THEA INIS na inis ako kay Deuce. Ang tanga-tanga ko rin naman. Bakit kasi hindi ko nakuha ang number niya? Bakit hindi ako muna ako nagtanong kay Carmen? Nag-assume agad ako na papasok na iyon sa office which is iyon nga pala ang problema sa kanya, hindi siya pumapasok. Saka ang usapan pala ay hindi siya aalis nang hindi ako kasama. Ako itong nagkamali. Eh, nasaan naman kaya si Deuce kung hindi ito pumasok? Nag-grab na lang ulit ako pabalik ng bahay ni Deuce. Habang nasa sasakyan, 'di ko maiwasang maghimutok nang inis kay Deuce at sa nangyari kanina. Naiinis din ako sa sarili ko. Chinat ko na lang si Tanya. Nakaonline ang kapatid ko. Me: Kamusta kayo ni Lola? Tanya: Okay lang ate, ikaw kumusta riyan sa trabaho mo? Me: Ayos lang din. Tanya: Bakit feeling ko ate, hindi ka okay? Me: F

