THEA Napaki-usapan ko si Ma'am Carlene na lalabas kami ni Deuce ngayong Friday. Nagdahilan ako na may birthday ang kaibigan ni Deuce kaya pinayagan kami. Abot-abot ang kaba ko ng magpaalam ako sa kanya na kung pwede ay 'wag isama ang mga body guards ni Deuce sa amin kapag lalabas kami ngayon. "Alright Thea, I trust you. Ikaw na ang bahala kay Deuce." "T-hank you Ma'am Carlene." Naguguilty ako sa pagsisinungaling ko pero gusto ko talagang pagbigyan si Deuce. Aaminin kong nakikita ko naman ang pagbabago kay Deuce at determinasyon nito na makaalis kami ngayon kapalit ng kundisyon ko na hindi na niya ako pahihirapan sa umaga na gisingin siya at pumasok sa office. Nag-eeffort siya kahit kailangan lang talagang pilitin kung minsan. It's been awhile since he got the chance to unwind here an

