Chapter 1:

1772 Words
ANASTASIA POV. Maliksi akong dahan dahang naglakad sa masukal na daan na parang hangin lang. Hindi ko kasi hinahayaan na makalikha ng kahit na anong tunog. Lalo na at baka may makarinig na paparating at mabuwelyaso pa ang lakad kong ito. Nandito ako ngayon sa abandonadong warehouse kung saan sabi ng isang informant ko, dito nagtatago ang kasama sa pumatay sa isa sa mahal ko sa buhay na siyang kumupkop sa akin. Ang aking ina. Habang palapit ako naririnig ko naman ang mga ingay na nanggagaling sa sinabing gusali. "kailangan ko munang tingnan kung gaano karami ang kalaban na nasa loob" usal ko sa aking sarili. Nakita ko naman ang isang puno na sobrang kapal ng mga dahon kaya di ako nag dalawang isip na inakyat iyon. Hindi naman ako nahirapan sa pag akyat at naghanap agad ng magandang pwesto na makikita ko ang nangyayari sa loob. Walang makakapansin sa akin dito, dahil sa makapal na mga dahon. Isa pa nakasuot ako ng puro itim kahit mask ko itim. Pinag aralan ko naman muna kung saang parte ng gusali ang maraming bantay. Kailangan kung unti untiin ang mga kalaban dahil sobrang dami nila. Mahihirapan akong sumugot kapag nagkataon. Dahil maaalerto silang lahat. "pre diba! ngayon ang dating ng mga babae" tanong ng isa sa kasama nito. "yun ang sabi ni boss, galing pa nga daw yun sa pinas. Natatakam na nga akong makakatikim ng bagong babae ulit at tyaka kalahi pa natin." nakangising turan naman nito. "aba't mapapalabas kuna pala lahat ng tingga sa pantog ko" halaklak ng kasama nito sabay himas sa ari nito. Napairap naman ako. Tingnan na lang natin kung matitikman nyo pa dahil ngayong gabi, tatapusin kuna kayong lahat. Kahit kalahi ko pa kayo, di ako magdadalawang isip na patayin kayo. Agad akong tumalon na walang nilikhang ingay at dahan dahang umikot papauntang likod. May nakita naman akong isang lalaki na umiihi kaya agad kong nilabas ang aking kutsilyo at ginitan ang leeg nito. Na siyang agad pagtalsik ng mga dugo. Habang naglalakad ako papasok iniisa isa ko ang lahat ng madadaan ko. Marami rami na rin akong napatay dahil kong hindi gilit sa leeg nito ay tinitira ko ang mga ito sa noo. Hindi man lang ako nakakaramdam ng awa sa mga ito, kundi galit at pagkamuhi ang nangingibabaw sa akin dahil sa ginawa nila sa aking ina. Na kapag naalala ko ang ginawa nila dito. Gusto kung sumabog sa galit at pag papatayin sila. Sila rin ang dahilan kung bakit ako nag kaganito. "sino ka" sabi ng isang kalahi ko. Agad ko naman nilingon ito at dahan dahang nilapitan na siya namang umaatras. "tvoy posledovatel'v ad" (Ang tagasundo niyo papuntang impyerno) malamig kong sabi dito. Napalunok naman ito at bubunot na sana ng kanyang baril pero mabilis agad akong nagpakawala ng kutsilyo at binato sa noo nito. Nang patumba na sana ito ay mabilis akong kumilos. Agad kong hinawakan ang katawan nito at pinangharang sa katawan ko. Napairap naman ako. Akala siguro nila madali lang nila akong mapapatay. Di ba nila inisip na hindi ako basta basta susugod dito kung hindi ako malakas makiramdam. Isa kaya sa sinanay ko ang makiramdam at mangamoy. Naramdaman ko naman ang katawan nitong gumalaw hudyat na pinag babaril na ito. Agad kong binunot ang aking baril na nasa aking hita at pinag puputukan ang mga taong bumabaril sa akin. Di ko sinayang ang pagkakataon at agad binitiwan ang katawan ng taong pinangsangga ko at agad tumalon sa may malaking pader. Dahil kapag