"I'm not Ash." Skye Alvarez's POV: What the hell? Natigilan ako nang makita ang mukha ni Professor Zyro. Seryoso ang mga itim nitong mata habang nakatingin sa maskara na hawak n'ya. Napansin kong magulo at nakataas ang buhok n'ya gawa ng pagsuot ng hood ng jacket. Marahan n'yang ibinaling ang ulo hanggang sa bumaba ang buhok sa kan'yang noo tapos ay tumingin sa akin. "Mauna na ako," mahina kong sambit at naglakad papunta sa pintuan. Nang hahawakan ko ang doorknob ay hinarang n'ya ang kan'yang kamay kaya naman napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "They're patrolling," sabi n'ya. "Unless.. you want to get caught." Hindi ko s'ya pinansin. Tinabig ko ang kamay n'ya at marahan na binuksan ang pinto. Kaonting uwang pa lang ang nagagawa ko nang masilip kong may naglalakad sa hallway

