Chapter 2:

1514 Words
DMITRI POV. Alas siyete palang gising na ako dahil sa tawag galing sa tauhan ko. Nasunog daw ang isang warehouse na pinagtataguan ng isa sa mga kalaban ko. Hindi isang beses nangyari ang ganito. Nung una akala ko baka negosyo lang ang dahilan. Pero nung nagkasunod sunod na yun na ang pinagtataka ko. Isa pa lahat ng mga yun may ugnayan sa pagkamatay ng asawa ko. Nung una ayaw ko sana maniwala sa hinala ko, pero habang tumatagal may ideya na talaga ako kung sino ang may gawa. Ang hindi niya alam pinapasubaybayan ko siya. Doon ko napatunayan nga tama nga ako. Simula nung namatay ang aking asawa nagbago na sya. Binago siya ng trahedyang siya mismo ang nakasaksi kung paano pinatay ang kanyang kinikilalang ina. Naging tahimik ito, sasagot lang kapag kakausapin ko. Nagulat ako nung sabihin niya sa akin na gusto niyang maging sundalo. Nung una ayaw ko sana, siya na lang kasi ang meron ako tapos mamimiligro pa ang buhay niya. Hindi naman namin pinagkait ang katutuhanan kung ano ang trabaho ko. Kaya nga nilalayo ko siya sa mga kapahamakan. Wala na akong magawa nung nakapag desisyon na talaga siya na pasukin ang pagiging sundalo. Naisip ko rin mas maganda na rin iyon dahil hindi habang panahon na maproprotektahan ko siya. Ako rin ang isa sa mga nagsanay sa kanya. Nung una akala ko aayaw na siya dahil nakikita ko ring nahihirapan siya sa mga training pero habang tumatagal mas nagiging ditermenado pa siya lalo. Lahat naman ng pagsasanay na ipasa niya. Gaya ng pag hawak ng baril, kutsilyo at martial art. Nasa edad 19 din nung dinala ko siya sa kagubatan na isa sa mga pag aari ko. Kasama din yun sa pagsasanay niya. Iniwan ko siya doon ng anim na buwan na walang wala. Sinabi ko kasi sa kanya kapag nagawa niyang makasurvive ng anim na buwan sa kagubatan na kahit isa wala. Yun na ang huli niyang training. Ang hindi niya alam ay lahat ng parte ng kagubatang yun ay may nilagay ako para kahit anong gawin niya nakikita ko. Alam kung matalino ang anak ko. Hirap na hirap talaga siya nung una. Ikaw ba namang buhay prinsessa ka, tapos mamumuhay ka ng mag isa kahit kutsilyo o isang sandata wala man lang. Nakita ko talaga sa mga video kung paano siya makasurvive. Hanggang makalipas ang anim na buwan na pag lalagi niya. Ibang Anastasia na ang nakikita namin. Kung ang dating anak ko mahinhin. Ngayon akala mo lalaki na, napaka angas lang. Pero kahit tinapos niya ang pagiging sundalo ay pinapasubaybay ko pa rin siya pasekreto. "senyor kakain na po ba kayo?" tanong ni manang elly. Napabalik namn ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni manang. "oo bakit" takang tanong ko rin dito. May mga kasambahay kasi akong pilipino at tauhan. Kasi simula nung kinupkop namin si Anastasia nahirapan kaming kausapin siya. Hindi siya nakakaintindi ng english di rin nakakaintindi ng arabic. Kaya ang ginawa naming mag asawa kumuha kami ng mga kasambahay na kababayan niya. Bilang lang ata ang hindi pilipino na mga tauhan nmin eh. "gigisingin na po ba namin si ma'am para sabay na kayong kumain." magalang na sabi nito. Napakunot naman ang kilay ko. "bakit! umuwi ba siya" takang tanong ko. Ilang linggo na kasing di umuuwi yun at sabi ng tauhan ko, dun daw naglalagi sa condo niya. "opo, yun ang sabi ng isang tauhan natin na nakakita sa kanya kaninang madaling araw" turan naman nito. "ganun ba! oh sige pakigising na lang manang" wika ko. Siguro ito na yung tamang panahon na kakausapin ko siya. ANASTASIA POV. Naalimpungatan ako dahil sa mga katok ng pinto. Ayaw ko pa sana buksan kaso hindi tumitigil. Agad na lang akong naglakad papuntang pinto at binuksan ng kunti para malaman kung sino ang kumakatok. "iha! pasensya kana kung naesturbo kita, pinapagising ka kasi ng papa mo para sabay daw kayong kumain" magalang na saad nito. "ahhmp, sige po manang mag aayos lang ako." magalang ko ring balik dito. Napatango naman ito at agad ng tumalikod. Inayos ko na ang aking sarili at agad ng lumabas. Nakita ko naman ang aking ama na matamang nakaupo habang naghihintay sa akin. "good morning daddy" nakangiti kong bati dito sabay halik sa noo nito. "good morning too princess, how are you! ilang araw kading hindi umuwi" sarkastikong turan niya. Napabuntong hininga naman ako, nagtatampo na naman ito. Nginitian ko na lang ito. "wag kang ngumiti napaka creepy baby" sabay irap nito sa akin. Napatawa naman ako ng mahina sa turan ng aking ama. "ok lang naman ako pa, nasa