nag tagal pa ako dun. Tatagos na ang mga bala nito papunta sa akin dahil sa tadtad na pagbabaril ng mga kasama nito. Naalerto na rin ang mga kalaban ko dahil kanya kanya na ang mga ito ng labas. Wala na akong ibang choice kundi makipagsabayan, isa pa nabawasan ko na rin naman sila. Agad akong lumabas sa aking pinagtataguan at pinagbabaril silang lahat. Noo ang punterya ko para isang bala lang. Habang patagal ng patagal ay pakunti ng pakunti na rin sila. Mabilis akong gumulong papunta sa lalaking palabas sana ng gusali at pinulupot ang dalawang paa ko sa leeg nito at pwersahang binali ito. Pinangsangga ko ulit ang katawan nito para mapabilis ang pakikipagbarilan ko. Hindi naman nagtagal at naubos rin sila. Bago ako umalis ay sinunog ko ang gusali kasama ang mga napatay ko. Ganito ako kapag may pinapatay akong mga kalaban. Sinusulatan ko ang gilid nito ng mga codename ko sa underground ng mga "ubiytsa glaz" (eye killer), "taynyy demon" (secret demon), "tikhiy ubiytsa" (silent killer). Aminado naman ako na kahit sinulat ko ang mga codename ko sa pagiging assassin ko ay di pa rin nila ako makikilala dahil kahit sa underground na kung saan ako napabilang ay walang nakakakilala sa akin. Nang makasakay na ako sa aking sasakyan ay dumeretso ako sa isang lugar na lagi kong tinatambayan kapag malungkot ako. "ma, nandito na naman ako. Para sabihin sayong napag higante na naman kita" maluha luha kong turan na nakatingin sa isang lapida. Maliban sa aking ama na umampon sa akin ay ang aking ina rin ang mas nakakakilala sa akin. Sa kanila lang ako nagiging mahina at lumalabas ng mga hinaing ko. Kahit di nila ako kadugo ay tinuring nila akong anak. Kaya nung nawala siya ay para kaming nawalan ng ganang mabuhay ng aking ama. Na kahit ngayon ay di pa rin kami nakakausad. "pinapangako ko sayo na hindi ako titigil hangga't di sila nauubos" galit kong turan dito. "miss na miss kuna kayo, namimiss kana namin ni papa" hagulgol ko dito. Kapag binibisita ko siya di ko mapigilang di maiyak naiisip ko yung mga panahon na buhay pa siya. Yung pag aalaga niya sa akin. Yung kulitan naming tatlo ng aking ama. Sobrang laki nang nagbago ng nawala siya. Hindi naman ako nag tagal at umuwi na. Dumeretso ako sa mansyon dito muna ako uuwi. Namimiss ko na rin c papa, ilang linggo rin kasing sa condo ako namalagi dahil sa pag imbestiga sa mga kalaban ko. Hindi ko alam kung may ideya na ang aking ama sa mga pinanggagawa ko o wala pa talaga. Pagkarating ko sa mansyon ay nakita ko naman ang mga tauhan namin na nakabantay sa palibot ng bahay. "dobroe utro miss" (good morning senyorita) bati ng mga ito sa akin. Napatingin naman ako sa aking relo. Madaling araw na pala. Tinanguan ko naman ang mga ito at binigay ang susi ng aking sasakyan. Hindi muna ako dumeretso sa kwarto ko kundi pinuntahan ko muna ang kwarto ng aking ama. Nakita ko naman itong mahimbing natutulog. Naupo naman ako sa bakanteng gilid nito. Pinagmamasdan ko ang makulubot na mukha niya. Naawa ako dito. Kahit hindi kasi sabihin nito alam kong nag luluksa pa rin ito sa pagkawala ni mama. Nakita ko naman na yakap yakap nito ang litrato ni mama habang natutulog. Parang dinurog ang aking puso sa nakikita ko. Hindi ko napigilan ang mapaluha. Nasasaktan ako para sa aking ama. Kung nangungulila ako mas nangungulila siya. Kung nasasaktan ako mas nasasaktan siya. Kung may magagawa lang ako para maibsan ang lahat ng nararamdaman niya gagawin ko. Pitong taon na ang nakakaraan pero heto pa rin kami di pa rin nakaka move on sa pagkawala niya. Hinalikan ko muna ito sa noo bago nag desisyong lisanin ang kwarto ng aking ama. Baka magising ko pa kasi ito sa pag iyak ko. Dumeretso ako sa isang kwarto kung saan kami lang dalawa ni papa ang nakakapasok dito. Nung nawala c mama nag makaawa ako kay papa na magpagawa kami ng isang kwarto na para lang sa mga kagamitan at mga litrato niya imbis na ipang tapon yun. Minsan dito ako tumatambay o madaling salita ginawa ko nang kwarto ko. Dahil minsan kapag nalulungkot ako dito ako natutulog. Naupo naman ako sa isang sofa at pinaandar ang tv. Napahagulgol naman ako ng nakikita ko ang maamo niyang mukha ng nabubuhay pa siya. "mama pwede bang turuan mo ko mag bake" sabi ng dalagitang bata na nasa 15years old ang edad. "of course princess come here" masayang sabi naman nito. Agad naman lumapit ang batang babae dito. Nagsimula naman silang mag bake. Makikita mo sa video na habang tinuturan ng ina ang batang babae ay nagtatawanan silang dalawa. Nang matapos na sila ay napapalakpak ang batang babae dahil sa nagawa niyang cupcake. "oh my god mama, sobrang ganda ng gawa nating cupcake" tuwang tuwa na sabi nito. Natawa narin ang ina nito. Dahil sa kakulitan at masayahin ng kanyang prinsessa. Nagulat na lang ang batang babae ng pinahiran siya ng icing ng kanyang ina. Agad ring kumuha ang batang babae at nilagyan rin sa mukha ang kanyang ina. Sabay takbo na tawang tawa. Hinabol naman siya nito para pahiran ulit. Nagtatawanan silang mag ina. Hanggang sa tumakbo ang batang babae sa may sala at agad lumapit sa ama na nanonood ng tv. "papa" natatawang tili ng batang babae sabay lapit dito. "what happen baby" nakangiting sabi nito sa anak niya. Natawa kasi ito dahil sa itsura ng kanyang anak na may icing kaya may ideya na siya kung ano ang nangyayari. Magsasalita na sana ang batang babae nang napalingon ito sa kanyang ina na palapit sa kanila. "at naghanap kapa ng kakampi ha" natatawang turan nito sa kanya. Napatawa naman ito sabay subsob ng mukha sa katawan ng kanyang ama. Habang ang kanyang ama ay tawa ng tawa dahil sa nakikita ring itsura ng kanyang asawa. At dahil sa hindi mapahiran ng ina ang kanyang anak dahil sa pagtago nito ay sa asawa nito sinobsob ang maraming icing. Nagulat naman ito sa ginawa ng kanyang asawa. Napaangat naman ng mukha ang batang babae dahil sa agad pag tahimik ng kanyang ama. Napahalakhak sila ng kanyang ina ng sobrang lakas dahil sa nakikitang itsura ng ama na punong puno ng icing ang mukha. Hindi naman nakatiis ang ama at tumayo ito at pumunta ng kusina, nakangiting nagtaka naman ang dalawa. Nagulat naman sila pareho ng ina ng pagbalik ng ama ay may dala na itong maraming icing na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. Agad naman siyang napatayo at tumatawang tumakbo. Habang naghahabulan na silang tatlo. Walang ibang maririnig sa bahay na iyon kundi puro halakhakan kahit mga katulong at mga tauhan ng kanyang ama ay natatawa na rin. "hanggang kailan kaya namin matatanggap ni papa ma, na wala kana" malungkot kong usal sa sarili ko. Pinatay ko na lamang ang tv at tiningnan ang isa sa litrato ng kanyang ina na nakangiti ito nung kuha sa anniversary ng mga ito. Dahil sa pagod ay di niya na namalayang nakatulog siya habang hawak hawak rin ang litratto ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD