THEA TUMIGIL si Barbara sa paginom ng coffee at binalingan ako. Nagkatinginan pa muna silang dalawa ni Tanya bago siya nagsalita. Kasalukuyang nasa paborito namin na coffee shop kaming tatlo habang hinihintay ko si Deuce. Nagpaalam ako sa kanya na magkikita kaming tatlo habang nasa opisina pa siya, pumayag naman. Akala pa nga niya, magkikita kami ni Dave. Pinagsend pa ako selfie kanina kung talagang kasama ko ang dalawa. Ang mokong na 'yon, hindi naniniwala sa 'kin. "May pagkatanga ka rin talaga, gurl noh?" saad ni Barbara. "Bakit? Pumayag naman si Deuce sa kundisyon ko, basta pumayag ako na magpapanggap kaming magboyfriend kay Patrica para tigilan na siya nito. Madali lang naman, mapapabilis pa matapos ang kontrata namin. After no'n, kukunin akong assistant ni sir Marcus, 'yong kapatid