condo ako ng isang linggo may tinatapos lang akong mga papeles" saad ko. Napairap naman ito ulit. Sa pag irap niya alam kung, alam nitong nag sisinungaling ako. "oh siya! kumain na tayo. Pag katapos mo pumunta ka sa office ko may pag uusapan tayo" wika nito. "yes dad" Kumain na lang ako habang si daddy nagkakapi lang. Napaangat naman ako ng tumayo ito bigla at tumingin sa akin. "sumunod ka nalang sa office baby pagkatapos mo dyan" turan nito sabay talikod. Agad ko namang tinapos ang pagkain ko at sumunod sa kanya. Hindi na ako kumatok dahil alam na naman nito. Pagbukas ko nakatalikod itong matamang nakatingin sa litrato naming tatlo ni mommy. "dad." pinaharap naman nito ang kanyang upuan at sinenyasang maupo ako. "baby ito na siguro ang tamang panahon." malungkot na aniya nito. Napakunot naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. Naguguluhan ako. "what do you mean dad." may pagtataka kung saad dito. "baby hindi mo ba namimiss ang mga tunay mong pamilya" malungkot nitong sabi. Nagulat naman ako sa narinig ko galing sa aking ama. Simula nang kinupkop ako nila daddy wala na akong balita sa kanila. May balak naman talaga akong babalik at magpakita sa kanila pero hindi ko naisip nasa ganitong panahon dahil dami ko pang hindi natatapos. Dumadating din sa point na namimis ko sila pero lahat ng yun tinitiis ko. Alam ko rin na sinusuportaran ni daddy ang mga totoo kung magulang. "pinapaalis nyo na ba ako dad." may pagtatampo kung turan dito. "anak! it's not what i mean! siguro this time, panahon na para magpakita kana sa kanila." "dad may balak naman akong magpakita eh but not n---" "why!! because your not finish to make revenge from died of your mom" diin na putol nito sa sasabihin ko. Nakanganga ako sa gulat. Paano nalaman ni papa. "i know baby! lahat ng pinanggagawa mo alam ko. Ang pagpasok mo sa underground at sa sunod sunod na pagpatay kaugnay sa pagpatay sa iyong ina ay alam kong ikaw ang may gawa lahat." diin niyang sabing may halong galit. Ano paba ang magagawa ko dahil isa siyang mafia. Sympre napakadali lang alamin ang lahat ng kinakaabalahan ko. "masisisi nyo ba ako dad! Kung ginawa ko yun lahat, pitong taon na gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari kay mommy pero hindi ko magawa dahil kapag natutulog ako bumabalik ang lahat ng alaala kung paano siya pinatay sa harap ko" Hindi ko na napigilan ang luhang dumaloy sa aking mukha. Basta talaga pag uusapan ay tungkol sa pagkamatay ng aking ina ay lumalabas ang pagiging mahina ko. Agad ko namang pinunasan ito at deretsong nakatingin sa aking ama. Naging malamlam rin ang mata nito. Kaya agad kong binawi ang pag titig ko, hindi ko kayang nakikita ang aking ama na nasasaktan. "kaya nga anak na pinapalayo na kita dahil natatakot ako na baka balang araw ikaw naman ang mawala." "ikaw na lang ang meron ako kaya please itigil muna ang lahat ng pinanggagawa mo." kalmado ng turan nito. Napailing naman ako. "fine dad! uuwi ako pero di ibig sabihin nun titigil ako sa pinanggawa ko, tatapusin ko lahat ng nasimulan ko. Konti nalang matutupad na ang lahat ng pinangako ko kay mommy na ipaghihigante ko siya." determinado at malamig kong turan dito. Nagulat naman ito sa sinabi ko. "hindi iyan ang gusto ko para sayo anastasia!," pasigaw nito sa akin. "ang gusto ko mamuhay ka ng tahimik hindi ganito. Pinayagan kitang pasukin ang pagiging sundalo dahil gusto ko na kaya mong protektahan ang sarili mo dahil hindi habang buhay nandito ako sa tabi mo. Pero hanggang doon lang yun. Hayaan mong ako ang magbibigay ng hustisya para sa iyong ina." galit na sigaw nito. "simula rin ng pinasok ko ang pagiging sundalo at assassin dad, yun din ang simula ang simula para maipaghigante ko si mama." matigas kong wika dito. Nagbabaga namang nakatingin ito sa akin. Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko dad. Tiim baga kong turan sa isip ko. Tatalikuran ko na sana siya ng magsalita ito ulit. "nagmamakaawa ako sayo baby. Ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan kaya please lang bisitahin mo naman ang mga totoo mong pamilya. Hindi kita tinataboy, naisip ku lang kasi baka pag nakasama mo sila magbago ang isip mo." madamdaming turan nito. Napabuntong hininga at tinanguan ko na lang ito. Sabay lumakas sa opisina. Siguro tama siya bibisitahin ko ang mga magulang ko. Matagal tagal na rin yung 12 years na hindi ko sila nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD