CHAPTER SIX

1724 Words
Skye Alvarez's POV: Kakalabas ko lang ng Principal's office at ngayon ay naglalakad na ako pabalik sa classroom. Naiwan si Ash sa office dahil may pag-uusapan pa daw sila ni Sir Romeo. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon at wala na rin akong balak na malaman pa. Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata nang makitang patapos na pala ang art class ko! Sht. Mabilis akong tumakbo sa mga hallway at hagdan. Busy naman ang mga professors sa pagtuturo kaya sigurado akong hindi nila ako mapapansin o makikilala pagnakita. Matapos ang ilang minuto ay narating ko rin ang classroom ko. Tumigil ako sa tapat ng pinto saglit para habulin ang hininga ko dahil sa pagod. Pakiramdam ko ay isang oras akong nagtatakbo. Ganito na ba ka-unhealthy ang katawan ko? Argh, Skye. Mukhang kailangan mo na mag-gym. Nang mabawi ko na ang kalahati ng lakas ko ay huminga ako nang malalim. Hinawakan ko ang doorknob at nang ipihit ko ito ay agad na napakunot ang noo ko dahil ayaw nito magalaw. Sinubukan ko ulit itong buksan at natuklasan kong may nagbubukas din pala ng pinto mula sa loob kaya naman napabitaw ako dito. Nang bumukas ang pinto ay agad kong nakita si Professor Zyro. Mabilis akong napaiwas ng tingin at napaubo nang magtama ang mga mata namin. Humakbang din ako paatras. "Don't worry, you're excused by the Principal." Nang magsalita s'ya ay napatingin ako sa kan'ya. May bitbit s'yang mga bondpapers. Mukhang may pinagawa s'ya sa klase. "Ahm.. thank you?" Hindi ako sigurado kung nagpapasalamat ba ako sa kan'ya o nagtatanong. Humakbang s'ya papalapit sa akin sabay sinara ang pinto. Mabilis naman akong humakbang paatras dahil sobrang uncomfortable para sa akin na makaharap si Sir Zyro. Naaalala ko kasi ang gabing hindi dapat nangyari. Napatigil ako nang maramdaman ang matigas na pader sa likuran ko. Napangiwi ako dahil wala na akong iaatras pa. Wala na akong takas. Naramdaman kong tumigil na rin sa paghakbang si Sir Zyro nang makalapit s'ya sa akin. Napatingin ako sa kan'ya. Halos dalawang hakbang na lang ang layo n'ya sa'kin. Bakit naman sobrang lapit n'ya? Paano kung may makakita sa amin dito sa hallway? "But that doesn't mean you can skip my activity." Mahina n'yang saad habang nakatingin ng deretso at seryoso sa mga mata ko. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kan'ya. Kahit may makapal na salamin s'yang suot at baduy ang itsura n'ya ngayon, nakikita ko pa rin ang mukha n'ya noong gabing iyon. Ang gwapo at nakaka-inlove n'yang mukha na mukhang hindi ko na maalis sa isipan ko kahit kailan. Nang marinig kong biglang bumukas ang pinto sa classroom ay mabilis ko s'yang tinulak. Napaatras din s'ya agad at mabilis na inayos ang suot na salamin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Muntik na! "Oh, nandito ka pa po pala, Professor Zyro." Pagkatingin ko sa kung sinong lumabas ay si Kleiv pala ito. May dala s'yang empty tumbler at sa tingin ko ay lumabas s'ya para refillan ito ng tubig sa cafeteria. "And Skye," dugtong n'ya nang makita ako. "I was talking to Ms. Alvarez regarding today's activity," sagot ni Sir Zyro. "Don't worry, Professor Zyro. I'll help Skye do her activity," nakangiting saad ni Kleiv. Ngumiti at tumango lang si Sir Zyro tapos ay tumingin sa akin. "Mauna na ako." Tumango lang din kami ni Kleiv tapos ay umalis na s'ya. Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Maayos at malaya na akong nakakahinga. Napatingin naman ako kay Kleiv na tahimik lang at nakatingin sa akin. "Anong tinitingin mo?" nakataas kilay kong tanong. Nakita kong ngumisi s'ya at umiling. "Nothing. I'm just curious about your relationsip with him," sambit n'ya sabay umalis na. Naiwan akong nakatayo lang at pinagmamasdan ang likod ni Kleiv hanggang sa hindi ko na s'ya makita pa. Sht. Nakita n'ya ba kami kanina ni Sir Zyro? "Skyee!" Mabilis akong napatingin kila Cassie at Rika na kakalabas lang ng classroom. "What are you doing here? bakit hindi ka pa pumasok?" nakakunot noo nilang tanong. "A-ah, wala." Umiling ako sabay ngumiti at hinila silang dalawa papasok sa loob. * Kakatapos lang ng exam ngayon at heto ako, nasa bar. "Cheers!" malakas na sambit ko mag-isa sabay tinaas ang glass wine at ininom ito. Pagkaubos ko ng wine ay nilapag ko ang baso sa lamesa at pinanood sila Cassie at Rika sa dance floor na nakikipagsayaw sa mga lalaki. Niyaya nila ako kanina sa dance floor pero wala ako sa mood magsayaw. Gusto ko lang mag-inom nang mag-inom ngayon lalo na't tapos naman na ang hell week namin. Wala na akong iisipin na exams. "Damn!" sigaw ko nang masubukan ko ang alak na iniinom nila Rika kanina. Sobrang pait nito sa dulo na para bang masusuka ako at magkakasakit. Sumandal ako sa upuan at kinuha ang phone ko. Pinagmasdan ko ang wallpaper nito. Litrato namin ito ni Ash. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang palitan. Sobrang memorable kasi nito sa'kin. 1st prom namin ito noong Senior high school pa lang kami. "Ash.." mahina kong tawag sa pangalan n'ya. Nagpunta ako sa gallery ko at pinagmasdan pa ang mga iilang litrato namin dito. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang tinitignan ang mga litraro. Pinanood ko na rin ang iilang video namin. Sobrang sweet pa namin dito. It's been a week since we broke up. I tried to forget him by focusing on my studies pero ngayong tapos na ang exams at next week ay wala kaming klase, tinatamaan ako ng kalungkutan. I'm starting to miss him so fcking bad. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Pinabayaan ko lang ito. Kailangan kong iiyak lahat ng naipon kong sakit at sama ng loob. Kailangan ko silang ilabas. Naglagay pa ako ng wine sa baso ko at ininom ito. Habang nag-iinom ay nakatingin lang ako sa litrato ni Ash. Nakangiti s'ya dito habang nakatingin sa akin. "I miss you.. Ash," mahina at umiiyak kong sambit. "I miss you so much.." Gustong gusto kong tawagan si Ash ngayon. Gustong gusto ko s'yang puntahan at yakapin. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko pa rin s'ya. Pero paano ko gagawin iyon kung s'ya na mismo ang nagloko? Paano ko s'ya mapapatawad sa ginawa n'ya? Sa anim na taong pagsasama at pagmamahalan namin, ngayon lang nangyari ang ganito. Pinunasan ko ang luha at huminga nang malalim. Pinakalma ko muna ang sarili bago ako tumayo at lumapit kila Rika. Mukhang nag-eenjoy sila sa mga kasayaw nila to the point na nakalimutan na nila ako. "Hey," tawag ko sa kanila. Napatigil naman sila sa pagsayaw at napatingin sa akin. "Mauna na ako. My mom is looking for me." I lied. "Oh, okay sure. Mag-iingat ka!" Ngumiti lang ako tapos ay mabilis nang naglakad papalabas ng bar. Dumiretso ako sa kotse ko at pinaandar na ito. Binuksan ko ang bintana sa gilid ko at habang nagda-drive ng mabilis, ramdam ko ang pagtama ng malakas na hangin sa mukha ko. Ash Justin Flores' POV: "ASH FLORES!" Mabilis akong napalingon sa pinto nang bumukas ito at marinig ko ang galit na boses ni Mom. Hindi ko s'ya pinansin. Binalik ko ang tingin sa flat screen television ko at nagpatuloy sa nilalaro ko. "The principal called me and told me na suspended ka next week for 1 whole week?!" Naglakad si Mom papalapit sa'kin at humarang ito sa screen. "I'm playing," irita kong sambit sa kan'ya. "You're grounded!" Galit na sigaw nito sabay inalis ang saksak ng ps5 ko at screen. "What the hell?!" Inis kong sabi sabay napatayo at binato sa kama ang gaming controller ko. "No ps5 for one month! No car! No allowance!" "Mom?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. "Explain to me bakit ka grounded and I'll rethink about giving you your allowance." Nag-cross arm s'ya at seryoso akong tinignan. Napangiwi na lang ako. "Kakatapos lang ng exams namin kanina. Next week wala kaming klase. It's just an stupid exhibit. No classes." "Exactly! Exhibit pero wala ka?" Huminga s'ya nang malalim. "Hindi ba napakaimportante n'yan lalo na sa'yo na art student? Paano yung nga master piece mo?" Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. To be honest, I don't care about the exhibit or arts. Nag art student lang ako dahil ito ang kinuha ni Skye. I wanted to be close to her. "You're not really going to explain?" Halata ang pagkadismaya sa boses ni Mom. "I'll ask Skye then." Nang maglakad s'ya papalabas ng kwarto ko ay mabilis ko s'yang pinigilan. "No!" Tanggi ko. Lumingon s'ya sa akin at napataas ang kilay. Fck. Hindi pa nga pala alam ng parents namin na hiwalay na kami. "Fine. The principal saw me throwing foods in the cafeteria." "What the hell, Ash? Are you still a kid?" Hindi makapaniwala na tanong ni Mom. "I'm disappointed at you." Sunod ko na lang narinig ay ang pagsara ng pinto sa kwarto ko. Huminga ako nang malalim at umupo sa dulo ng kama ko. Humiga ako at pinagmasdan ang puting kisame. "What is it that you wanted to tell me alone?" Tanong ni Sir Romeo habang nililigpit ang mga papel sa kan'yang lamesa. "It's all because of me," mahina kong sambit habang seryosong nakatingin sa kan'ya. "What do you mean?" Nakakunot noo n'yang tanong. "I was the one who started the food fight, not Skye. She didn't do anything wrong." Nakita kong pinatong ni sir Romeo ang kan'yang siko sa lamesa at pinatong ang baba sa kan'yang kamay habang nakikinig sa akin. Alam kong galit s'ya dahil sa School logo na nadumihan. Parang insulto na ito para sa kan'ya. I know how school is important to Skye. Halos araw-araw s'yang nababaliw para lang sa mga requirements, quizzes, and activities. Kung madadamay s'ya dito at magkaka-record, alam kong malulungkot s'ya. Lahat ng paghihirap n'ya, mababaliwala. "I was being a kid. May maliit na away lang kami and I couldn't control myself. I threw foods at Skye. Gumanti lang s'ya." Napabuntong hininga ako nang maalala ang usapan namin ni Sir Romeo. Ayun lang ang kaya kong gawin kahit papano para makabawi sa kasalanan ko. Umupo ako at pinagmasdan ang litrato namin ni Skye na naka-frame at naka-display sa gilid ng kama. "I can't lose you, Skye," mahina kong saad. "I will do everything to take you back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD