Chapter Two

2202 Words
KASALUKUYAN akong gumagawa ng kape sa bar area para naman may pampagising ako sa paggawa ko ng report sa loob ng opisina. Nakakaantok kasi ang buong maghapon na nakaupo lang at nakaharap sa computer habang gumagawa ng mga reports. Hilig ko rin talaga ang kape at feel na feel ko rin ang pagiging barista ko tuwing gumagawa ako ng kape. Si Janna, 'yong cashier namin ay nagpaalam lang saglit sa 'kin na gagamit siya ng comfort room. Iyong kasama niya na staff ay nagma-mop sa dining area. Wala pa namang tao at maririnig ko naman kung may papasok na customer dahil nakatalikod ako sa counter at nakaharap sa espresso machine. Abala pa rin ako sa paggawa ng kape ko. May narinig akong kumatok sa counter namin kaya napalingon ako. May customer na pala kami. Hindi ko man lang narinig si Coby na bumati sa customer o baka hindi talaga siya bumati. Agad kong binitawan ang hawak na pitcher at hinarap na ang customer. Ngumiti muna ako bago lumapit. "Hi, sir Goodmorning. What can I get you for today?" Masiglang bati ko sa guwapong customer na nasa harapan ko. Mukha siyang artista o modelo sa isang magazine. Syempre mas todo smile ako dahil guwapo. Papansin ang peg ko gano'n. He smiled back at me. Mas guwapo pala siya kapag nakangiti. Lumabas din ang pantay-pantay at mapuputing ngipin niya. A perfect set of teeth na puwede nang pang-commercial ng toothpaste. "Can I get you?" Pilyong sagot niya sa pagbati ko sa kaniya. I even saw him smirked. Napamaang ang labi ko sa kan'yang sagot. Ahh. Gusto mo ng landi. Ngumiti ako sa kan'ya. "Sure," pilya ko ring sagot sabay kagat sa ibabang labi ko. Hindi ko naman siya inaakit pero parang gano'n na nga. He bit his lower lip too. "Masarap ka ba?" Aba! Hinahamon ako talaga. Of course! baka makalimutan mo ang pangalan mo darling. I mentally grinned. Pero syempre kailangan kong maging professional at isa pa, wala akong balak na patulan siya. Kahit guwapo siya hindi naman ako basta-bastang bibigay sa kan'ya. Gusto ko lang sakyan ang kalokohan niya. Magaan ang loob ko sa kan'ya. "Of course! Masarap ako," sinadya ko talagang bitinin ang sasabihin ko sa kan'ya, "Gumawa ng kape." I winked at him. He grinned. He bit his red lips again as if he's trying to seduce me. "Gusto ko tikman..." He trailed off. "Ang kape mo." Hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot sa kan'ya baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Baka isipin niya ay may gusto ako sa kan'ya at easy to get ako. "Ma'am Thea, may coffee po kayo?" biglang tanong sa 'kin ni Janna kaya napatingin ako sa kan'ya na papalapit na sa 'kin. Iyong mata niya ay biglang nagningning nang mapansin ang guwapong customer na kausap ko. I rolled my eyes. Tsk... Tsk... Istorbo talaga 'tong si Janna. Wrong timing ang dating. "H-uh? Ah, wala pa siyang order. Sige ikaw na ang bahala sa kan'ya," saad ko kay Janna. Nawala na rin ang ngiti ko sa labi at parang gusto ko siyang sabunutan sa pang-iistorbo sa 'min. Lumapad ang pagkakangiti ni Janna at lumapit sa g'wapong customer. "Hi sir, can i get your order?" tanong ni Janna at nagpacute rin. Ang sarap sabunutan talaga. Inagawan pa ako ng eksena. "Tapusin ko lang 'yong ginagawa ko Janna," paalam ko sa kan'ya bago ko binalingan muli ang customer. "Sir, Janna will assist you. Excuse me." Paalam ko sa kan'ya bago tumalikod at binalikan ang ginagawa. Nakita ko ang ginawang cupmarking sa cup na inilapag ni Janna sa tabi ng ginawa kong coffee. Dave. Nice name. Magka-caygo sana muna ako ngunit pinigilan ako ni Janna. "Ako na po Ma'am. Gagawa rin po ako ng kape ni Mr. yummy," malanding saad nito. Kilig na kilig pa ang kan'yang boses at nagniningning ang kanyang mga mata. Napangiwi ako sa kan'ya. "Yummy ka diyan. Ang landi mo, Janna," sita ko sa kan'ya. Natawa ito sa ko naging reaksyon ko sa sinabi niya. "Si Ma'am naman parang 'di ka rin naglaway kanina sa kan'ya." Inirapan ko siya. "Baka siya pa ang naglaway sa akin. He's not my type," pagdedeny ko." Papasok na ako sa loob ng office. Tawagin mo na lang ako 'pag need mo ng tulong dito." Paalam ko bago bumalik sa loob. "f**k!" MALAKAS na mura nang nakabangga ko. Nag-viber kasi ang area manager ko kaya naka-focus ako sa phone ko. Hindi ko nakita na may customer palang papasok sa shop. "Uhm. I'm sorry, Sir." Hinging paumanhin ko sa nakabangga ko. My lips parted a bit while looking at him. Napapalunok din ako nang wala sa oras kakatitig sa kan'ya. May katangkaran siya kaya kailangan ko pang mag-angat ng tingin sa kan'ya. Malaki ang kanyang katawan at halatang tambay ito ng gym. Alagang-alaga ang katawan. Ito 'yong tipong lalaki na tinitilian ng mga kakabaihan. He is handsome, too. Agaw pansin ang kan'yang kag'wapuhan. Mukha siyang may banyagang lahi base sa kulay ng balat niyang maputi at kulay ng buhok na kulay brown. Mahaba ang kan'yang pilik mata at kitang-kita ang kulay ng mata niya na kulay brown din. Makapal ang kan'yang salubong na kilay. He has a short stubble beard that made him looked like a bad boy. Hay, g'wapo sana kaso suplado. Mukha rin siyang artista o modelo katulad nang customer namin kaninang umaga 'yon nga lang masungit siya. Halata naman, minura pa ako dahil lang nabangga ko siya. Our eyes met. Nakaramdam ako ng weird na feeling. May kakaiba sa kan'ya kung makatingin sa 'kin. Parang binabasa niya pati isip ko sa pamararaan na kan'yang pagkakatingin. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko. Baka sabog-sabog na 'yong buhok ko dahil hindi pa naman ako nagsusuklay ng buhok. Baka ang putla ng mukha ko dahil hindi ako naglalagay ng make-up sa mukha, ang puti ko pa naman. Tiningnan niya ang kamay ko na may hawak ng phone. "Next time, watch your step and stop using your phone while walking. Hindi ba makapaghintay ang boyfriend mo? Kaya ka nakakabangga dahil inuuna mo pa ang pagtetext," panenermon niya sa akin. "Ahm. I'm not texting my boyfriend, sir. I'm sorry 'di ko naman sinasadya. Importante kasi 'yong message ng boss ko. Sorry talaga, sir." Hinging paumanhin kong muli.Tinago ko na rin ang phone ko sa bag. He smirked. "Kung nagpapapansin ka lang sa akin Miss, I'm sorry but I'm not buying it. You're not my type," he said and doesn't believe me. Tumalikod na rin siya sa 'kin. Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Ang sarap niyang patulan. Nagtitimpi lang ako dahil customer pa rin siya pero mayabang siya. Ang kapal ng mukha! Pinaningkitan ko siya ng mata. "Akala mo kung sinong mayabang, pangit naman. Sorry hindi rin kita type." I spoke in a low voice. Humarap siya sa 'kin na magkasalubong na naman ang kaniyang kilay. "What did you say?" he asked. Ngumiti ako sa kaniya nang pilit. Parang ngiting-aso. Nag-peace sign din ako sa kan'ya. "Sabi ko po sir, kayo po ang pinaka-g'wapo na nakita ko sa universe," pilosopong sagot ko sa kan'ya. Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko. Salubong pa rin kasi ang kan'yang makapal na kilay. "No. I've heard it. You just said na mayabang ako at pangit." Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang napapa-atras ako sa kan'ya. Napahinto ako nang naramdaman ko na ledge area na ang nasa likuran ko. Na-corner na niya ako. Ilang hakbang na lang ang lapit niya sa 'kin. Iyong pintig ng puso ko ay bumilis sa pagkakalapit naming dalawa. I can smell his perfume. Pero hindi ko p'wedeng ipahalata sa kan'ya na affected ako sa pagkakalapit namin at baka mas lalong isipin niya na gusto ko siya. "Narinig mo pala tinanong mo pa!" maldita kong sagot. Na-corner na rin lang naman ako, lulubusin ko na. "Where's your manager?" galit na niyang tanong sa 'kin. "Nasa office po," sagot ko. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na ako 'yong manager dahil baka itapon na lang niya ako sa labas sa inis niya sa 'kin. Mabuti na lang at nandito si sir Ryan. "Call him!" utos niya sa akin. Pa'no ko naman matatawag si sir Ryan, eh, nakaharang siya sa dadaanan ko? Mabuti na lang din at malapit nang mag-close ang store kaya wala ng tao sa dining area. Kung hindi, nakakahiya sa mga customer.Siguradong pagpipiyestahan kami rito ngayon. "Anong nangyayari dito Ma'am -" tanong ni Coby. Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lumingon sa kan'ya ang masungit na customer. Sumilip ako kay Coby para makita niya ako. Pinandilatan ko siya ng mata nang tumingin siya sa akin. Mukhang na-gets naman niya ang pinapahiwatig kong tingin na tumahimik siya. "Coby, pakitawag nga si sir Ryan, please," pakiusap ko kay Coby. Tumango naman siya kahit naguguluhan ang kanyang itsura bago umalis at nagtungo sa loob ng office para tawagin si sir Ryan. Tahimik lang ang customer na nakikinig at sinundan na lamang ng tingin ang papalayong si Coby bago muling humarap sa 'kin. Ilang sa sandali ay narinig ko na ang boses nina sir Ryan kaya sinilip ko sila. Lumingon din ang customer sa gawi nila. "Sir Ryan!" madiin kong tawag kay sir Ryan pagkalapit ko sa kan'ya. Tiningnan ko rin siya ng makahulugang tingin na tumahimik din. Mukhang na-gets din niya at tumango. "Hindi ko naman po sinasadya, nabangga ko po kasi si sir yabang este g'wapo kaya nagalit siya sa 'kin." "You're the Manager?" tumango si sir Ryan. "I think you should hire a professional employee next time. Your employee is rude," sabay turo niya sa akin. Pasimple ko siyang inirapan. "May I asked what happened sir?" kalmadong tanong ni sir Ryan. "Nakabangga 'yong staff mo dahil panay ang text sa boyfriend niya at sinabihan pa ako ng hindi maganda pagtalikod ko. C'mon, Is that a good customer service, huh?" Kaya ko lang naman siya sinabihan nang gano'n dahil ayaw niyang maniwala na hindi ako nagtetext sa boyfriend ko dahil wala naman talaga akong boyfriend. Besides, nag-sorry na ako sa kan'ya pero ayaw niyang tanggapin, ang arte niya. "Hindi nga ako nagtetext sa boyfriend ko, ayaw mo lang maniwala. Isa pa, nag-sorry na rin ako sa 'yo," tumaas na rin ang boses ko. "See? Siya pa ang galit," turo niya sa akin. Nauubos na ang pasensiya ko at kumukulo na ang dugo ko sa kan'ya. Nabangga ko lang siya, pinapalaki na niya ang usapan. Kung tanggapin na lang kasi niya ang sorry ko edi tapos na ang usapan naming dalawa, makakauwi na ako. "Nag-sorry na nga ako sa 'yo, 'di ba? Ano pa ba ang gusto mo? Pinagbintangan mo pa akong nagpapansin sa 'yo! Excuse me, hindi rin kita type, 'no!" Kung puwede ko lang siyang sipain do'n sa ano niya, ginawa ko na. Nagpipigil lang ako ng sarili dahil baka kung ano ang magawa ko sa kan'ya. Nagpalipat-lipat ng tingin sina Coby at sir Ryan sa aming dalawa.'Di mawari kung ano ang sasabihin. Parehas na kasing mainit ang ulo namin ng customer. "Oh really, you don't like me? Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo habang nakatulala ka sa 'kin kanina." Nanlaki ang mata ko. B'wisit na mata 'to, traydor eh. Napansin pala niya 'yong ginawa kong pagtitig kanina sa kan'ya. He smirked seeing my reaction. Nakakahiya. Pero hindi ko naman siya gusto. "Hindi kita gusto, ah! Feeling mo lang 'yon, akala mo kung sinong g'wapo," nakanguso kong saad. Inawat na ako ni sir Ryan. "Thea, ano ka ba? tumigil ka na. 'Wag ka nang sumagot pa." I sighed. Alam ko na hindi dapat ganito ang asal ko bilang empleyado pero ewan ko ba at naiinis ako sa kan'ya. Bigla ako nakaramdam nang takot baka i-complain niya ako sa mga head namin. Baka matanggal ako sa trabaho ko nang wala sa oras dahil sa ginawa kong pagsagot sa customer. Kinalma ko na lang ang sarili ko. "I'm sorry sir," pagpapakumbaba kong humingi ng sorry sa kan'ya. "It's not sincere. We're not yet done," he said. My lips parted. Huh? May topak yata 'tong customer na 'to, eh. Ang hirap kausap. Buti na lang at hindi siya ang boss ko, kun'di magkakaroon ng world war 3 sa pagitan naming dalawa. Tinitigan pa muna niya ako bago tuluyang lumabas ng store. Nasundan na lamang namin siya nang tingin. "Ano ba ang nangyari Ma'am Thea?" tanong ni Coby. "Eh, 'yon –" He cut me off. "Bakit nagalit nang gano'n 'yon sa iyo?" Nakapamaywang na niyang tanong. "Kasi nga-" Napakamot ito ng ulo. "Bakit mo pa kasi pinatulan 'yon? Alam mo namang customer 'yon, 'di ba?" "Pinagbintangan akong-" Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Hindi man lang ako makatapos nang sagot sa kan'ya. Dinaig pa si sir Ryan kung magtanong sa 'kin samantalang ako ang manager niya. "Sana kasi nag-sorry ka na lang sa kan'ya, Ma'am." "Nag-sorry -" "Pa'no na ngayon 'yan? Nagalit 'yong customer sa 'yo. Magpaliwanag ka naman, Ma'am." Hindi na ako nakapagtimpi, binatukan ko na si Coby. Kanina pa panay tanong 'di naman ako pinapatapos magsalita. Tinawanan lang siya ni sir Ryan. "Ma'am naman, eh." Kakamot-kamot sa ulo niyang saad. "Kasi naman Coby, tatanong-tanong ka ni hindi mo man lang ako pinapatapos na magsalita. Nang-aano ka, eh!" Nagpeace sign na lang ito sa 'kin sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD