Nakuha ang atensyon ni Mary na nagpipinta sa loob ng kaniyang studio room mula sa mga pagkatok sa pintuan. Paglingon niya ay bumukas iyon at sumungaw ang kasambahay na si Melba. "Ate, pasensya ka na sa istorbo..." alanganin itong ngumiwi at kinamot ang batok. "Baka pwede po na puntahan niyo sa si Madam sandali." Tumango si Mary at maingat na ipinatanong sa high stool ang hawak na rounded palettes saka sumunod na sa nagpatiunang si Melba. Binabaybay nila hallway patungo sa east wing ng mansyon kung nasaan ang silid at umakyat sa ikalawang palapag. Hindi pa man sila nakakapasok naririnig na niya ang galit na boses ng Ina. Naiiling na pinihit ni Mary ang doorknob at pumasok sa loob ng silid. "At anong gusto niyo, habang buhay akong ikulong sa kwartong ito!" "Ginagawa ko lang po ang

