Umugong ang masigabong palakpakan sa buong stadium kung saan ginaganap ang pagtatapos ng 50th batch of senior students from DAC nang tawagin na isa-isa pangalan ng mga estudyante. “Asuncion, Mary Avery!” Huminga ng malalim si Mary bago humakbang papunto sa stage. Nakangiting inilahad ni Ms. Bettina ang kamay sa kaniya. “Congratulations.” Anitong iniabot ang nakarolyong diploma. “Thank you po,” magalang na tugon niya. Pumihit si Mary paharap sa stage para sa picture taking, nang mahagip ng mga mata niya ang Inang proud na kumakaway sa kaniya. Nakatayo sa tabi nito si Daddy Francis na hawak ang isang digicam. May kakayahan itong magbayad at umupa ng photographer, pero gusto raw nitong personal na kuhanan ng larawan ang pagtatapos nila ni Duke. Napalingon si Mary sa ibaba ng stage

