“OMG! Sissy!” Napalingon si Mary sa malakas na tumili at nakita si Floryn na kapapasok lang ng classroom. Nagmamadali itong tumakbo papunta sa pwesto niya at nakaupo sa kaniyang tabi. “So! Ano! May isusuot ka na ba sa saturday? What are you gonna wear? It is sexy or sweet girl?! Ano! Goosssh!”Namimilog ang mga mata sa excitement na sunod-sunod nitong tanong. Tulad ng ibang kaklase nila, walang ibang bukam-bibig si Floryn nitong mga nakaraang linggo kundi ang gaganaping Senior Night sa sabado. It was a yearly gathering for senior students before the graduation na isang buwan na lamang nalalabi. Everyone was excited to go to the party. Iyon na rin kasi ang huling beses na magsasama-sama ang batch nila. Kaya naman all out ang lahat except Mary. Mula noong sabihin ng mommy na grounded

