Zyro Herman's POV:
Bago pumasok sa gymnasium ay sinigurado kong nakababa parin ang buhok ko. Ginulo ko pa ito para hindi ako makilala. Inayos ko rin ang pagkakasuot ng makapal na salamin at nang makitang medyo natatakpan na ng buhok ko ang mata ko ay napangiti ako. Siguradong iba na ang itsura ko ngayon.
Ayoko lang sa pagpapanggap ko ay kailangang maging tahimik ako at mahiyain. Sobrang boring pero kailangan kong tiisin. Dahil sa pagiging womanizer ko, hindi puwedeng may makakilala sa mukha ko dito sa University.
Nang mapansin kong may mga papalapit ay mabilis na akong pumasok sa loob ng gymnasium. Bumungad sa akin ang mga outsiders habang ang mga estudyante ay nakatayo sa gilid ng art piece/work nila habang ine-entertain ang mga visitors.
"Good morning, Mr. Herman," bati sa akin ni Ms. Bianca Damian na bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saan.
"Go-good morning," mahina kong bati sa kan'ya pabalik.
"Let me introduce you sa mga iilang artist visitors na nakausap ko na." Ngumiti s'ya at naunang naglakad kaya naman sumunod na lang ako kahit wala akong interes sa gusto n'yang gawin.
"Hello Mr. Coelo!" masayang bati ni Ms. Bianca sa isang lalaking mukhang nasa 40's na. May itim itong sumbrero at transparent na salamin.
"Ms. Bianca!" masayang sambit nito nang mapalingon sa amin. Nang mapunta ang tingin n'ya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Alam kong sa mga mata ng artist ay hindi ko matatago ang totoong ako. "And you are?" tanong nito sa akin.
"Zy-Zyro Herman," mahina kong sagot sabay tumikhim. Inabot n'ya ang kan'yang kamay kaya naman tinanggap ko ito. "I'm Kennet Coelo."
"He's the new Professor I'm talking about earlier," singit ni Ms. Bianca.
"You must be having a hard time adjusting here."
"Kind of, but the students here are nice and friendly. It's easy to adapt to the new environment here," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay gusto kong patulan ang mga estudyanteng bully. But I don't need to rush. May tamang oras para doon and I'll make sure na magbabayad sila sa mga pinaggagawa nila.
"So, how was the art exhibit, so far?" Pag-iiba ng topic ni Ms. Bianca.
"Hmm.. It's quite good and interesting," napapaisip na sagot ni Mr. Coelo.
Agad akong nakaramdam ng boredom habang nakikinig sa usapan nila. Nagpunta lang naman ako dito para sa attendance at para tignan ang mga art works. Hindi para makipag-usap sa mga taong ito.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Nakita kong napapatingin ang iilang estudyante sa akin na tila ba ay mukhang natatawa. Sumimangot na lang ako at hindi sila pinansin. Kailangan ko ng masanay sa ganitong set up. Kung makita lang nila ang totoong ako at kung gaano ako kagwapo ay paniguradong malalaglag ang mga panga nila.
Nang lumingon ako sa kanan ko ay nakita ko si Skye. Napangisi naman ako bigla. Bakit hindi ko s'ya lapitan?
Tinignan ko sila Ms. Bianca at nang masigurado kong busy sa pag-uusap ang dalawa ay marahan akong naglakad papalayo sa kanila. "Yes," mahina kong bulong sa sarili nang makalayo ako nang hindi nila napapansin.
Napatingin ako sa mga iilang art works na nadadaanan ko habang naglalakad. Lahat sila ay magaganda and they're not bad. Lagi akong nananalo sa mga art contest simula bata hanggang sa paglaki. That's how good I am.
Nang maalala ko si Skye ay mabilis akong nagpunta sa art piece n'ya. Nakita kong wala s'ya rito kaya naman napakunot ang noo ko. Saan s'ya nagpunta?
Nakuha ng art work n'ya ang atensyon ko kaya naman tumayo ako sa harap nito. Isa itong sculpture ng babae na umiiyak at gawa ito sa isang kahoy. Wala s'yang kahit na anong saplot ngunit may mga maliliit na dahon sa mga parte ng katawan. Hindi ko alam kung anong mayroon sa gawa n'ya pero habang pinagmamasdan ko ito ay nararamdaman ko ang emosyon ng art na ito.
Malungkot at nag-iisa.
"Woah, is that a fish?"
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses malapit sa akin. Agad akong lumingon sa kanan ko at hinanap kung saan galing ang boses na iyon. Nang makita ko si Giana na nandidito habang may kausap na estudyante ay nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong yumuko at napalunok.
"Sht," mahina kong sambit habang nag-iisip kung papaano ako aalis dito nang hindi n'ya napapansin.
Lumingon ako sa pinto ng exit at napangiwi nang makitang malayo iyon masyado. Bakit hindi ko naisip na pupunta si Giana dito? She's Dania Robert at isa s'yang sikat na artist. Giana is her nickname given by me. Kung puwede ko lang ibaon ang sarili sa lupa ay ginawa ko na. Hindi n'ya puwedeng malaman ang sikreto ko.
Nang maalalang ilang hakbang lang ang layo ng storage room sa akin ay nabuhayan ako. Hinila ko ulit ang buhok ko para mas bumaba ito at hindi makita ang mga mata ko. Huminga din ako nang malalim para ihanda ang sarili. Pagkalingon ko kay Giana para tignan kung safe na ba ako gumalaw ay nakita kong nakatingin pala ito sa akin.
Nagtama ang mga mata namin ng ilang segundo at bago pa ito mas tumagal ay mabilis na akong tumalikod at naglakad papunta sa storage room. Mabilis kong pinihit ang door knob at pagkapasok ko ay naramdaman kong may natamaan ang siko ko ngunit dahil sa kaba ay hindi ko na ito napansin pa at napasandal na lang sa pinto.
"Aray!"
Napakunot ang noo ko nang marinig na may babaeng nagsalita. Nakita ko na lang na nakahiga ito ngayon sa sahig habang nagkalat sa paligid ang mga papel. Alam kong kasalanan ko ang nangyari sa kan'ya ngayon pero hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina nang makitang may isang bond paper ang nakapatong sa mukha nito at may drawing pa ito ng itlog.
Tinaas n'ya ang kamay na parang zombie at marahan na inalis ang bond paper tapos ay tumingin sa akin, "Skye Alvarez?/ Professor Zyro?" sabay naming sabi nang makita ang isa't isa.
Nakita kong gulat na gulat ang mukha n'ya. Napangiti ako ng kaonti nang maalalang ganito rin ang reaksyon naming dalawa nang magising kami noon sa isang hotel room.
Who would thought that Ms. Popular, Ms. Genius, and ang role model ng Eastview University ay nakatikman ko na?
Mabilis s'yang napaupo sa sahig at umubo pero halatang peke ito. Humakbang ako papalapit sa kan'ya para tulungang tumayo pero hindi nito tinanggap ang kamay ko. Naalala ko tuloy bigla ang unang pagkikita namin. Tumama s'ya sa akin at natumba sa hallway. Sinubukan ko s'yang tulungan noon pero hindi n'ya rin tinggap ang kamay ko.
Tumayo na lang ako at pinanood s'yang pinupulot ang mga nagkalat na bond paper sa sahig. Alam kong magiging uncomfortable lang para sa kan'ya pag tinulungan ko s'ya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos tungkol sa nangyari sa amin. Alam kong iniiwasan n'ya ako and It's time to face what we did that night.
"May sinabihan ka ba?" tanong ko sabay sumandal ng bahagya sa lamesa, sa likuran ko at inalis ang suot na salamin dahil lumalabo lang ang paningin ko rito.
Napatingin ako sa paligid. Maliit na kwarto lang ang storage room. Puro mga cabinet lang dito at mga bola. Iisa lang rin ang napakataas at maliit na bintana dito kaya impossible na may makarinig sa usapan namin.
"Anong sasabihin ko sa kanila?" tanong n'ya matapos iligpit ang kalat. Binuhat n'ya ang box at humarap sa akin.
"That you slept with me," deretso kong sagot sabay nilapag ang salamin sa table at humakbang papalapit sa kaniya. Huminto lang ako nang maramdaman ang buhat-buhat n'yang box na tumama sa tyan ko.
Napatingin ako sa mukha n'ya na natatamaan ng sinag ng araw. Kitang kita ko ang mga mata n'ya. Medyo mapula ito. Magulo din ang itim at mahaba n'yang buhok gawa ng pagkakabagsak n'ya kanina. Nang mapunta ang tingin ko sa maputla n'yang labi ay naalala ko ang paghalik n'ya sa akin noon.
Nakita kong mabilis s'yang napaiwas ng tingin. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo."
"Why don't you stop pretending that nothing happened between us, Skye?" seryoso kong saad habang nakatingin ng deretso sa mga mata n'ya. "You can't do that forever. We both had a good time in bed. You even moaned my name."
Nakita kong napalunok s'ya dahil sa huling sinabi ko. "Hindi ka ba natatakot na baka may makarinig sa'yo?" mahinang tanong n'ya.
"There's no one listening to us. It's just the two of us here. And besides, who's the one who kissed me first that night?"
Hindi s'ya nakasagot, bagkus ay napayuko lang s'ya ng kaonti.
"Why don't we have a deal?" kinuha ko sa kan'ya ang box. Nilapag ko ito sa lamesa at humarap sa kan'ya.
"Anong deal?" mahina n'yang tanong habang iniiwasan ang mga tingin ko.
"You'll keep my secret and I'll keep yours."
"I don't have a secret. I'm not like you," agad n'yang sagot sabay tinignan ako ng matapang sa mga mata. "Sleeping with a strangers."
"Hindi ba stranger din ako noong gabing iyon sa'yo? you did not recognized me."
"That's because.." natigilan s'ya at napakagat sa labi.
"There's no difference between us, Ms. Alvarez." Humakbang ako muli hanggang sa maging sampung dangkal na lang ang layo ko sa kan'ya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kan'ya. There's something about her na nakuha ang atensyon ko.
"You don't know me. Wala kang alam sa akin." Natigilan ako nang makitang may namumuong luha sa gilid ng mata n'ya. Agad na napakunot ang noo ko. Why is she crying? "Stop saying we're the same." Agad n'yang pinunasan iyon at tinignan ako ng deretso sa mga mata. "Wala akong intensyon na ipagsabi ang sikreto mo dahil wala akong makukuha doon but you crossed the line." Huminga s'ya nang malalim. "Now, stop bothering me or else, I'll tell everyone your secret, Professor Zyro." madiin n'yang sambit sabay nilaktawan ako at kinuha ang box bago lumabas ng storage room.
Naiwan akong nakatayo at tulala sa loob. Kaparehas ng expression ng sclupture n'ya ang nakita ko sa mga mata n'ya kanina. Something about her made me feel uncomfortable and sad. Pero bakit?
Napailing na lang ako, "Focus, Zyro."