot ang noo n'ya nang makita ang kamay ko na puno ng beef broccoli sauce. "Both of you.. to my office!" Utos ni Mr. Romeo, ang Principal ng University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD