CHAPTER NINE

1256 Words
Skye Alvarez's POV: Friday na at last day na rin ng Art Exhibit. Simula nung nangyari sa storage room ay hindi na ulit kami nag-usap ni Sir Zyro. Pagnagkakasalubong kami ay nag-iiwasan na lang kami. Nandito ako ngayon sa isang loob ng cubicle ng cr ng girls, nakaupo sa bowl. Kinuha ko ang tissue sa bag ko at pinunasan ang gilid ng mata. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. I really hate being heart broken! Bigla-bigla na lang akong malulungkot at maiiyak. Baka mapagkamalan pa akong bipolar nito. Nang makalma ko na ang sarili ay tumayo na ako at lumabas ng cubicle. Dumiretso ako sa salamin sabay pinagmasdan ang mukha ko. Napabuntong hininga ako nang makitang namumula ang mata ko at ang haggard-haggard ng pagmumukha ko. Mabilis akong nagpulbo ng mukha at naglagay na rin ng reddish liptint. Ang problema ko na lang ngayon ay ang mata ko at eyebags. Mukha akong panda. "Ang pangit mo ngayon, Skye," komento ko sa sarili habang nakasimangot. Mabuti na lang ay dinala ko ang shades ko kanina bago pumasok. Kinuha ko ito mula sa bag at sinuot. Pinagmasdan ko ang sarili at ngumiti sa salamin. There you go, hindi na kita ang namamaga kong mata. Maganda na ako ulit at mukhang normal na estudyante na ako. Biglang bumukas ang pinto at narinig ko ang pamilyar na boses. Napalingon ako sa kanila. "I told you, break na nga kasi sila," boses ito ni Lira. "Nagtitiis na lang si Ash kay Skye." "Wait, what?" Tanong ng kasama n'yang babae sabay huminto sila sa tabi ko at nag-aayos ng itsura sa tapat ng salamin. "Kung nakita mo lang yung mukha ni Skye, I swear! You're going to laugh," natatawang sambit pa ni Lira at nang mapansin n'yang may ibang tao ay napatingin s'ya sa akin. "Oh, Skye. You're here pala." Ngumiti s'ya at lumapit sa akin. Hindi ko s'ya sinagot at niligpit na lang ang mga gamit. Ayoko s'yang makita at ayokong marinig ang boses n'ya. Ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko kaya. Nang paalis na ako ay bigla n'yang hinarang ang paa n'ya sa daanan dahilan para matumba ako sa sahig. Napapikit ako nang maramdamang tumama ang mukha ko sa matigas at malamig na tiles. Narinig kong nagtawanan pa ang dalawa kaya naiyukom ko ang mga kamay ko. Tahimik akong tumayo. Gustong gusto ko s'yang sugurin ngayon pero kailangan kong pigilan ang sarili. Hindi ako dapat gumawa ng gulo lalo na't may event ngayon. Napatingin ako sa pinto nang makitang nakabukas iyon at may mga iilang estudyante ang nakatingin sa amin ngayon. Yumuko na lang ako at maglalakad na sana nang marinig ko pa ang sinabi ni Lira, "look how loser is Skye. Ang Ms. Popular, Ms. Genius at pride ng Eastview University ay umiyak." Napakagat ako sa labi nang mapagtanto kong tumalsik pala ang shades na suot ko at ngayon ay kitang kita nila ang mga mapupula at namamaga kong mata. "Why don't you tell us the reason behind your tears, Ms. Alvarez?" Naglakad si Lira papunta sa tumalsik kong shades at kinuha iyon tapos ay tumayo sa harap ko habang nakangisi. "And oh, you dropped this." Nang iabot n'ya sa akin ang salamin ay malakas ko itong tinabig dahilan para tumalsik ito sa pinto, papalabas ng cr. May mga napailag at mukhang nakakakuha na rin kami ng atensyon ni Lira. "What the hell?" Nakakunot noo n'yang tanong. "Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa galit-" hindi n'ya natapos ang sasabihin nang malakas ko syang sampalin. Rinig na rinig ang malakas na pagtama ng malamig kong palad sa pisngi n'ya. Agad s'yang napaatras at napahawak sa namumulang pisngi habang nanlalaki ang mga mata gawa ng gulat. Lumapit sa kan'ya ang babaeng kasama n'ya at tinignan ako ng masama. "Bakit mo sinampal si Lira?!" Sigaw nito sa akin. "Lumabas din totoong kulay mo!" Nakita kong umiiyak na si Lira habang nakayakap ito sa braso ng babaeng kasama n'ya. Mukhang nag-eenjoy s'yang magpa-victim. Inubos n'ya na ang pasensya ko kaya humanda s'ya sa akin ngayon. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa at sinabunutan si Lira. Aawatin sana ako ng kasama n'ya pero malakas ko s'yang siniko sa mukha dahilan para dumugo ang ilong n'ya at mapaupo sa sahig. "Bitawan mo ako!" Umiiyak na sigaw ni Lira. Hindi ko s'ya binitawan, imbis ay mas lalong diniinan ko pa ang hawak sa buhok n'ya. Hinila ko rin s'ya papalabas ng cr. Maraming estudyante rito ngayon sa hallway at gulat na gulat sila nang makita ang nangyayari. "Tulungan n'yo ako!" Galit na sigaw ni Lira sa mga nanonood. "Everyone!" Sigaw ko sa kanila. "Gusto n'yo malaman kung ano ang rason ng break up namin ni Ash, hindi ba?" Tanong ko sa kanila. Nakita kong naglabas na ng mga phone ang iilan sa kanila at kinuhaan ako ng video o litrato. Ang iba pa sa kanila ay nagbubulungan. "It's none other than Ms. Lira Villaforté! Ang higad, malandi at pinaka makating babae ng Eastview University!" Galit kong sambit. "Bitiwan mo'ko sabi!" Biglang naabot ni Lira ang buhok ko at sinabunutan din ako pero hindi ako nagpatalo dito. Malakas kong sinipa ang tuhod n'ya dahilan para mapaluhod s'ya sa harap ko. "Aww, mag-aapologize kana ba sa'kin ngayon?" Tinignan n'ya ako ng masama at nang tatayo pa sana ito ay madiin kong hinawakan ang magkabilang braso n'ya para manatiling nakaluhod sa sahig. "D'yan ka magaling di'ba?" Tanong ko. "Ang lumuhod sa harap ng mga lalaki?" Narinig kong nagtawanan at hiyawan ang mga estudyante sa paligid. "Paparating na ang principal!" Agad akong natauhan at napatingin sa sumigaw na lalaki habang tumatakbo papalapit sa akin. Nakasuot s'ya ng puting maskara. Mabilis na nagtakbuhan ang mga estudyante papalayo kabilang na rin si Lira at ang kabigan n'yang babae. Napakunot ang noo ko nang huminto ang lalaki sa harap ko. Nakasuot s'ya ng itim na jacket. Mabilis n'ya akong hinawakan sa wrist at hinila papalayo. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kamay n'yang nakahawak sa akin. Bakit s'ya nandito? Hindi ba bawal s'ya pumasok dahil suspended s'ya? Paano kung mas lalong lumama ang parusa sa kan'ya? Pero teka, ako ba ang pinunta n'ya dito? Naramdaman kong nagsisimula nang mamuo ang luha ko. Hindi ko mapagkakaila na may parte sa akin na masaya. Masaya dahil nandito s'ya ngayon, sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami at nasa loob ng isang school clinic. Wala ang nurse dito. Walang katao-tao kung hindi kaming dalawa lang ni Ash. Bago n'ya isara ang pinto ay sinigurado n'yang walang nakakita sa amin tapos ay humarap sa'kin. Tumingala ako ng kaonti para tignan s'ya. Nakita kong nakatingin rin s'ya sa akin. Suot n'ya pa rin ang maskara kaya naman hindi ko alam kung ano ang itsura n'ya ngayon. Parehas na walang gustong magsalita sa amin. Sobrang tahimik. Tanging malakas na pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko ngayon. Bumaba ang tingin ko sa kamay n'ya na nakahawak pa rin sa akin. Mali ito. Baka nakakalimutan mo ang ginawa n'ya sa'yo, Skye? Mabilis kong binawi ang kamay ko tapos ay humakbang paatras. Hindi ako dapat maging marupok. He cheated on me. He slept with Lira habang kami pa. "Anong ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanong habang masamang nakatingin sa kan'ya. "Nag-break na tayo, Ash. Wala ka ng babalikan sa akin." Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na gusto na namang bumagsak. "Tigilan mo na ako." Hindi s'ya sumagot, bagkus ay marahan n'yang hinubad ang puting maskara. Nang matanggal n'ya ito ay umurong ang mga luha ko nang makita kung sino ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD