bc

He's My Boss

book_age18+
27.0K
FOLLOW
128.7K
READ
billionaire
possessive
playboy
arrogant
badboy
dare to love and hate
boss
comedy
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Thea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce.

 

What would happen if they worked together?

chap-preview
Free preview
Chapter One
THEA'S POV "THEA!" Tumigil ako sa paglalakad at saka ko nilingon ang tumawag sa akin. Si Barbara. Nakangiting kumakaway pa siya sa 'kin. Napatili ako nang mapagtanto kung sino ang tumawag. Medyo nakatawag din ako nang pansin sa mga taong nasa paligid sa 'min at sa mga dumadaan dahil medyo napalakas ang pagtili ko,na-excite kasi ako.Ang tagal din kasi namin na hindi nagkita. Sa chat at video call lang kami nakakapag-usap na dalawa, hindi pa madalas dahil naging busy kami pareho sa kaniya-kaniya naming trabaho. She's my bestfriend at work. Sa iisang kumpanya lang kami nagtatrabaho pero magkaiba lang na branch. Kasama ko siya dati sa branch kung saan ako na-assign ngayon pero nalipat siya sa mas malapit sa kanyang tinitirahan. Matagal na rin ang huling labas namin, no'ng magkasama pa yata kami sa store. "Girl. . . I miss you," saad ko kay Barbara sabay yakap namin sa isa't-isa. Sobrang excited kami na nagkita kami nang 'di sinasadya. "Pa'no sobrang busy teh? Ilang beses na nga ba nating pinag-usapan sa chat na magkikita tayo? Ano, kumusta ka na? May boyfriend ka na ba?" bungad agad na tanong ni Barbara. Palibhasa ay alam niyang never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Siya kasi ay may longtime boyfriend. "Gaga. Boyfriend agad ang tanong. Sinabi ko na sa 'yo sa chat na wala nga," natatawang sagot ko sa kanya. "Halika, hanap tayo ng makakainan," yaya ko sa kan'ya. "Gusto ko 'yan, girl. Libre mo ako, ah." She giggled in excitement. Napangiwi ako. Kahit kailan talaga, kuripot itong si Barbara. "Oo na tapos ikaw sa kape." Tumango si Barbara tanda na pumapayag siya na siya ang sasagot sa kape namin mamaya. Bread winner kaming parehas kaya parehas din kaming kuripot. Pagkatapos namin mag-lunch ay nagtungo kami sa isang coffee shop kung saan puwede kaming tumambay nang matagal. Sa al fresco namin napiling umupo dahil masyadong crowded sa loob ng shop. Iilan lang kasi ang tumatambay sa labas dahil hindi aircon. Pero sa 'min ay ayos lang kahit hindi malamig basta makakapag-usap kami mamaya. Medyo madami lang talaga tao ngayon kahit hindi sa loob ng shop pati sa mall dahil weekend. Sa totoo lang,madami kaming kailangan na tapusin na report. Pero dahil minsan lang kami magkita na dalawa ay susulitin na namin. Hindi bale, restday naman namin bukas kaya bukas ko na lang gagawin ang ibang naiwan ko na report. Wala naman akong gagawin sa restday ko. Pagkatapos namin mag-order ay dumiretso na kami sa al fresco. Isang iced coffee ang order ko at kay Barbara naman ay hot coffee. Napangiwi nga ako sa kanyang order dahil mainit sa labas tapos mainit pa ang kanyang order. Malaki ang al fresco ng coffee shop. Medyo dulo lang kami umupo malapit sa daanan ng tao dahil may mga naninigarilyo sa kabilang side. "Graduating na ba si Tanya?" tanong ni Barbara habang naglalagay ng sugar sa kanyang coffee. Si Tanya ay kapatid ko. Tatlo na lang kami ni Tanya at ni Lola ang magkasama. Matagal nang patay si Mommy, mga 10 years na rin siguro. Si Daddy naman ay matagal nang ' di namin kasama sa bahay, may bagong pamilya na kasi siya. I nodded while sipping my iced coffee. "Oo. Dalawang sem na lang at ga-graduate na siya. Puwede na akong mag-asawa!" biro ko na ikinatawa ni Barbara. "Eh, kung may mapapangasawa ka. Manliligaw nga wala. Asa ka pa na asawa! Maghanap ka muna," pang-aasar niya sa akin. Napatawa ako sa sinabi niya. Loka-loka talagang kausap 'tong kaibigan ko. Palibahasa ay masaya ang love life niya. "Iyon lang.Hanapan mo nga ako," sakay ko sa biro niya. Pero hindi naman talaga ako naghahanap. Para sa akin ay pamilya ko muna ang uunahin ko.Besides, naniniwala ako na darating din 'yong taong nakalaan para 'yo, hindi mo kailangan hanapin. Inip na inip lang talaga si Barbara na magka-boyfriend na ako. Sa edad kong bente singko ay hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend ever since. Wala na nga akong love life, wala pang pera. Nagtaas ng isang kilay si Barbara sa 'kin. "Kapag mayroon ayaw mo naman, pihikan mo rin, eh." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Wala pa talaga akong time sa love life hanggang hindi pa nakaka-graduate ang kapatid ko. Kailangan kong mag-focus lang sa trabaho dahil ako lang ang nagtatrabaho. Nahihiya rin naman ako kay Daddy na humingi sa kan'ya palagi ng allowance namin dahil may trabaho na ako. Isa pa,masaya na ako na napagtapos niya ako ng pag-aaral ko. Ayoko na siyang obligahin sa pagpapatapos kay Tanya dahil may ibang mga kapatid din naman kaming pinapa-aral ni Daddy. Nagre-rent lang kami sa isang maliit na apartment malapit lang din sa coffee shop kung saan ako na-assign. Syempre,hindi ko pa afford ang magandang apartment dahil ako lang ang may trabaho. Si Tanya ay graduating na rin naman kaya konting tiis na lang at makakaluwag-luwag na rin kami. May makakatulong na ako sa gastusin namin sa bahay. Kung papalarin ay makakalipat kami sa mas maganda at mas malaking apartment. Natigil ang masayang pag-uusap namin ni Barbara nang mag-ring ang kanyang phone. Nag-excuse muna siya na sasagutin ang tawag bago niya sinagot. Lumayo rin siya sa kinauupuan namin para marinig niya nang mas maayos ang kausap,medyo maingay kasi sa bandang pwesto namin dahil malapit sa daanan ng tao. "Thea?" Patanong na tawag sa pangalan ko,parang sinisiguro kong ako nga ba 'yong nakita. Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Tumayo agad ako at ngumiti ng makita ko na si Mrs. De Silva 'yong tumawag sa pangalan ko. Isa siyang regular guest namin sa store. Mabait siya kahit na mayaman. Madalas ko rin siyang ka-kuwentuhan kapag nagta-table visit ako lalo na sa mga regular customer namin. She is the epitome of classic beauty. "Hi Mrs. De Silva," bati ko sa kan'ya nang nakangiti. She smiled back at me. Ang bait niya talaga at sobrang maamo pa ang kanyang itsura, 'yong tipong hindi ka mahihiyang kausapin siya kahit alam mong mayaman siya. Magaan din ang loob ko sa kan'ya. Nakikita ko sa kan'ya si Mommy. Tingin ko magkasing-edad lang silang dalawa. Siguro ang suwerte ng mga anak niya dahil siya ang kanilang Mommy. "Akala ko nagkamali lang ako nang nakikita dahil sa ibang coffee shop kayo nagkakape," pabirong wika niya. Na-conscious ako sa sinabi niya.Nakaramdam din ako ng hiya dahil nasa competitor kami nagkakape ngayon. "Maganda po kasi ang ambiance dito.Tamang tama lang po para makapag catch up kami ni Barbara," nakangiti kong paliwanag sa kan'ya kahit naiilang ako na nakita kami rito sa ibang coffee shop. "Yes you're right, Thea. Anyway, I need to go. May iinterviewhin pa ako para sa anak ko," paalam niya. Tumango-tango ako. "Ah, gano'n po. Kayo na rin po pala nag-iinterview ng empleyado ng anak niyo," manghang saad ko. "Yes. Ako ang magha-hire para sa kan'ya. Kailangan ko ng may mag-aasikaso at magbabantay sa anak ko. Hindi ko na kayang bantayan ang lahat ng kilos niya." Parang na-stress ang itsura niya habang nagsasalita. Halatang hindi nito nagugustuhan o nahihirapan siya sa kaniyang anak base pa lang sa expression ng kaniyang mukha na medyo naging seryoso. Nanny pala ang kailangan niya para sa anak niya. Ilang taon na kaya siya at bakit kailangan pa ng nanny ng anak niya? Gusto ko sanang itanong sa kan'ya 'yong naiisip ko kaya lang nahihiya ako at baka ma-offend ko siya. Tingin ko kasi nasa 50 years old na siya. "Ah... May napili na po ba kayo Ma'am?" tanong ko sa kan'ya. "Well... May mga nagba-back out kapag nabasa na nila ang mga kailangan nilang gawin. They think they can't handle the job." Kawawa naman pala si Ma'am Carlene. Mahirap mag-hire ng nanny ngayon ng hindi mo kakilala or nirefer sa 'yo. Napaisip ako bigla. Iniisip ko kung sino ang puwede kong mai-recommend sa kan'ya. "Hmm... Magtatanong po ako sa amin Ma'am baka may interesado. Magkano naman po pala ang suweldo kung sakali, Ma'am Carlene? Baka kasi may magtanong para may maisagot ako." "Salamat Thea." May kinuha ito mula sa kaniyang bag at inabot sa 'kin. "Here's my calling card, Thea. You can call me anytime kapag may gustong mag-apply. By the way, forty thousand pesos ang ang kaniyang salary at libre na ang lahat ng kan'yang kailangan. From food allowance, grocery and personal care kasama na 'yon." My lips parted in surprise. Gano'n kalaki ang sahod ng magiging nanny ng anak niya?! Seryoso ba siya? Ano'ng klaseng tao ba 'yong aalagaan at bakit gano'n kalaki ang sahod? Siguro makulit at matigas ang ulo. Hays. Malaki pa sa sahod ko 'yon.Parang gusto ko tuloy mag-apply. "Ang laki naman pala ng sahod Ma'am Carlene," saad ko. "Of course! Hindi naman madali ang magiging trabaho niya." Gano'n ba kahirap mag-alaga? "I'll go ahead, Thea. I need to go. See you again." Paalam niya sa 'kin. "Bye, Ma'am Carlene. See you again." I waved my hands, too. Pagkaalis ni Mrs. De Silva ay wala sa sarili akong napa-upo. Hindi ko man lang pala siya niyayang umupo. Nag-usap kaming dalawa nang nakatayo. Mabuti na lang at mabait siya. Iniisip ko rin ang trabahong iyon. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Barbara. Napabalik lang ako ng atensyon ko nang maingay na hinila ni Barbara ang upuan. "Hoy, anong nangyari? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" Nagtatakang tanong nito sa akin sabay kuha sa kape niya at uminom. Nakakunot din ang kanyang noo. "Nakita ko kasi si Mrs. De Silva. Do you still remember her?" I asked her. Umiling si Barbara. "No. Baka wala na ako sa store no'n. So ano mayro'n sa kan'ya at bakit ganiyan ang itsura mo?" I sighed. "Naghahanap kasi siya ng nanny." Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Barbara. "Oh, tapos? Ano'ng konek naman 'yon sa 'yo at bakit naging seryoso ka bigla diyan?" Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang naiisip kong gusto kong mag-apply kay Ma'am Carlene. Inabot ko ang iced coffee ko na nasa lamesa at uminom. "Ang laki kasi ng sahod Barb, parang gusto kong mag-aapply," amin ko sa kan'ya. "Naku Thea! pag-isipan mo muna 'yang naiisip mo. Maganda na ang trabaho mo tapos magiging nanny ka. I mean hindi ko naman minamaliit ang pagiging nanny na trabaho, ah. Don't get me wrong pero may maayos ka na kasing trabaho sa coffee shop." Naiisip ko nga rin 'yon kanina pero kailangan ko 'yong malaking sahod lalo na at madaming kailangan ngayaon si Tanya dahil graduating na siya. Puwede ko na rin silang mailipat sa mas maganda at mas malaking apartment. "Naisip ko lang naman Barb hanggang maka-graduate lang si Tanya pagkatapos no'n babalik na ulit ako sa shop," katwiran ko sa sinabi niya. Nagkibit balikat si Barbara. "Depende pa rin sa iyo 'yan, Thea. Ang akin lang, 'wag kang basta-basta gumawa ng desisyon. Madami namang ibang puwedeng pag-applyan kung gusto mo nang malaking sahod. Iyon nga lang magtitiyaga ka." "Sige. Pag-iisipan ko muna, Barb." I said before I sipped on my iced coffee.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook