Chapter 3

1255 Words
Chapter 3   “Kagabi ay nabasa ko ang bagong mga issues ni Dius, Ma’am Silvie.” Napatingin si Silvie kay Miki nang magsalita ito, nasa tainga nito ang cellphone at tinatawagan si Dius. Nahilot muli ni Silvie ang kaniyang sintido. Ang pinsan niya na iyon ay sakit sa ulo. Hindi kasi ito nakakatikim sa kaniyang Uncle Leo kaya malakas ang loob nito na gumawa ng gumawa ng mga kalokohan. “Wala akong social media, I was just playing around, baka lang may bagong issues si kupal and I was right. So tell me, Miki, ano ang mga issue na bago ni Dius?” tanong niya. Mabibigat ang bawat salita na lumalabas sa kaniya, at mukhang mas sasama pa  ang timpla ng mood niya bago ang meeting niya dahil sa mga kalokohan ng pinsan niyang si Leodius. “Nahuli po siya sa isang bar na nangharassed ng mga babae, may mga videos na inilabas siya ng mga bouncer dahil nanggugulo na siya, ang mga videos ay kalat na kalat na po sa lahat ng social media, and also, may kumakalat din siyang scandal ngayon, isang artistang babae ang involved.” Sabi ni Miki. Walanghiya ka talaga, Dius, pag nakita ko iyang mukha mo babangasan ko na iyan nang mawala na ang kalokohan at kayabangan mo. Dius always told her that his face is so precious to him, kaya’t ngayon alam na niya kung ano ang dapat na gawin sa kaniyang pinsan na iyon. “Ma’am, hindi po sumasagot si Sir Dius sa mga tawag, naka tatlong missedcalls na po ako. Mukhang tulog pa po siya sa mga oras na ito.” Sabi ni Miki. Tumango siya at muling tumingin sa orasan, mag aalas nuebe na at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang una niyang meeting sa araw na iyon. “Can you call, Axpa? Tell him to delete all the videos of Dius in all the social media, walang dapat matira kahit isa. I have big clients next month, I don’t want Dius’ issues to ruin it.” Sabi niya. Axpantra Chrislie Hernandez is one of her friends, she is the owner of the Axpanymous Tech. Tumango si Miki at pagkatapos ay lumayo sandali sa kaniya at muling nag-dial sa cellphone nito. Nakay Miki kasi ang lahat ng numero ng mga taong maaari niyang hingian ng tulong sakaling magkaroon ng problema. She still has friends even though she’s evil. When Silvie take out her phone nakita niya na mayroong mensahe doon mula kay Zell, one of her friends, binuksan niya ang mensahe at napakunot ang noo niya nang mabasa ang nilalaman non. “I bought another island, Sisi, do you want us to built a resort there? A private resort, just for my family and for you only, no other people are allowed to go there unless, it is one of our family.” Isa si Zell sa pinakamayamang bachelor sa buong bansa at madalas na napi-feature ito sa mga bachelor’s magazine. Zell is also handsome and a kind one, but he never tried to court her, since they were in high school. Kahit palagi silang tinutukso noon ng mga ka-klase dahil madalas silang magkasama ay walang espesyal na pakiramdam sila para sa isa’t-isa. They’re like siblings by the heart. She typed a reply, “We have a lot of companies, Zell, wala na bang mapaglagyan ang mga kayamanan mo kaya’t bili ka ng bili ng mga property?” Just like her, Zell’s parents died but he still has his siblings. Namatay naman ang mga magulang nito dahil sa sakit at hindi katulad niya na naaksidente  naman ang mga magulang. Bunsong anak si Zell, at ang ibang kumpanya ng mga magulang nito ay pinapamahalaan ang dalawang kapatid nito na lalake. But because her friend Zell is a hardworker, nagsikap ito upang magkaroon ito ng sariling kumpanya, pinalago nito ang nakuhang share sa yumaong mga magulang. Ngayon ay isa na ito sa pinakamayamang bachelor sa bansa. Samantalang siya, lahat ng mayroon siya ngayon ay pamana ng kaniyang yumaong lolo sa kaniya. Ibinaba sandali ni Silvie ang kaniyang cellphone nang maalala niya ang araw na iyon nang basahin ng lawyer ng kaniyang lolo ang last will of testament nito. “Ang lahat ng ari-arian ko ay mapupunta sa aking apo na si Silvie Portia Catrice Monte Claraza.” Sabi ng lawyer at tumingin sa kaniya. Napaawang ang kaniyang mga labi, alam niya na pamamanahan siya ng kaniyang lolo pero hindi niya alam na lahat ng kayamanan nito ay ibibigay sa kaniya! Napatingin siya sa kaniyang Uncle Leo at nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito, hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata nang kumuyom ang mga kamay ng  uncle niya. Napayuko si Silvie, hindi niya ito inaasahan, hindi ito ang gusto niya. “At kapag may nangyaring masama kay Silvie ay ang kalahati ng mga kayamanan ay mapupunta sa charity at ang kalahati naman ay sa apo kong si Leodius.” Sabi ng lawyer. Napabuntong hininga siya, mabuti na lang at kahit na ganoon ay hindi siya pinakitunguhan ng hindi maganda ng kaniyang Uncle Leo, akala niya katulad ng mga nababasa niya sa mga libro ay magagalit ito sa kaniya ngunit ginabayan pa  siya nito. Nang muling tumunog ang kaniyang cellphone ay nakita niya ang pangalan ni Zell, pinindot niya iyon at binasa ang mensahe nito. “Hey, It’s another treasure, Sisi. You can relax there if you want!” Nasundan pa ang mensaho na ito na ‘yon. “Actually, I bought the island because I wanted to save the people there, kapag napunta sa iba ang island mapapalayas ang mga naroon and that’s what I don’t want to happen.” Napangiti si Silvie sa nabasa, Zell as the kind Zell. Maawain ang kaniyang kaibigan na iyon, hindi na nga niya maalala kung paano niya ito noon naging kaibigan basta ang isa sa hindi niya makakalimutan na sinabi ni Zell noon ay isa siyang ‘Malditang pangit’ iyon ang unang beses na nasabihan siya noon pero hindi siya nainis, naisip niya na Zell was being honest that time. She told him that she likes him to be her friend. But until now, he’s still the old Zell. The bubbly, helpful and kind one. She then typed a reply and send it. “Okay, I’m in, but I am too busy right now to think about that.” Nang mapatingin si Silvie sa oras sa kaniyang cellphone ay napatayo siya, lumapit siya sa table ni Miki at nag-gesture sa kaniyang kamay upang iparating dito ang oras. “Oh, okay, ma’am.” Sabi ni Miki at tumayo na ito. They went out of her office at tinungo nila ang conference room. Nang makapasok sila ay naroon na ang lahat ng mga board of directors. Naupo si Silvie sa unahan at humalukipkip siya, pinagalaw niya ang swivel chair na kinauupuan at pagkatapos ay isa-isang tiningnan ang mga naroon sa silid. Kumpleto na ang lahat ng mga miyembro at kahit ang kaniyang Uncle Leo ay naroon na rin, nang mapatingin siya sa kaniyang Uncle Leo ay nginitian siya nito, tango naman ang isinagot niya dito. Kinuha ni Silvie ang ballpen na nasa ibabaw ng table at pati na ang folder na naroon. Pinasadahan niya ng tingin ang nasa loob ng folder at pagkatapos ay tumingin siya sa mga naroon. “So... shall we start?”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD